CHAPTER 49

52 21 2
                                    


Sofie's P.O.V


Natapos ang mga game na sinalihan ng mga kaibigan namin at sabay-sabay kaming naglalakad ngayon papunta sa parking lot. Pati sina Austine at mas madamas na din namin kung maka-sabay ngayon dahil kay Roxanne at ito namang si Pia at si Charles ay kaninang-kanina pang walang humpay ang pag-aasaran.

"Sofie yung Miss. Eunice ate mo di ba?"-biglang tanong ni Pia kaya natigilan ako, lahat sila ay nakikinig sa isasagot ko.

"Mmm!" - tipid na sagot ko at nagpatuloy sa pag-lalakad si Ken ang may bitbit ng mga gamit ko.

"Bakit ganun ka mukhang - kamuka mo?!" - takang tanong niya kaya tinitigan ko lang siya.

"Tss! Common sense Pia they are sisters!" - sarcastic na singit ni Charles kaya inirapan lang siya nito.

"Hindi naman kasi ganun, wag kang epal I mean iba kasi ang pagkaka-hawig nila mukhang mag-ina di ba!" - Paliwanag niya kaya natawa ako.

"Yan din ang sinasabi sa amin noon hehe! Pero ten-years ang age gap namin at siya ang panganay kong kapatid na sabrang sungit wahahahahha!" - kwento ko at nagtawanan naman sila.

Nakarating kami sa parking lot at natigilan ako ng makita ko si kuya Vince at Michael na nakasandal sa isang kotse si kuya Vince na naka cross-arm at nakakunot-noo si Michael naman ay may sinasabi sa kanya na halatang nainis pero di ko sila naririnig dahil malayo kami sa kanila.

"Mauna na kami Sofie, may gagawin pa ako eh bye!" - paalam ni Roxanne.

"Ok sige mag-ingat kayo ha bye!" - Sabi ko at nag-yakap muna kami at nag-beso kay Austine siya sa sabay.

"Ako din Sofie mauuna na ako, hindi ko na carry ang kayabangan ng isang yan tsk!" - Sabi ni Pia na ang tinutukoy ay si Charles napatawa naman kami nina Moureene.

"No one cares!" - masungit na bulong ni Charles kaya natawa na naman kami nina Ken.

"Siya sige bye na ingat!" - Sabi ko at sumabay na sa kanya si Moureene kaming tatlo nalang nina Ken at Charles ang naiwan ngayon.

"So, see you again tomorrow bye ingat kayong dalwa mauna na ako!" - Nakangiting paalam ni Charles at tinapik ang balikat namin ni Ken sumakay na siya sa kotse niya at pinanood pa namin siyang makaalis bago ako humarap kay Ken.

"Let's go?" - Nakangiting tanong niya pero tinitingnan ko lang siya.

"Mauna ka na, may dala akong kotse hehe!" - sagot ko kaya agad siyang ngumuso.

"Maaga ka pa bukas, ok pang umaga ang game niyo kaya kailangan mong mag pahinga ng maaga kaya umuwi ka na may dadaanan lang ako promise!" - Sabi ko na niyakap agad siya.

"Ok fine basta umuwi ka na din agad ok ba babe I love you! Take care ok!" - Sabi nito at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Sige bye na ingat I love you too!" - Sabi ko at ngumiti naman siya bago sumakay sa kotse niya pinanood ko pa siya na makalayo bago ako mag lakad ng palihim sa gawi nina kuya Vince at Michael nag tago ako sa puno malapit sa kanila.

"Vincent naman! Hindi nga kasalanan ni Sofie ang mga nangyayari sa pamilya natin ok! At isa pa ginawa niya lang yun para sa tama, na dapat nga ay kayo nina Dwayne ang gumawa noon pa! Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin dahil pare-pareho tayong may alam sa kung ano talagang kasalanan ni tito Richard at alam mong hindi lang yun ang pagkakamali niya na halos talagang ikasira na talaga ng pamilya natin noon na pinagtakpan lang nina lola! "-dinig na dinig ko mula sa pwesto ko ang galit na pag-sigaw ni Michael pero nanatiling nakatingin lang si kuya Vince sa kanya na parang walang pakialam sa sinasabi nito.

Stuck Between Hotties (SEASON ONE ) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin