CHAPTER 22

113 25 0
                                    

Sofie's P.O.V

"Sige babye na may date pa ata kayo eh!" - Nakangiting sabi ni Pia.

Kasalukukayan kaming naglalakad palabas ng Campus mabilis na natapos ang klase ng di ko namamalayan nag-aya si Ken na pumunta sa Mall at wala din naman akong masyadong gagawin dahil nagawa ko na ang assignments ko kanina pang recess ayaw ko kasi ng madaming gagawin pa pagdating sa bahay para matutulog o kakain nalang ako pagdating.

"Sige ingat kayo ha kita kits nalang bukas ingat!" - sabi ni Roxanne at sabay-sabay na silang naglakad palayo may lakad din daw sila kaya di sila makakasama kaya kami lang ni Ken ngayon.

"Hm! Naipagpa-alam na kita kay tita Icy ok lang daw hehe!" - sabi ni Ken at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger's seat.

"Salamat!" - sabi ko at sumakay na nagmaneho na siya at nag play lang siya ng music nakatingin lang naman ako sa daan.

May nakita akong collage sa maliit na cabinet sa harap ko kinuha ko yun at nagbubuklat.Nahinto ang pagbubuklat ko ng may magustuhan akong isang picture ng pink na hoody jacket ang cute Korean style ito at over size.

"Do you like that?" - nabaling ang atensyon ko kay Ken nang magsalita siya.

"Hm! Oo sana kaya lang masyadong mahal" - sagot ko ng makita yung tag price sa baba 3,000 para lang sa isang jacket eh baon ko na yun sa isang linggo eh.

"ok but you like that?" - sabi ulit nya ng hindi ako nililingon.

"Hindi na, ano bang gagawin natin sa Mall?" - tanong ko para maiba ang usapan.

"Ate Katelyn asked me to buy a gift for her boyfriend because tomorrow is his birthday" - sagot niya habang nagmamaneho pa din ok din itong isang ito buti nauutusan siya ni ate Katelyn.

Tipid na tango lang ang sinagot ko at di nagtagal ay nakarating na kami sa Mall na park siya ng kotse niya at mabilis na bumaba para pagbuksan ako ng pinto di ko tuloy maiwasang di mapangiti dahil sa inaasta niya.

Nagpunta kami sa isang gift shop at mabilis na pumili ng regalo si Ken ipinabalot niya ito dun sa saleslady at pangiti ngiti pang tinanggap ito ng saleslady sa kanya problema nito.

Tumingin tingin ako sa paligid at puro panlalaki lang ang items na nakikita ko dito medyo lumayo pa ako para makita ang ibang items medyo matagal din akong naglibot libot bago ko maisipang balikan si Ken tapos nang ibalot yung item na kinuha ni Ken at mukhang nabayaran na din niya ito nakangiti siyang humarap sa akin ng maramdaman ang presensya ko.

"Let's go!" - sabi niya at hinawakan ako sa kamay wala sa sarili akong nagpatianod sa kanya dumeretsyo kami sa isang shop ulit na ipinagtaka ko.

"Anong gagawin natin dito?" - nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hm! Get what you want and I will pay for you" - sabi niya at ngumiti pumasok kami sa loob at puro dress, perfume, mga high hills, at kung ano ano pa ang nandito para sa mga babae.

Naningin lang ako pero isang dress ang umagaw sa pansin ko color dark blue ito na fitted, may pearl bids na nakapalibot sa leeg at sobrang ganda nito medyo kaiklian nga lang.

"Look this is the jacket that you want right!" - sabi ni Ken na hawak yung jacket na nasa picture dun sa collage nakangiti akong kinuha yun at niyakap di ako masyadong mahilig sa color pink masyadong girly kasi kaya favorite color ko ay blue any type basta blue.

" Miss.  may size pa po ba kayo ng dress na ito?" - tanong ni Ken habang nakaturo dun sa dress na tinitingnan ko kanina nakita pala niya.

"Sorry po pero  out of stock na po kasi, kami last item and size na po kasi yan eh" - sagot nung saleslady.

Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Where stories live. Discover now