Chapter 5
The World is Ugly | My Chemical Romance
Another Monday and here we are right now with some members of PinkLeaf of St.Javier only.Hindi pa ito ang aming kalahatan dahil wala pa naman dito ang ibang Saint students.Si Madeline ang kasalukuyang nagsasalita sa unahan.Siya ang pumapangalawa sa posisyon kay Ate Dem.
Ate Dem is currently in the main office of Saint Schools Administration for the filing of the said rally of PinkLeaf Sorority.Kasama n'ya sila Stacey at ang ilang kasama namin sa bahay.Hindi na ako sumama dahil bukod sa may klase ako kanina ay masyadong marami na kung sasama pa ako.
"So,you mean, we'll start next month if they approve the request?"tanong ni Evan.Katabi ko.Captain ng Men's Baseball team.
"Yes.And, let's just hope that they'll agree."
Natapos ang aming meeting ay pasado alas-syete na ng gabi.Palabas na kami sa building at kasabay ko ay si Valery at Evan.
"Hoy,tara sa restobar sa may Clark Avenue."biglang anyaya ni Niña na nasa likuran namin.
Napalingon kami sakan'ya maging ang ilan naming kasamahan.
"Ano,tara?"anyaya ni Evan saka tumingin kay Valery bago sa akin.
"Kapag sumama si Astrid ay go ako."sagot naman ni Valery.Napalunok tuloy ako.
"Sige,sama ako.Basta ay no hard drinks,ha.Papagalitan ako."pagpayag ko.
"Pasama kami!"sabi ni Evan kaya naman tumango sila.
"Tara na!Maaga dapat ta'yong uuwi dahil may mga klase pa bukas!"sabi naman ni Madeline kaya naman sama sama na kaming naglakad papunta sa parking lot.
May kan'ya-kan'yang sasakyan sila habang ako naman ay makikisakay na lang kay Evan kung sakali.
"Sa akin ka na sumabay."makahulugan na bulong sa akin ni Evan.Palihim na sinulyapan si Valery.
"Sige."mahina kong sagot.
Pasakay na sana ako sa sasakyan ni Evan nang tawagin ako ni Valery.
"As,kay Apple na ta'yo makisabay!"tawag n'ya sa akin.
Napalingon ako kay Evan na kumunot ang noo.
"Ah,hindi na.May pag uusapan kasi kami ni Evan kaya ikaw na lang."paalam ko saka tuluyang nakisakay sa sasakyan ni Evan.
"Hays!"he exclaimed saka pinaandar na ang kan'yang sasakyan.I shook my head.
"Ang torpe mo kasi!Kung pinasama mo rito sa sasakyan mo!Sayang!"umiiling kong sabi.Ngumuso s'ya.
"Nahihiya ako!Have you seen her look nang lumapit ako sain'yong dalawa kanina sa upuan?Halatang nandidiri sa akin!"problemadong sabi ni Evan.I sighed and stared tapping his back.
"Kapag nasa restobar na ta'yo mamaya ay doon ka sumimple.I'll make sure that you'll have a talk with her."I smiled at him pero tinignan n'ya lang ako saka tamad na nagpatuloy sa pagmamaneho.
Evan Mazovicc.The toughest Baseball player in the Saints League.Kung siguro ay sabay sila ni Gavin na pumasok sa Saints League ay parehas na silang kilalang kilala ngayon.Magkakambal sila ni Gavin.Parehas fourth year Engineering students.Nauna lang pumasok sa Saints League si Gavin dahil mas nagfocus si Evan noon sa acads dahil kilala s'ya bilang basagulero bago pumasok ng Saint school.
Ngayon naman ay matino na.Naka close ko na lang s'ya bigla dahil sa pagkahumaling n'ya kay Valery mula noong isang taon pa.Nakita na sa akin malapit kaya sa akin sumisipsip.Napakatorpe naman.

YOU ARE READING
The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETED
Teen Fiction3/6 Saints Series. A PLAYLIST FOR THE GIRL NAMED AMNESIA Isang gabi, may nakitang binata si Astrid sa crossing ng St.Javier at St.Regidor.Una palang ay natipuhan na n'ya ito kaya ginawa n'ya ang lahat upang magustuhan s'ya ng binata.Dahil wala s'yan...