CHAPTER 56

63 21 1
                                    

Ken's P.O.V


"Why did you do that?" - Inis na singhal ko kay Gwenn at itinulak siya palayo.



Agad na hinanap ng paningin ko si Sofie na noon ay nakalayo na.
"F*ck!" - naiusal ko at mabilis na nag lakad sa field kung saan papunta si Sofie.

"Ken!" - dinig kong tawag ni Gwenn pero di ko na siya pinansin pa at sa halip ay mas binilisan ang paglalakad.

"Sofie!" - pag tawag ko habang pa tuloy sa pag sunod sa kanya, huminto siya ng hindi humaharap sa akin. "Sofie!" - pag tawag ko ulit at hinawakan siya sa braso.

Marahan niya akong nilingon at tiningnan muna niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya bago ako tingnan at ngumiti, parang dinurog ang puso ko ng makita ang lungkot sa mga mata niya. "Sofie let me ex---

" You don't have to explain, don't worry I saw everything!"-malamyang pagputol niya sa sasabihin ko at tiningnan ako ng diretsyo." Nag text na si tita Icy payag daw siya sa trip natin, ok na daw ang gamit ko pinahanda niya sa katulong namin let's go?" - tanong niya at mabilis na nag lakad agad naman akong humarang sa nilalakaran niya.

"Are you mad at me?" - kinakabahang tanong ko.

Ngumiti muli siya at sa pagkakataong ito ay natural na ngiti na ang iginawad niya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

"No, gusto ko lang mapaaga tayo sa pupuntahan natin excited na ako kaya tara na, I'm sure mag eenjoy tayong lahat dun!" - Sabi niya at ramdam ko ang sinsiredad sa mga sinabi niya.

"Nagpagusapan na namin nina Pia na sa Park nalang tayo mag kita - kita ok na ang gamit ko kaya masasamahan kita sa inyo let's go!" - Nakangiting usal ko at inilahad ang kamay ko sa kanya.

"Ok!" - yun lang ang sagot niya at hinawakan ang kamay ko. Pumunta na kami sa parking lot at inalalayan siyang makasakay sa kotse ko.

"Babe malapit na Birthday ko, punta ka ha!" - Sabi ko habang nagmamaneho.

"Sure anong gusto mong regalo?" - Nakangiting tanong niya.

"Nandun ka lang ok na, pinakamahalagang regalo na ikaw para sa akin Babe!" - Nakangiting sagot ko at tila nakalimutan na namin ang mga nangyari kanina.

"Mmm! Two weeks pa di ba?" - nag-iisip na usal niya habang tumatango - tango.

"Yes Babe sa Beach namin ang party ko sa Batangas!" - masayang sabi ko.

"Ah ok paghahandaan ko yan!" - Sabi niya at umayos ng upo.

Hindi na ulit ako nag bukas ng topic ng makarating kami sa Village nila kaya nanatili na lang kaming tahimik hangang makarating kami sa bahay.

"Soooofffie!" - masayang sambit ni tita Icy at agad na niyakap ito.
"Na miss kita grabe ok ka na ba ha?" - tanong ni tita habang sinisipat ang kabuuan ni Sofie.

"Yes tita, hindi ko na rin masyado inisip yung mga nangyari nung nakaraan, maistress lang ako, ok lang ako tita promise! Saka hindi na din ako masyado naapektuhan matagal na rin naman kaming sira hehe!" - pilit ang tawang naigawad ni Sofie kay tita Icy at niyakap din ito.

" Tita babalik po kami sa Sunday afternoon, marami po kaming kasama mga kaibigan po namin! "-Sabi ni Sofie ng kunin sa taas ang mga gamit niya.

" Sure enjoy niyo lang yan, ikaw Ken ha wag mong pababayaan yan ok!" - bilin ni tita kaya natawa ako.

"Sure tita, alam niyo naman pong love na love ko itong si Babe eh, hehe!" - sagot ko at kumamot sa likod ng ulo ko.

"O siya sige na umalis na kayo, baka gabihin pa kayo papunta dun eh, ingat kayo sa pagdadrive ha!" - Sabi ni tita na inihatid pa kami sa gate.

Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Where stories live. Discover now