CHAPTER 43

74 22 0
                                    


Sofie's P.O.V

End of Flash Back***


"At hindi ko alam na yun na ang pinaka masakit na yugto ng buhay ko hu hu hu hu!" - Sabi ko habang umiiyak yinakap naman ako ni Ken.

"Ssshhhhh! Sofie it's ok everything will gonna be ok Mmmm!" - pagpapatahan niya sa akin kaya pilit kong inayos ang sarili ko para makapagsalita na ulit hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa posisiyon namin at nagkukwentuhan, ang alam ko lang ay nandyan siya para makinig.

" Ang nakakainis pa ni isa sa father side wala akong naramdaman ni isa na kakampi ko!" - humihikbing sabi ko at nagpatuloy na naman sa pag-iyak.



Flash Back***


Naglalakad ako sa papunta sa isang hall way ng hospital at sa isang room nakita ko sa tapat ng pinto ay nakaupo si kuya Vince sa isang waiting area sa labas ng room at sa pagkakaalam ko ay kay Lolo na siguro yun, hinihilamos ni kuya Vince ang mukha niya saka hihinga ng malalim.

Nilapitan ko siya at agad naman siyang tumingala ng maramdaman ang presensya ko galit na galit siyang nakatingin sa akin at napaatras pa ako dahil dun ngayon ko lang nakita ang mga tinging yan bukod kanina iba ngayon.

Tumayo siya at hinawakan ako ng mahigpit na mahigpit sa mga balikat ko oo nasasaktan ako pero di ko magawang ikilos ang katawan ko dahil natatakot ako.

"Kapag may nangyaring masama kay Lolo hinding-hindi kita mapapatawad tandaan mo yan!" - halatang pilit pinahihinahon ni kuya Vince ang sarili pero baka sa mukha niya ang sobrang galit at diretsyo siyang nakatingin sa mga mata ko dahilan para manlumo ang buong katawan ko.

Wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko, hindi ako sanay na ganito kami ni kuya kainis!.

At bigla nalang nagtakbuhan ang mga nurses at doctor sa room ni Lolo at umiiyak na lumabas dun si ate Eunice at nakita ko mula sa bintana kung paano asikasuhin ng doctor at nurses si Lolo mabilis ang bawat kilos nila dahil mukhang critical si Lolo.


"KASALANAN MO ANG LAHAT NG ITO!" - Sigaw ni ate Eunice habang dinuduro ako.


Umalis si kuya Vince at sinadya niya oa akong sagiin sa balikat.

Nilingon ko siya at hinabol ko siya pero hindi ko siya maabutan dahil sobrang bilis niya bakit ba kasi sobrang tangkad niya!.

" KUYA please maniwala ka naman sa akin di ba ikaw na ang nagpalaki sa akin at ikaw na ang halos nakasama ko mula pagkabata ko kaya dapat mas maniwala ka sa akin, dahil mas kilala mo ako kesa sa kanila!" - Sigaw ko habang pa tuloy sa paghabol sa kanya.



Humarap siya sa akin at walang kahit na anong expression ang mukha niya at dahil dun nakaramdam ako ng sobrang lungkot para bang wala siyang pakialam sa akin.


" Alam mo minsan akala natin kilalang-kilala na natin ang isang tao dahil sa tagal ng pinagsamahan natin pero maling mali pala tayo kung yun ang iisipin natin!" - cold na sabi niya sa sobrang cold siguro mag yeyelo na sa pinas. Ako naman ay nagpatuloy lang sa pag-iyak.

" pero nag promise ka di ba na parati kang nasa tabi ko at pakikinggan mo ang mga paliwanag ko kuya naman oh! "-umiiyak pa ding pagmamaka-awa ko sa kanya.

"Sorry pero hindi totoo yun, wag ka kasing basta-basta kung magtiwala kaya ka nagkakaganyan eh! Basta kapag may nangyaring masama kay Lolo hindi kita mapapatawad!" - Sabi niya at tuluyan ng umalis ako naman ay nagpatuloy sa pag-iyak.



















Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Where stories live. Discover now