CHAPTER 8

144 30 1
                                    

Sofie's P.O.V.

Maaga akong nagising ngayon at wala pa ako sa wisyo na bumangon sa kama ko wala din namang pasok kasi Sabado ngayon at saka wala naman akong naaala-la na may kailangan akong Puntahan ngayon.

Nagvibrate ang phone ko kaya agad kong tiningnan kung ano ito may one Notification ako sa Messenger account ko kaya agad kong binuksan ito.

From :Keneath Ruiz Delgado

           Hey! I'm here outside of your house! "

Pagbabasa ko sa message na dahilan para mabilis akong bumangon at sumilip sa bintana ng kwarto ko mula dito kitang-kita ko ang kotse ni Yabang at nandun nga siya nakacross-arm tapos nakasandal sa kotse niya ano kayang ginagawa ng isang yun dito.

Mabilis akong naghilamos at nag-toothbrush hindi ko na sinuklay ang buhok ko at itinali na lang ito ng pa Vans.

Paglabas ko ng gate hindi maipinta ang mukha ng isang ito na ipinagtaka ko, siya na nga itong nag punta dito ng walang pasabe tapos siya pa may ganang simangutan ako.

"Bakit ka na dito?" - Takang tanong ko habang ihinawak ang mga kamay ko sa magkabilang bewang ko.

"Don't you remember that we have to go to the Mall and buy anything that we need to the event next week?!" - Sagot niya na halata ang pagka-inis oo nga pala pero di naman niya kasi sinabi na ngayon kami mamimili.

"Ay! ngayon ba yun kasalanan mo din kasi di mo sinabi" - Sagot ko dahilan ng pagkunot ng noo niya.

"What the-

" Ken is that you?! "-Naputol ang sasabihin nitong si Yabang ng bigla nalang lumabas ng bahay si tita Ice at nakangiting kinikilala itong isa.

" Yes po tita Hi"-Magalang na bati nitong isa na akala mo sinapian ng anghel ay ang galing.

"Long time no see ah antagal na rin ng huli kang nagpunta dito nung nag-group activity kayo ng classmates ninyo dito ni Sofie how are you?" - Nakangiting tanong ni tita kay Yabang at umakbay dito oo nga pala pamangkin din ni tita ito at pinsan ni Alexa pero wala kaming connection kasi sa side naman yun ni tito .

" Well ok naman po tita"-

"Ah ok tara pasok ka muna!"

Sabi ni tita Icy pero di na hinintay ang sagot nitong si Yabang bigla na lang kasi niyang hinatak ito at wala naman siyang nagawa kundi sumunod, naglakad na din ako papasok sa bahay.

Nang makarating sa loob agad na naghanda ng pagkain yung mga maid nina Tita Icy umupo ako sa lamesa at kumuha ng isang loaf bread at nilagyan ng hotdog.

"Bakit ka nga pala napadalaw?" - Tanong ni tita Icy dito kay Yabang habang nakangiti.

"Hmmm! ngayon po kasi kami mamimili ni Sofie sa Mall ng mga kailangan namin for the event next week" - Paliwanag nitong si Yabang at uminom ng juice.

"Ah ganon ba eh bakit di ka pa nakaayos Sofie?!" - Nagtatakang tanong ni tita Icy. Hello kagigising ko lang po kaya.

"Heto na nga po mag-aayos na" - Sagot ko ng matapos akong kumain at mabilis na tumakbo sa hagdan papunta sa kwarto ko.

Mabilis lang ang naging kilos ko at mabilis na kumuha ng isang dress sa cabinet ko at sandals hindi na ako nakapagpuyod ng buhok ko dahil tinamad na ako kaya sinuklay ko na lang ito.

Pagbaba ko nag paalam na kami kayna tita at Jillian wala kasi si Alexa dahil busy din sila sa pamimili ngayon.

Sa sasakyan na din ni Ken ako sumabay sabi kasi ni tita na gagamitin daw niya ang kotse ko kaya sumunod na lang ako.

Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Where stories live. Discover now