Chapter 11

4.5K 156 64
                                        

Chapter 11

Hero/Heroine | Boys Like Girls

Inihatid ako ni Reego sa parking lot ng Javier matapos namin kumain.

Mababaliw na yata ako habang tahimik kaming dalawa sa byahe!

Shy type nanaman kasi ako,hays.

Pero sino ba naman kasi ang hindi mababaliw,ha?!'Yung crush mo na nilibre ka na nga tapos inihatid ka pa!

Bongga!

"Ano...uh,salamat."sumilip pa ako sa kan'yang bintana nang makababa ako ng kan'yang sasakyan.

He smiled a bit and nodded.Bumaba s'ya sa kan'yang sasakyan saka hinarap ako matapos ipatong ang kan'yang mga siko sa bubong ng kan'yang Ferrari.Ang nasa pagitan namin ay ang kan'yang sasakyan.

"I should've been your bet from that fucking game."sagot n'ya na ipinagtaka ko.

"Ha?Aling game,Reego?"napakamot pa ako sa aking ulo.

Reego pouted a bit and looked away.Kitang kita tuloy ang panga n'ya na perfectly-shaped.Tapos ngayon ko lang napansin na may maliit pala s'yang tattoo sa may balikat.Maliit lang talaga s'ya.

"Nothing."dahan dahan n'yang sagot saka ako nilingon.He sighed."I'll pick you up tomorrow."

Bigla akong napalunok sa kan'yang sinabi.May ilang Javiers na rin akong nakikita na napapatingin sa aming dalawa.

Akala ko ba tshirt lang kailangan nito?Hindi ko naman alam na ako na pala ang kailangan n'ya,'sus ko po!

"B-bakit,Reego?"

"I just want to make it up with you.About what happened last night—"

"Ano...uh, hindi ba't napaliwanag mo nanaman?Saka nakakahiya naman talaga ako.Babae ako pero ako itong habol nang habol sa'yo."putol ko sakan'ya.

Totoo naman kasi.Para lang akong tanga.Nakakahiya tuloy.

Tinignan ko si Reego na parang amazed na pinapanood ang pagkailang ko sakan'ya.

"So,you don't really like me anymore?"he asked lightly.Kaagad naman akong umiling.

"I do like you.I really do.Pero,Reego...babae kasi ako.Now,I get it.Sana maunawaan mo.Ayaw ko naman na pakikisamahan mo lang ako kasi gusto kita.Ayos na sa akin ang maging masungit ka uli.Saka mo ako ayain kung saan saan kapag gusto mo na talaga ako."paliwanag ko habang s'ya naman ay naka half smile na pinapanood ako sa pagsasalita.Natango tango pa s'ya.

"Kahit sa Mars pa iyan,sasama ako.Basta gusto mo ako at gusto rin kita."dagdag ko.Tumango tango uli si Reego habang pinalalaruan na ng isang kamay n'ya ang pang ibaba niyang labi.

Napaiwas tingin tuloy ako.

"You'd still like me even if it'll take forever to like you back?"he replied lightly again like he didn't fired me an insult.

Hmp!So, hindi n'ya ako magugustuhan?!

"Oo."

"Kahit magkaasawa na ako?"mapaglaro n'yang tanong na para bang tuwang tuwa s'ya sa reaksyon ko.Ako naman ay naiinis na,to be honest,ha.

Crush,kapag ako ay nainis talaga sa'yo ay i-kikiss na kita.

"Of course, I'll like you even more.Ako naman magiging asawa mo,eh."I flipped my hair and shrugged.Narinig ko naman ang mahina n'yang tawa.

Reego bit his lower lip and nodded while smiling.

Napaka guwapo naman nito!

"And if not?"

The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now