CHAPTER 12

119 28 2
                                    

Sofie's P.O.V

"Guy's manlilibre daw ng pagkain si Mr. PRESIDENT!" - Sigaw nang kung sino mula sa likod ko katatapos lang naming gawin ang mga dapat naming gawin para sa event bukas pero ito ako masakit pa din ang likod sa pagkakabagsak ko kanina bwisit kasi ang Yabang na toh!.

" Totoo ba yun Mr. President? "-Sabi  ng isa pa naming group mate, sabay akbay dun sa sumigaw kanina yung business manager ng S.S.G

"Sure why not basta kasama lahat NG nandito" - Sagot ni Yabang at ngumiti edi ikaw na mayaman.

"Yern namern Sana all rich kid!" - Singit ng kung sino man sa likod namin.

"Sorry di ako pwede madami pa kasi akong kailangan gawin di rin ako makakasabay sa inyo magpapasundo nalang ako kay Mommy ate Sofie ikaw nalang sumabay muna sa kanya ha sorry talaga" - Pagpapatuloy ni Alexa habang may hawak na isang stick at ang amos niya ha parang nagpintura sya.

"Sige pero mag-iingat ka ha" - Sagot ko at ngumiti sa kanya nag-paalam na sya at nag lakad na palayo busy nga siya kasi naman parang mas president pa sya kesa dito kay Yabang.

"Let's go!" - sabi ni Yabang at nagsimula na kaming maglakad papuntang parking kanya kanyang sakay sa mga kotse nila samantalang ako naman heto nakikisabay kay Yabang sa bintana lang ang tingin ko habang pinapanood ang Dina daanan namin nakasunod naman sa amin ang group mates namin.

Maya-maya pa ay hininto na ni Yabang ang kotse niya sa parking at bumaba na kami kasunod din lang namin ang group mates namin.

Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito ano kaya ito naglakad papunta sa entrance si Yabang at sumunod naman agad kami papasok namin malakas na malakas na music agad ang bumungad sa amin mababasag ata ang eardrums ko dito.

"Anong lugar ba ito?!" - Tanong ko kay Yabang(Ken) pero mukhang di niya nadinig dahil nagpatuloy lang siya sa paglalakad at dumiretsyo sa isang table nasa gitna ng malaking couch na parang kalahati ng moonna sapat lang para sa aming lahat na group members niya.

Naupo kami dun at umorder ng pagkain napatingin ako sa di kalayuan sa amin na madaming taong nagsasayawan at nag-iinuman OK oo na Bar ito grabe kung mag-sayaw mga tao dito ha bigay kung bigay kala mo mga babagong nakalabas ng bahay at nakapunta ng bar tsk! Tsk! Tsk!.

"Ito na po ang order nyo!" - Biglang sabi ng waiter habang nakangiti dahilan para ma-agaw ang atensyon ko andami naman nito mga patay gutom ba kakain nito parang nagpapyesta si mayor ah.

Nagpa-alam na yung waiter at agad na kinuha naman ng mga group mates namin ang pagkain nila pinanood ko lang sila habang tuwang-tuwa.

"This is for you!" - Sabi ng kung sino sa tabi ko sabay baba ng pagkain sa harap ko tiningnan ko sya dahilan para mapataas ang kilay ko.

"Anong ginagawa mo dito?" - Tanong ko habang di inaalis ang mga tingin ko sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba invited din ako dito di ba sabi nya lahat daw kasama" - Sagot naman nitong si Tukmol.

"He's right hm Prince Charles the transferee right!" singit ni Yabang na nasa tabi ko din pala sa kaliwang side.

"Yes you can call me Charles for short" - Nakangiting sagot nitong si Tukmol at inilahad ang kanang kamay kaya napa-sandal ako sa couch inabot naman yun ni Ken at nakipag-shakehands.

"Swerte ni Miss. Secretary puro gwapo ang katabi ayeeeeeeeei!" - Singit nung isang Group mate namin na nasa 1st year lang siguro kala mo naman close kami.

Hindi namin siya pinansin at nagsimula ng kumain 9 lang kami sa table pero parang sobrang dami namin ang ingay kasi ng mga talipandas na ito ih natapos kaming kumain makalipas ang ilang oras.

Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Where stories live. Discover now