CHAPTER 7

152 32 0
                                    

Sofie's P.O.V.

Naglalakad ako ngayon papasok sa Campus habang nakangiti, nababaliw na ata, ako ganito na kasi ako mula kanina  sa bahay palang .

"Uy! Besh ang aga mo namang ngumiti ngayon ah good mood ka besh ano nakain mo?!" - Sabi ni Pia at mabilis na umakbay sa akin kasunod niya sina Roxanne at Moureene.

"Wala masama bang maging good mood!" - Sagot ko habang natatawa at patuloy sa paglalakad.

"I heard about what happened to your meeting with Mr. President and  his members yesterday and someone told me na magsa-shoping  ka daw with Mr. President ayeeeeeeei!" - Pang-aasar ni Roxanne habang natatawa pa.

Talaga bang mabilis ang balita o talagang may pagkastismosa lang talaga itong kaibigan kong ito.

" Tsk! Ipinaalala mo na naman ang Yabang! na yun kainis akala mo naman hindi ako marunong mamili Mag-isa! "-Sabi ko at nagcross-arm.

Nakarating na kami sa Classroom namin at naupo na sa chair's namin sa table ko inilagay ang bag ko para ayusin ang laman ng locker ko para kasing sa mga University sa Korea itong table namin may single chair tapos may isang  table na may maliit na kabinet na mga notebooks or something na maliliit na bagay lang ang kasya dito kaya minsan iniwan ko na lang dito ang mga notebooks ko kapag wala kaming mga assignment.

"Good Morning!" - Bati ng kung sino sa harap ko pero nakafocus ako sa pag-aayos ng gamit ko kaya hindi ko agad siya nilingon.

"OH! Ikaw pala Good Morning din!" - Bati ko habang nakangiti dito kay Tukmol.

"Ay! Close na agad kayo?" - Tanong ni Moureene at dun ko lang napansin na nakatingin pala silang tatlo sa amin.

"Hindi naman as in close nakausap ko lang siya kagabi" - Paliwanag ko sa kanila at inilagay na ang bag ko sa upuan ko.

"OK!"-Tipid na sagot ni Moureene at nag-nod.

Nagsimula na ang klase namin at mabilis din naman itong natapos ng hindi ko namamalayan hindi kasi ako nakinig sa naging discussion namin kanina sa E. S. P. para sa akin kasi lahat naman ng isagot mo kapag tinanong ka ng teacher niyo about sa lesson na yun tama.

"Hmmmm! Sandali lang guys ha ngayon kasi ako magpiprint ng announcement about sa paghahanap ng mga magiging cheering squad ngayong school year eh punta lang ako sa office para magpaprint" - Pagpapaalam ni Pia habang may hawak na isang flash drive yun siguro ang copy ng ipiprint niya. Cheerleader kasi siya ng Campus kaya siya ang responsable sa mga bagay na yun.


Sumang-ayon naman kami agad kaya mabilis na siyang umalis papunta sa office.


Lumapit si Laurence sa amin at agad na umakbay kay Roxanne dahilan para mainis ako ngumiti siya sa akin at dun ko lang na realize na hindi pala niya ako nakilala kahapon.


"Hi Baby!" - Sambit ni Laurence habang nakangiti kay Roxanne baby! baby ka dyan Yuck! Ewwwww! Kadiri! Tsk.



"Sofie are you ok?," - Tanong ni Moureene habang seryosong nakatingin sa akin.


"Yes may naala-la lang ako" - Sagot ko at ngumiti sa kanya.

"May pupuntahan lang ako guys OK" - Pagpapa-alam ko at agad naman silang nag-nod bilang pag-sang ayon.

Naglakad ako ng mabilis pero hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta hindi ko kasi kayang panoorin ang panlalandi ni Laurence kay Roxanne ngayong alam ko na na may iba siyang kalandian ang galing.

Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Where stories live. Discover now