CHAPTER 44

63 20 1
                                    

Ken's P.O.V

"Oh, pasok ka muna sa loob wala naman si tita Icy nasa states next week pa ang uwi inasikaso niya daw yung business nila, maliligo lang ako tapos punta na tayo sa party ni Roxanne ok!" - Nakangiting sabi ni Sofie nasa loob kami ng kotse ko ngayon at ka uuwi lang namin dito sa bahay nila pagka galing sa mall at mamili ng gift namin para kay Roxanne.

" Sige Babe, ako na diyan. "-sabi ko at kinuha ang mga pinamili namin at inalalayan siyang makababa ng kotse ko.

Nagtuloy lang siya sa pag-lalakad ng walang lingon-lingon kaya napa buntong-hininga naman ako pero sadyang hindi ko pinahalata sa kanya at sumunod nalang.


'Alam kong may something na hindi niya sinasabi, at alam kong may kung ano syang nararamdaman kanina ko pa napapansin ang pagiging matamlay at maputla niya pero pilit niyang hindi pinahalata, pero ramdam na ramdam ko na may iniinda siya pero di ko naman alam yun! '




"Hmmm! Babe diyan ka muna maghintay ha ligo lang ako balik din ako later hehe!" - pa-alam pa niya at nag-pilit ng ngiti ganyon din ako sa kanya at tumango.


Nakangiti siyang nag lakad paakyat sa hagdan at nag punta sa kwarto niya ng biglang lumabas naman si Alexa na naka white simple dress at bagay na bagay sa kanya nakangiti siyang lumapit sa akin.


"What's up! Parati na kayong magkasama ni ate Sofie ah! Nga pala hindi ako dito tutulog ngayon sa mga lolo namin ayaw naman sumama ni ate Sofie ok lang bang samahan mo muna siya dito?" - Nakangiting tanong niya.


"Wala ba si Jillian?" - takang tanong ko.


"Tss! Yun pang batang yun ang aasahan duuuuhhhhh! Sa mga friends niya may overnight activities sila e sina lolo kasi sa bahay na daw nila kami matulog ayaw naman ni ate Sofie kasi nga madami pa daw siyang gagawin tch!" - Sabi pa niya.

"Ok lang ba?!" - naiilang na tanong ko.


"Why not! Duuuuhhhhh! Your my cousin and ate Sofie's boyfriend at saka may tiwala kaya kami sa inyo no bakit naman hindi tss!" - Mataray na sagot niya kaya natawa naman ako at biglang may naisip.


"May problema ba siya?" - biglang tanong ko kaya tiningnan lang niya ako na may halong pag tataka.


"Sinong 'siya?'" - madiin ang pagkakabigkas niya sa huling salita at kunot noong nakatingin sa akin.

"Tss! Si Sofie sino pa ba?!" - inis na tanong ko at sumeryoso naman ang mukha niya.

"Bakit mo naman na tanong?" - tanong niya.

"Para kasing ang tamlay niya tapos medyo tumahimik siya, halatang pilit lang ang mga ngiti niya at parang may inaalala siya." - sagot ko at yun na naman ang pagkunot ng noo niya.

"About na naman sa family niya yan, wala na silang connection three years na ang nakakalipas pero ganyan pa din siya, lagi kasi niyang hinihiling kahit one day lang daw makita ulit niya sila pero di naman natutupad tss! As if naman na magiging ok pa sila!" - may bahid ng inis ang tono niya.

" Why not? "-takang tanong ko.


" Why not!, duhhh! Three years, three years nilang tiniis si ate Sofie sinisi sa lahat ng nangyari tapos uuuggggghhh! Tsk! Bakit ba kasi umaasa pa si ate Sofie naawa tuloy ako sa kanya sana nga pag dumating yung time na yun, wala sanang awkwardness sa pagitan nila ng mga pinsan niya sa tagal na nilang di nagkakausap at nagkikita I'm sure marami ng nagbago si ate Sofie lang ang di maka move on, anyway I have to go nandun na si George hehe! Tinawagan niya ako bye paki sabi nalang din kay ate Sofie bye! Muah! "-Sabi niya pagkatapos ay mabilis na humalik sa pisngi ko nginitian ko lang siya kaya umalis na siya.

Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Where stories live. Discover now