CHAPTER 46

71 21 0
                                    

Sofie's P.O.V

Maaga akong nagising dahil parang may kung anong mabigat sa ulo ko, tinatamad din akong bumangon pero kailangan dahil birthday na ni Roxanne at mamaya na ang party kailangan din naming pumunta sa mall ni Ken para bumili ng gift para sa kanya. Kaya naman kahit labag sa loob ko ay tumayo na ako at dumiretsyo na sa C.R para maligo at ng matapos ay nag-dress na lang ako at bumaba na papunta sa kusina malayo pa ay dinig ko na agad ang boses ng mag kapatid kong pinsan na nagbabangayan na naman.

"Tsk! Ang kulit mo kasi sabi ng ayaw ko ng papasok ka ng kwatro ko kasi nagkakalat nga!" - dinig kong inis na sigaw ni Alexa.

"Kesa naman sayo parati ka nga nakatambay sa kwarto ko weeehhhhh!" - pang-aasar naman ni Jillian.

"at least ako alam mo! Eh ikaw wala kang ano-ano pasok kung pasok! Tsk!" - inis na sigaw na naman ni Alexa napapa-iling naman akong naglalakad palapit sa kanila.

Nang makarating sa kitchen ay agad akong umupo sa upuan katabi ni Alexa, pero di nila ako napansin busy sila sa pag-gegerahan hehe!.

" Ang arte mo naman akala mo naman kung anong ginawa ko tsk!" - Sabi ni Jillian magkaharapan silang mag kapatid ako naman ay nakikinig lang sa kanila habang umiinom ng gatas.

"It's better to be ma-arte than to be burara duuhhhh!" - mataray na sabi ni Alexa kaya pinandilatan naman siya ni Jillian.

"Sana may nag tanong!" - pang-aasar ni Jillian kay Alexa habang sumusubo ng pagkain, kaya lalong nangunot ang noo nito at halos mag-dikit na ang mga kilay nito.

"Ang pangit mo!" - Yan nalang ang naisigaw ni Alexa dahil sa inis.

"Kung pangit ako ano ka pa nuknukan ng pangit!" - pang-aasar ulit ni Jillian.

"Mukha kang t*ng*!" - inis na talagang sigaw ni Alexa.

"Wag kang mag-alala dahil mas mukha kang t*ng*!" - ma-arteng sabi ni Jillian kaya palihim naman akong natawa.

'Oo laging ganyan ang scene dito sa bahay, lalo na ngayon at wala si tita Icy maagang pumasok, salitaan muna sila kapag nagkapikunan yan na rambulan na!.'

"Hindi ka titigil!" - inis na sigaw ni Alexa.

"Bakit ako inaano ba kita!" - sagot ni Jillian kaya halos mamula na sa galit itong si Alexa.

Kitang-kita ko kung paanong humigpit ang hawak ni Alexa sa spoon and fork na hawak niya kaya naman wala akong nagawa kundi ang mabilis na tapusin ang pag-kain ko heto na kasi ang pinakaka-abang na tapatan ng mag kabilang panig hehe! O.A na kung O.A pero ganito talaga eh hehe!.

Pagkatayo ko ay mabilis akong tumalikod sa kanila para umalis, pero bago pa man ako makahakbang ng kahit isa man lang na hakbang ay hindi ko nagawa dahil narinig ko ang ingay ng pagtilapon ng spoon kaya agad akong nilingon silang dalwa.

Pareho na silang nakatayo at parehas masama ang tingin sa isa't-isa napabuntong-hininga nalang ako at muling tumalikod at saktong paghakbang ko naman ng dalwang beses ay napahinto na naman ako, dahil sa mabilis na pagdaan ni Jillian sa tabi ko tumatakbo habang tumatawa.

"T*ng*na mo! Bumalik ka dito HOY JILLIAN!" - halos maluha-luha na si Alexa sa inis na humahabol kay Jillian habang sumisigaw.

"Ang t*ng* ko naman kung lalapit pa ako sayo edi na sapak mo pa ako bubu!" - sigaw ni Jillian habang nasa likod ng sofa na iniilagan si Alexa na nasa harap naman ng Sofa.

Pinanood ko lang sila.

"P*ch* wag na wag ka lang talagang magpapahuli sa akin lagot ka talaga sa akin!"-sigaw ni Alexa.

Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Where stories live. Discover now