Chapter 29
Love of My Life | Queen
"What happened?!"natataranta kong tanong nang makarating kami sa ospital.
Ang nasa labas ng ICU ay sila Mavie na mga problemado.
"Anong nangyare,pakisagot naman!"malakas kong sigaw at hindi ko na nakontrol ang aking iyak dahil walang sumasagot sa kanila at mga tulala.
Lahat silang tatlo ay duguan din.
"Papunta na sana kami sa inyo.Magkakasunuran lang ang sasakyan namin.Ang kaso,may isang nag overtake na nakasalubong namin.Siya ang nangunguna sa aming apat kaya s'ya ang nabangga."si Rando ang sumagot.
"Ang sabi ng doktor kanina ay kailangan daw operahan ang kan'yang ulo dahil mabilis na kumalat doon ang dugo."tulalang dagdag naman ni Brendo.
Napalunok ako dahil sa narinig at marahas na pinunasan ang aking luha.
"Nakakainis naman! Bakit ganito?!"sigaw ko at napaupo na ako sa sahig kaya mabilis akong inalalayan ni River.
Ang naiwan sa mga bata ay si Aia.Wala pa silang kaalam alam sa sinapit ng kanilang ama.I'm hoping na si Aia na lang ang nagsabi dahil hindi ko kaya.
"Astrid,kalma muna,okay?He'll be fine...he will be."sabi ni Valery na halatang kinakabahan na rin.
Si Mrs.Tolentino naman ay dumeretso sa presinto kasama sila Jacos upang malaman ang tungkol sa nangyareng aksidente.
An hour had passed.Wala pa ring nalabas na doktor nang dalahin na si Reego sa operating room.Mas lalo akong kinakabahan sa bawat oras na lumilipas.
Tahimik ang lahat at wala ni isang makausal ng salita.
River never left my side.Si Aia ay dumating na rin dahil ang pumalit naman sa mga bata ay si Natasha.
Another hour has come.Naiiyak nanaman ako dahil wala pa ring nalabas sa kwarto ni Reego na kahit isang nurse manlang.
"Rivs,ano sa tingin mo?He can make it?"tanong ko kay River na kaagad nangunot ang noo.
"You said that part of his name is enduring, right?The first or second letter E on it?"he only replied and rest his back on the wall.Halatang kinakabahan din.
Pero dahil alam n'yang mas'yado akong OA ay pilit n'yang pinapakalma ang kan'yang sarili.
Ako naman ay tahimik na umiyak at nanalangin.
I may not be the kindest and the faithful one,but I am praying right now and hoping that He'll save Reego.I know,He will.
Lumipas pa ang tatlong oras.Wala pa ring sign ng mga doktor.Patuloy pa rin ang operation.Ang ilan sa mga kasamahan namin ay umuwi na saglit at babalik na lang daw kung tapos nang operahan si Reego.
"I'll go home first and get you some clothes,okay?"mahinang paalam sa akin ni River kaya naman kaagad akong naalerto."Hey,I will be back quickly."
"Sige.Mag iingat ka,Rivs... please."umiiyak kong pakiusap.
Ngumiti s'ya saka pinunasan ang aking luha.
"Of course.I'll help you carry the burden,okay?"he said and kissed my forehead before leaving.
Napayakap na lang ako sa aking tuhod at tumitig ulit sa pader.Umaasa na lalabas doon si Reego.
I laugh at myself.
On his ninth hour inside the operating room,doon lumabas ang mga doktor na mga pagod na pagod na.Madaling araw na rin.
"Who's the relative?"tanong ng doktor kaya mabilis na lumapit doon si Mrs.Tolentino at Aia.Si Bacon naman ay inalalayan akong tumayo para lumapit doon.

BẠN ĐANG ĐỌC
The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETED
Teen Fiction3/6 Saints Series. A PLAYLIST FOR THE GIRL NAMED AMNESIA Isang gabi, may nakitang binata si Astrid sa crossing ng St.Javier at St.Regidor.Una palang ay natipuhan na n'ya ito kaya ginawa n'ya ang lahat upang magustuhan s'ya ng binata.Dahil wala s'yan...