Chapter 26

4.5K 126 65
                                        

Chapter 26

Ever Enough | A Rocket to the Moon

"Why are you here?"masungit na tanong sa akin ni Ismeralda nang makita niya ang pagtapak ko sa pintuan ng bahay ni Reego.

Nagulat din ako nang makita ko s'ya pero hindi ko naman s'ya tinanong kung bakit s'ya narito.Narito ang apo n'ya at narito naman ang mga anak ko.

"I just came here to pick my children up."sagot ko at saglit pang yumuko para sa pagbibigay galang.

Umayos ako ng tayo nang makapabigay galang ako.With her very classy style, she's standing there like she got something to offer.She has something to offer.

She's the queen of the Tolentinos.

"Pick 'em up,then."she rolled her eyes before leaving me as she walks inside.

Bumuntong hininga ako at tuluyan nang pumasok sa bahay.Naabutan ko sila sa sala ng bahay at nakita na nakangiti si Ismeralda sa kanila.Nawala lang iyon nang makita ako.

"Babes,"tawag ko sa mga bata.

"Mama, you're here!"sabay na sigaw ng dalawa at kaagad tumakbo palapit sa akin.

Si Reego naman ay lumabas mula sa kusina na may dala pang sandok.Ngumiti ako sa kan'ya kaya naman ngumiti din s'ya at lumapit sa akin saka humalik sa aking pisnge.

"How was your day?Are you ready?"tanong n'ya saka sinulyapan ang lola n'ya na masungit na nakatingin sa amin."Tara sa kusina.Nagluto ako ng tanghalian."he added na tinanguhan ko na lang dahil hindi naman s'ya papayag na hindi ako kakain ng luto n'ya.

Talagang kinacareer n'ya ang pagiging ama dahil lahat ng gawain ko ay s'ya ang gumagawa kapag abala ako.

"Tara po,kakain."baling ko sa matanda na umismid lang sa akin.

Nagkibit balikat na lang ako at hinigit na ang mga bata papasok sa kusina.Tumawa si Reego at bumulong sa akin.

"She likes the kids.Palaging nadalaw simula nang iuwi ko dito ang mga bata."bulong n'ya kaya naman napangiti ako kahit paano.

Ayos na sa akin iyon.Kahit hindi ako tanggapin ng mundo, basta ay huwag lang pagkaitan ang mga anak ko.

"You know, p'wede naman na'tin na isama ang mga bata mamaya kung wala pala si Sally."sabi ni Reego nang magkatulong kaming naghahain ng mga pagkain sa lamesa.

Sumunod rin naman si Ismeralda at masungit na naupo sa gitnang dulong bahagi ng lamesa.

"P'wede naman."tumango ako kay Reego.

"At saan naman ang lakad n'yo?Gabing-gabi ay ilalabas n'yo ang mga bata?"pagsali ni Ismeralda kaya nginitian ko s'ya kahit naiinis ako sa kan'ya.

Ang mahalaga,pasado sa kan'ya ang mga bata.

"Well, p'wede naman silang hindi sumama kung babantayan mo po,Lola."sabi ni Reego.

Kaagad nagkatinginan ang kambal saka sabay na tumango.

"It's fine for us to be with Lola for tonight,Mama!We can play with her po!"masayang sabi ni Andy na s'yang tinanguhan ni Ree.

"Well...I don't have any choice."the old woman shrugged saka umiwas ng tingin pero kitang kita ko ang pagngiti n'ya kaya naman natatawa akong lumingon kay Reego.

Matapos ng aming paalaman with the kids ay umalis na rin kami ni Reego papunta sa restaurant na napagkasunduan namin kasama sila Valery, Evan, at Gavin.

Reego fixed everything.Sinigurado din n'yang walang kung anong karahasan ang mangyayare.Si Zacho naman ay sa isang araw ko balak na puntahan kung sakaling p'wede.

The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon