CHAPTER 51 BATANGAS PROVINCE

72 21 2
                                    

Sofie's P.O.V

Sikat na ang araw ng naisipan kong bumaba ng second floor nina tita Ana, maaga ding umalis si Alexa dahil may laro pa sila ng Valleyball ngayon at tanging ako, si tita Ana at ang asawa niyang si tito Oliver lang ang dito bukod pa pala yung lola na Mama ni tito Oliver.

"Oh! Sofie iha, magandang umaga buti na-isipan mo ng bumaba dadalhan pa sana kita ng pagkain sa taas eh!" - bungad ni tita Ana na nagpipripare ng agahan.

"Good morning po tita, tito!" - bati ko sa kanila ni tito Oliver.

"Kamusta ang pakiramdam mo iha?" - tanong ni tito Oliver habang humihigop ng coffee sa mug niya.

"Ok naman po!" - sagot ko at nag pilit ng ngiti.

"Maupo ka na diyan at sumabay ka na sa amin Sofie, may trabaho din kasi ang tito Oliver ako naman ay may aasikasuhin lang mamaya kaya aalis din ako!" - Sabi ni tita Ana at tipid na tango lang at ngiti ang isinagot ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala lagi namang nandyan yung mga kaibigan nina Alexa mga halos kaedadan niyo din naman sila, pwedeng sila ang makasama mo mamaya, wag kang mag-alala mababait naman sila at masarap kasama!"-kwento ni tito Oliver at tinanguan ko lang siya.

Nag-pa tuloy kami sa pagkain at ng matapos ay nag-paalam na si tito Oliver at ngayon naman at nag-aayos na ng sarili para din sa pag-alis niya.

" May gusto ka bang ipabili? "-tanong ni tita Ana habang nagsusuklay ng kanyang buhok. Ako naman ay na kayakap lang sa throw-pillow at nakaupo sa sofa set na nasa salas nila.

"Wala naman po!" - tipid na sagot ko at pinanood lang ang mga ginagawa niya at ng matapos ay nagpalam na siya at umalis.

Naiwan akong mag-isa pati yung lola na nasa tabi ko, hindi ako makatingin sa kanya dahil naiilang ako puti na ang lahat ng mga buhok niya at naka-upo lang siya sa upuan na gumagalaw-galaw 'basta yung inuupuan ng matatanda na hindi na halos makalakad yun yun!'

Pinagmasdan ko ang kabuuan niya ng igalaw niya ang kanang kamay niya pero di siya nagsasalita, mukhang makakalimutin na din siya tulad ng ibang matatanda sobrang kulubut na kasi ng mga balat niya at nahahalata ko na ang mga buto niya para kasing nakalay-lay na ang balat niya.

BLAAAAG! *

Napunta sa may pinto ng salas ang atensyon ko ng marinig ko ang isang napaka lakas na ingay parang may kung anong bumagsak, pero di ko nakikita dahil sa balkonahe sa terris na nakaharang sa pinto kaya di ko kita ang labas, ilang hakbang lang ang layo ng pinto mula sa kinatatayuan ko at nasi siguro kong galing sa labas at malapit lang dito nanggaling ang ingay na yun.

Tumayo ako para silipin kung anong meron sa labas habang na kayakap pa din sa throw-pillow at agad na nagunot ang noo ko ng makitang may nakasakay na mga lalaki sa medyo mataas na bakod nina tita Ana siguro ay nasa anim sila agad silang ngumiti at kumaway sa akin pero inirapan ko lang sila at pabagsak na naupo ulit sa sofa tss!.

"Hello!" - agad akong tumingin sa may pinto ng may magsalita, isang babae na straight ang buhok, maliit, hindi naman masyadong payat at medyo may katigasan kung tumindig. Napatingin ako sa likod niya ng may pumasok ulit na ka sunod niya tatlong babae na mas matangkad sa nauna.

Tiningnan ko lang sila ng may pag tataka kaya lumapit na sila.

"Pinsan ka ni Alexa di ga?" - pigil ang tawa ko sa paraan ng pag tatanong ng unang babae na pumasok, iba kasi yung accent ng pagsasalita halatang taga Batangas talaga.

"Yes I'm Sophia Natividad you can call me Sofie and you are?" - Nakangiting pakilala ko sa kanya agad naman siyang tumingin sa mga kasama na ani mong nahihiya pa tss!.

Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ