Chapter 30

5.1K 216 137
                                        

Hi! Just here to tell you that this will be the last chapter and point of view of our Double A. I hope you enjoyed her journey and you've learned some lessons from her and to the whole story,too. The next update will be the epilogue that will show Reego's point of view.

Ps. Listen to my recommended song for this chapter on repeat hehe.The song is very,very beautiful!!!!

Stay safe, everyone!

Sorry for the errors! Will edit everything soonest!


Chapter 30

Story of Another Us | 5 Seconds of Summer

Isang malakas na tunog ng alarm clock ang nagpagising sa akin at ang boses na napakapamilyar kaya naman napabangon ako dahil doon.

"Aba,hoy,Astrid,baka gusto mong bumangon na d'yan?!Baka may klase ka pa?!"

"Ate Dem?"usal ko saka bumangon sa aking kama...dito sa dorm?

Huh?

"Oo,ako nga!Tulog ka pa yata,eh.Bangon na at may meeting pa ang PinkLeaf pagkatapos ng klase."sagot niya at lumabas na ng kwarto.

Litong lito naman ako na inilibot ang aking paningin sa paligid.

Nangunot ang noo ko nang wala manlang nagbago sa aking kwarto.Lahat ng ayos ay ganoon pa rin katulad noong nag aaral pa ako at dito pa ako nakatira.At ang damit ko na pantulog noon ang ganoon din.

What the heck?!

Inilibot ko ang aking paningin.Tinignan ko ang orasan at alas sais pa lang ng umaga.

I fell asleep last night...in waiting shed.

Tinignan ko naman ang date.August nineteen kahapon.Obviously, twenty na ngayon.Pero...bakit ganoon?

Lumapit ako sa kalendaryo at pinakatitigan iyon.Tama ang date at ang araw.Pero bakit ang year?The year written on it was six years ago!

What the heck?!Ano ba 'to?!

Muli akong naupo sa aking kama at pilit na kinakalma ang aking sarili.

Calm yourself down,Astrid.Dinala ka lang nila dito dahil nakita ka nila sa waiting shed.Kalma.Makakauwi ka.Makakauwi.

Saka kaya hindi updated ang kalendaryo dahil walang ibang tumira dito.

Naligo ako at naghanap ng maisusuot.Basta na lang ako kumuha doon ng maayos at kasya pa sa akin na damit.

Lahat ng damit ko noon ay naroon pa rin na para bang walang gumalaw niyon.

Ganoon ba ako kamahal ng landlady?

Lumabas ako ng aking kwarto nang dahan-dahan.Sinilip ko pa muna ang hallway na tahimik.Walang bakas ng kahit ano kaya nakalma ako.

Kailangan kong makauwi.Kailangan ako ng mga anak ko.Kailangan ako sa burol ni Reego.

Reego... he's...dead.

Tuluyan akong nakarating sa sala na tahimik at payapa.Ibig sabihin lang noon ay may nagmagandang loob lang sa akin kanina na dinala ako dito.

Tama!Iyon nga—

"Ate Dem,pahintay ako mamaya bago kayo pumunta sa main office,ha!"Stacey.

"Oo nga!Paulit-ulit!Sino pa bang sasama?Ikaw Jane?"si Ate Dem ang sumagot.

"Pasama ako!"

"Ako rin kung ganoon!"si Debby na nakigulo na rin.

Ang mga boses na nagkakagulo ay galing sa kusina kaya naman doon akong dahan dahang pumunta.Sinilip ko sila at halos manlumo ako nang kumpleto ang PinkLeaf na mga housemates ko.

The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now