Chapter 12
She Looks So Perfect | 5 Seconds of Summer
"Umayos ka nga!"siniko ako ni River habang narito kami sa loob ng Giga Pizza.
Magkatabi kaming nakaupo sa may gilid ng shop kung saan kita ang kalsada at mga dumadaan.
I sighed and bite another whole slice of pizza.Gulat na gulat na napatingin sa akin si River saka mabilis akong pinalo sa braso.
"Ang takaw mo!"sermon n'ya at mabilis akong inabutan ng juice nang manlaki na ang mata ko dahil hindi na ako makahinga dahil sa pagkain."Hindi ka mauubusan!Bilihin ko pa ang buong store para sa'yo,putaragis naman!"natataranta n'yang sabi saka ako pinainom ng juice.
"Mamamatay na ako!"I exclaimed matapos kong mawalan ng pagkain sa bibig.
"Baliw ka kasi!"inis n'yang sabi at halatang gusto na akong batukan.
Nang umayos na ako ng tuluyan ay tinitigan ko si River at unti-unti na akong natawa.
"Tawa pa nang mamatay ka na!"
"I know you won't let me die.You love me."I smiled at him sweetly.Tinignan n'ya ako na para bang nakakadiri ang sinabi ko kaya mas natawa ako.
"I love you pero kung gan'yan ka ay itatakwil kita."ngumiwi si River at natatawa naman akong sumandal sa kan'yang balikat.
"Ang harsh mo na sa akin,ha.Porket may girlfriend ka na,eh."I pouted.
Natigilan naman siya saka ako tinignan nang nakataas ang isang kilay.
"Mayroon akong girlfriend? Sino?Bakit hindi ko alam?"tanong n'ya pabalik.Ngumuso ako saka umalis sa pagkakasandal sakan'ya.
"Bakit nga ba hindi ka nagkaka girlfriend?"taka kong tanong saka kumuha ng fries at isinubo sa kan'ya.
"Mukha bang uunahin ko iyon ngayon?Graduating ako tapos intindihin ka pa lagi!"pinitik pa n'ya ako sa noo."By the way,anong lagay n'yo ni Reego?May nakakita nanaman sa in'yo doon sa milktea shop kahapon,ah."
Doon ako napabuntong hininga saka simangot na tumingin sa labas.
"Nakakainis s'ya."sumbong ko.
"Inaaway ka?Patayin na'tin?"he smirked.Sinamaan ko s'ya ng tingin.
"Ikaw papatayin ko!"
"Eh,ano ba kasing problema?Huwag ka nang malungkot."siniko pa n'ya ako.
"Pinuntahan ako kanina sa school.Ang sabi ay bigla na lang daw gusto n'ya akong makita at makasama.Hindi raw n'ya alam kung ano iyon.Sa akin pa nagtanong!"malakas kong sabi saka s'ya hinarap.Napatingin sa amin ang iba."Tapos tinanong pa ako kung dapat daw ba n'ya akong ligawan! Kung dapat daw bang bigyan n'ya ako ng flowers,ng surprise!Ay putaragis lang!"I added.
Seryosong tumitig sa akin si River at maya-maya pa'y humagalpak na ng tawa kaya mas sumama ang timpla ko.
"Rivs, naman!"saway ko sakan'ya.
He sighed and pushed himself to stop from laughing.
"Hayaan mo lang.Kung lalapit sa'yo at kung tingin mo ay seryoso naman ay pagbigyan mo."payo n'ya.I sighed again.
"You think he's serious?He's been with different girls."parang bata kong tanong.Natawa si River.
"Bro,never nag first move sa babae ang isang Reego Tolentino."he winked at me.Tumayo na s'ya.
"Ha?Paano mo nalaman?"taka kong tanong at tumayo na rin.
"Because River knows."
Wow.Ang helpful ng sagot n'ya.

YOU ARE READING
The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETED
Teen Fiction3/6 Saints Series. A PLAYLIST FOR THE GIRL NAMED AMNESIA Isang gabi, may nakitang binata si Astrid sa crossing ng St.Javier at St.Regidor.Una palang ay natipuhan na n'ya ito kaya ginawa n'ya ang lahat upang magustuhan s'ya ng binata.Dahil wala s'yan...