CHAPTER 47-INTER-HIGH OPENING Remarks

69 21 1
                                    

Sofie's P.O.V






Nagising ang diwa ko ng may biglang umupo sa kamang hinihigaan ko ngayon pero nanatiling nakapikit ang mga mata ko.





Alam kong nasa kwarto ako ni Ken ngayon at alam ko din na hindi siya tumabi sa akin kagabi dahil alam niya naman na di ako sanay na may katabi na lalaki sa kama guminhawa na ang pakiramdam ko at ayos na ang pakiramdam ko ngayon.





"Babe!" - na- imulat ko ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Ken na nasa - upo sa harap ko at ngiting - ngiti kaya nginitian ko din siya.




"Kain ka na!" - Nakangiting sabi niya habang may hawak na tray na may pagkain kaya naman umupo ako sa kama at sumandal sa ulunan nito nabigla ako sa suot ko dahil sa pagkakatanda ako ay hindi naman ako nagpalit kagabi kaya taka akong napatingin kay Ken na nakangiti pa din.






"Ako ang nag - punas sayo kagabi nakatulog ka kasi eh but don't worry si Yaya ang nagpunas ng iba at nag - palit ng damit mo!" - Nakangiting pa ding paliwanag niya kaya nakahinga ako ng malalim.




Kumuha siya ng unan at ipinatong sa hita ko at ipinatong niya dun yung tray na may mga pagkain at milk, kaya kumain na ako.





" Wag mo na ulit, uulitin yun ha! "-mahinahong sabi niya pa kaya taka akong tumingin sa kanya.





"Ang alin??" - nagtatakang tanong ko pa din habang sumusubo ng cereal.





"Ang magkasakit --





" Tss! Hindi ko naman talaga ma - iiwasang magkasakit! "-pag - putol ko sa sasabihin niya kaya naman sumeryoso siya.





" Hindi naman kasi, I mean yung pipilitin mo pa ang sarili mo eh! may sakit ka na nga sana nag - pahinga ka nalang maintindihan naman siguro nina Roxanne kung hindi ka pumunta! "-seryoso pa ding sabi niya.



"Sige!" - mahinang sagot ko at nag - patuloy sa pagkain.




"Are you excited for tomorrow?" - Nakangiting tanong niya.



"Mmmm!" - tipid na sagot ko.




"Manonood ka ba ng laban namin?" - masaya pa ding tanong niya.




"Wala naman akong maintindihan sa basketball eh! At saka hindi din kasi ako mahilig manood ng mga ganyang laro hehe!" - sagot ko kaya naman ngumuso siya na parang batang inagawan ng laruan kaya hindi ko napigilan ang pag tawa ang cute niya kasi hehe!.



"Kahit na i - cheer mo lang ako dun eh! Ikaw kasi ang mag - papapanalo sa game namin hehe!" - pag papa - awa niya kaya bahagya akong natawa.



"Bakit ako, hindi naman ako ang nag lalaro?!" - natatawa pang sagot ko, kaya lalong lumungkot ang mukha niya.



"Hindi kasi ako magiging ok sa laro kapag wala ka, wala kasi akong inspiration!" - pangungulit pa niya kaya natawa na naman ako.





"Suuuuuuus! Dumaan ang 1st and second year na naging MVP ka ng hindi ako nanonood, tapos ngayon na 3rd year na tayo sasabihin mo yan wow! Uto sa iyo!" - natatawa pang pang - aasar ko sa kanya.




"Alam ko kasi na nandun ka!" - Nakangiting sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.



"What hindi no! Oo pinapupunta kasi kami noon ng mga advicer namin noon pero di rin naman ako nanonood kasi nga wala akong maintindihan! Kaya nga pagala - gala lang kami nina Pia ng time na yun! Tapos dinig ko pa ang pagche-cheeer sayo ng mga fans mo sa campus nangingibabaw pa ang boses ni Lorraine noong gf mo pa siya pati si Aleah naman last year tss! "-natatawa pa din ako kaya naman nawala ang mga ngiti niya at napalitan ng mas nakakalokong ngiti kaya natigilan ako.






Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Onde histórias criam vida. Descubra agora