CHAPTER 50

60 20 0
                                    

Sofie's P.O.V



Agad kong inalalayang makatayo si tita Icy at tinulungan ako nina tita Trisha pagkatapos ay hinarap ko si Mommy na galit pa din ang expression sa mukha nanginginig ang mga kamay ko sa galit habang nakatingin sa kanila.

"Let's go Sofie umuwi ka na sa atin!" - Sabi niya na hinawakan pa ang braso ko kaya inis kong binawi yun na ikinagulat nila.

"Sofie ano ba!" - sigaw ni ate Eunice pero di ko siya pinansin diretsyong nakatingin ako kay Mommy na galit pa din na nakikipaglaban ng titigan sa akin.

"Sinong nagbigay sayo ng karapatang gawin yun sa tita ko?!" - pilit kong pinakakalma ang sarili ko habang nag tatanong sa kanya na lalong ikinakunot ng noo niya.

"Yan ba any natututunan mo dito ang mam--

" Tinatanong kita! "-putol ko sa sasabihin niya.

" Sofie ano ba! "-Sita sa akin ni kuya Vince pero di ko din siya nilingon.

" Ang kapal ng mukha niyong mag pakita sa akin dito after almost three years, ganyan ang gagawin niyo!" - inis na talagang sigaw ko at pilit kong pinipigilan ang pag tulo ng mga luha sa nga mata ko dahil ayaw ko ng maging mahina sa paningin nila.

"Wala kang karapatang bastusin ako ng ganyan Sofie baka nagkakalimutan mo kung ano mo ako at ano lang kita!" - Sabi ni Mommy na pinahihinahon din ang sarili.

"Wala din 'po!' kayong karapatang pumunta basta-basta nalang dito at mag-eskandalo, kasi wala naman 'po!' kayong ipinunta dito!" - dinidiinan ko talaga ang pag sasabi ng po para kahit papaano ay may pag galang pa ako kahit kaunti sa kanya.

"Wala ka talagang kwentang anak!"

PAAAK! *

Napapikit ako ng bigla niya akong sampalin sa kanang pisngi at halos mamanhid ito sa sobrang lakas, pero hindi ko ininda yun at hinarap ulit siya na tumawa pa ng mapait.

"Hahahaha! Really ako pa talaga ang walang kwentang anak! Talagang sayo pa po nanggaling ang salitang 'walang kwenta!' wow big word sige nga tingnan natin kung sino talaga ang karapatdapat na tawaging 'walang kwenta!' dahil sa ating dalwa ikaw yun WALA KANG KWENTANG TAO! WALA KANG KWENTANG INA! "


PAAAK! *

Nabigla ako ng biglang lumapit si kuya Vince and worst sinapak niya ako at doon ko na hindi napigilan ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko.

" Ang kapal ng mukha mong sabihan siya ng ganyan Sofie ganyan ka na ba talagang ka bastos ha!" - singhal ni kuya Vince kaya napayuko ako at nanginig ang mga kamay at tuhod ko.

'Bakit nagkakaganito ako kapag si kuya Vince na ang nagsasalita ng mga ganyan bagay o nananakit sa akin siguro dahil hindi ako sanay na siya ang gagawa ng mga yan hindi siya yung kuya Vince na nag-alaga at nagpalaki sa akin mula ng bata pa ako!'.

"K-kuya S-sorry Hindi k-

PAAAAK! *


" Vincent Ano ba! "-Sita ni Michael kay kuya Vince ng sampalin ulit niya ako kaya di ko na natuloy pa ang sasabihin ko at nagpatuloy sa pag-iyak.

" Ano hayan ba ang ipinagmamalaki mo ha! Kung alam ko lang na magkakaganyan ka sana pala hin--

" Vincent! "-natigilan si kuya Vince ng sigawan siya ni ate Eunice na galit na galit na nakatingin sa akin lumapit sila ni kuya Dwayne sa akin at padakot na hinablot ni kuya Dwayne ang damit ko dahilan para umangat ako sa lupa.

Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Where stories live. Discover now