CHAPTER 52

70 22 0
                                    

Sherie's P.O.V




Ala'y sa kauna-unahang pagkakataon ako nga po pala si Shrie at alam kong ngayon lang niyo ako nakilala at makikilala pa.





"Kita mo yung pinsan ni Alexa mukhang masungit ano aba'y napaka tahimik ano nga!" - usal ni Kervie pinakabatang ka barkada namin sa lalaki, magkakasama kami ngayon sa Aplaya matapos kaming iwanan ni Sofie pinsan daw ni Alexa.

"Oo nga parang laging seryoso, tapos ka tahimik nga eh!" - si Renzter naman ang nagsalita.

"Tayo kaya sa mga tita Ana, Ala'y baka nababagot na iyon doon ang aking alam ga ay mamaya pang gabi dadating sina Alexa eh!" - suhesyon ni Raine.

"Ay hindi naman masyadong palasalita ang isang iyon baka mamaya ay iwan na na naman tayo eh!" - sagot ni Crystal.

"Ay! Hindi pa naman tayo kakilala noon, baka naninibago laang!" - sagot ko at tumayo mula sa aking pagkaka-upo sa malakaing bato sa tabi ng simbahan.

"Tara!" - Yaya ko agad sa kanila.

"Ay saan na naman ang punta mo?" - tanong naman ni Mike.

"Sa mga tita Ana tara tayo'y makiki-pagkilala sa pinsan ni Alexa!" - sagot ko at agad na lumarga ng lakad.

Sama-sama naman kaming nag lakad papunta sa bahay ng mga tita Ana at agad naming namataan ang tita Ana na nasa labas ng bahay na may sinisilip silip pa.

" Nakita niyo ga si Sofie? , kanina ko pang inutusan na bumili ng mantika aba'y wala pa eh!" - agad na sabi ng tita Ana.

"Hindi ho! Eh kanina ay kasama namin tapos bumalik na di ne nga'y on ay sa amin hinahanap intay nga ho hahanapin namin!" - sagot ko at humarap sa mga kasama.

"Nakita niyo ga daw si Sofie?" - tanong ko sa kanila.

"Ay! Ito atang isang ito'y may kat*ngahan aba'y kita mong magkakasama tayo kanina pa ano ga ayos ikaw!" - pambabara ni Mike agad namang nagtawanan ang mga kasama namin.

"Mag hiwa-hiwalay na laang tayo at ating hanapin sige doon ako sa may kalsada, kayo naman Mike at Jasper ay sa Aplaya, kayo Raine, Crystal at Mia ay pa ibaba kayo namang natira ay di ne kapag nakabalik na ay puntahan niyo kami!" - anunsyo ko at agad naman kaming nag-si pag si kilos.

Nag punta nga ako sa kalsada sa labasan at nag punta sa tindahan nina Aling Kunching unang tindahan sa bukana.

" Aling Kunching may dumaan ga hong babae di ne pamangkin ng tita Ana, matangkad, mahaba ang buhok tapos --

" Oo bumili ng mantika kanina doon sa may Basketball Court dumaan kanina eh diyan sa banda-banda lang diyan! "-nabitin ang pagsasalita ko ng agad na sumagot si Aling Kunching agad naman akong nagtungo sa kung saan ang Court.

Naglakad-lakad ako at pinagmasdan ang kabuuan ng paligid walang tao, nahinto ang aking paglalayag ng paningin ng masilayan ko agad si Athan sa di kalayuan naka-upo sa tabi ng puno ng sampalok at nag si celphone.

"Hoy! Athan na gawi ga di ne kanina iyong si Sofie?" - tanong ko ng bahagyang makalapit sa kanya.

"Uo doon kanina nag punta, dumaan pa nga ay hindi ko na pinansin" - sagot niya ng di lumilingon sa akin ako naman ay napalingon naman ako sa gawing likuran, gubatan iyon at bago pa makarating sa mga tita Ana ay dadaan din siya sa lumang simbahan pagkatapos sa gubatan mas malapit ang kaninang daan papunta kayna tita Ana mas malawak laang dine.

"Ay! Bakit hindi mo pa inihatid ay baka iyo'y maligaw tsk! Tsk!" - Sabi ko di naman siya umimik kaya ako'y umalis na at nag punta sa gawing iyon na sinasabi ni Athan.

Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora