CHAPTER 60

187 24 3
                                    

Sofie's P.O.V

Natapos ako sa ginagawa ko sa TD room ng lutang o wala sa sarili, lumabas na ako at ganun nalang ang tinginan at bulungan ng mga estudyante na nakaka kita sa akin. Bahagya ako napangisi at napailing.




'Tss! Totoo nga ang kasabihang may Tenga ang lupa at may pakpak ang balita tsk! Tsk! Tsk! Ang bilis naman kumalat sabagay yung ginawa palang ni Ken na yun kanina, ayos nang dahilan yun para ma issue na naman kaming dalwa, grabe ang pagpipigil kong huminga at ng emosyon ko kanina! '

Napatingin ako sa bulletin board na nakafascill ang rankings ng Boy ang girl groups ng campus at umawang ang labi ko ng makita na pang - apat kami napapailing ako bago humarap ulit sa daan at mag lakad kung saan ako pupunta ay hindi ko alam bahala na si Batman kung saan ako dalhin ng mga paa ko pero kung busy siya pwede din naman si Spider man kaso lang baka busy siya sa paglalambitin ng mga sapot niya sa matataas na building sa New York.

'Bakit ba na damay pati mga super heroes hayyyssst! Sofie tsk!'


Dinala ako ng mga paa ko sa balkonahe ng classroom namin at ipinatong ko ang mga braso ko sa hawakan doon at nakapahalumababa na tinanaw ang kabuuan ng campus at ang mga estudyante sa Baba.

Matagal akong tumambay sa building namin bago ko naiisipang pumasok sa room at kuhanin sa bag ko ang phone at earphones ko, pabagsak akong naupo sa upuan ko at ipinatong sa table ko ang siko ko doon at nakapahalumbabang nagplay ng music, kamalas - malasang pamilyar na kanta ang nagplay doon.




Now Playing /Heaven



Inis kong pinahinto ang kanta at lalong nainis ng ang mag play ay yung kinanta ni Ken ng nasa Tagaytay kami.



Now playing /Eternal Flame






Pinindot ko ulit ang phone ko at dinilete ang dalwang kanta na naunang mag-play dahil sa inis. Pumikit ako at sa ganong posisyon nakinig ng music, malulunod na sana ako sa pag tulog ng may mag-alis ng earphones ko kaya inis kong iminulat ang mga mata ko at sinamaan ng tingin ito, pero agad ding ngumiti ng makilala ito.



"Tara na!" - seryosong sabi ni Pia. Napatingin ako sa pinto dahil nandun na ang mga kasama namin nagtaka pa ako ng makita sina Austine, kaya nagkibit balikat nalang ako bago tumayo at kuhanin ang wallet ko sa bag ko.

Walang salitang namutawi sa amin hanggang sa makarating kami sa canteen agad na umalingaw - ngaw ang bulungan ng mga estudyante ng makapasok kami na kinasanayan na rin namin.

"Okay lang ba na sa atin pa din sila sa sabay Sofie?" - nahihiyang tanong ni Roxanne na ang tinutukoy ay ang mga kaibigan ni Ken.


"Why not, sadya namang sa atin na sila sumasabay ah!" - Nakangiting sagot ko.


"Thank you Sofie!" - sinseridad na naiusal ni Austine.

"Ako nalang ang o-order ng food natin, wait niyo lang ako ha!" - pinilit kong maging natural ang ngiti matapos sabihin yun, dahil alam kong naiilang na sila.

"Samahan na kita!" - presinta ni Pia, kaya wala na akong nagawa kundi ngumiti at tumango dito. Nag lakad kami papunta sa pila ng mga naoreder.

"Okay ka lang Sofie?" - na pabuntong hininga ako sa tanong ni Pia. Ilang beses ba nila akong tatanongin.

"Always Mmm! Stop worrying okay I'm fine!" - Nakangiting sagot ko at siya naman ang napabuntong hininga, hindi ko na siya pinansin sa halip ay tumingin nalang ng diretsyo sa pila.

Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon