Chapter 18

4.5K 170 137
                                        

Chapter 18

Thunder | Boys Like Girls

"Amnesia Astrid,are you listening?"tanong ni Papa kaya naman sakan'ya ako napatingin.

Lalapit dapat s'ya sa akin nang mabilis akong umiling at nagsimula nang umiyak.

"Please,huwag kayong lalapit!Walang lalapit!"sigaw ko saka ako napasabunot sa aking sarili dahil bumabalik sa akin ang bawat marahas na haplos ni Zacho.

Para akong mababaliw sa sakit kahit wala namang dapat na masakit.

Napaatras ako at napasandal na sa headboard ng aking kama nang akmang lalapit rin si Reego.

"Huwag kang lalapit!Walang lalapit!Sinasabi ko sain'yo!"banta ko saka pinagsisipa ang mga gamit na nasa paligid ko.

Napabuntong hininga si Papa saka problemadong lumingon kay Reego at umiling.

"We better get going now.She's traumatized."sabi ni Papa kay Reego saka ito tinapik sa balikat at naunang lumabas.

Naiwan si Reego na nakatingin sa akin kaya dali dali kong kinuha ang aking kumot at ibinalot iyon sa aking sarili.

"Lumayas ka!Walang lalapit! Please,maawa ka'yo sa akin!"sigaw ko nang akmang hahalik sa aking noo si Reego.Mabilis ko s'yang sinipa palayo.Napaatras s'ya dahil doon.

"I just want you to know that I love you...and I'm just here to protect you."mahina n'yang sabi at kitang kita ko ang sakit sakan'yang mga mata habang nakatingin sa akin na mababaliw na yata.

"I don't need your protection!I don't need anyone!"sigaw ko at masama s'yang tinignan.Napapikit ako nang maalala ko nanaman si Zacho at hindi ko maiwasang mapangiwi sa sakit."Lumayas ka!Lumayas ka!Maawa ka!"

Hindi ko na tinignan pa si Reego na s'yang nakakaranas ng hinagpis ko ngayon.Nahiga ako at pilit na nagtago sa kumot.I heard him sigh before walking out the door.

Nang mawala si Reego ay pilit kong kinakalma ang aking sarili.Naging maayos na ang pakiramdam ko at pipikit na dapat nang maramdaman ko nanaman ang bawat hawak ni Zacho sa akin.Napasigaw ako dahil doon.

Mabilis na pumasok sila Mama sa loob.Kasama n'ya sila Tita Leigh at Ate Sally.

"Hey,baby,nandito na si mama...shh,my love..."marahan na marahan na sabi ni mama saka ako niyakap.

I can't stop myself from crying and shouting.Hindi ko rin maiwasang maging malikot dahil ramdam na ramdam ko ang halik at hawak ni Zacho sa bawat parte ng katawan ko.

"Ayaw ko na dito,Mama.Ayaw ko na dito!"umiiyak kong sigaw.

"Don't worry,hija...your father had decided to bring you in Cali for your treatment."sabi naman ni Tita Leigh na marahan na hinaplos ang ulo ko.

Nilingon ko si Ate Sally na ngayon ay nagpupunas ng luha habang nakatingin sa akin.

Another week had passed.Ganoon pa rin ako.Araw-gabi.Basta ay nagiging mag isa ako ay ganoon ang nararamdaman ko.Halos hindi na umalis sa pwesto ko si Mama.Walang lalake ang pinapapasok sa aking kwarto.Nag papanic ako.

Ngayon naman ay tahimik akong nakatulala sa bintana habang nasa sulok ng kwarto ko si Reego at tahimik na binabantayan ako.Hindi makalapit,hindi ako makausap.

Tahimik nanaman akong naiyak habang nakatingin sa labas.Tanaw ko mula rito sila River,Natasha,at Ate Sally na ngayon ay inilalagay na ang mga gamit ko sa sasakyan.

"Are you sure you can do it?I can be with you throughout the process of your treatment-"

"I don't need you."mariin kong pagputol sa sinasabi ni Reego saka s'ya tinignan."I need no one.Kasalanan ko kung bakit ako nagkaganito.I should've known.They...they..."pag uumpisa ko ng kwento na hindi ko nanaman maituloy.

The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now