Chapter 15

4.6K 150 78
                                        

Chapter 15

Wildflower | 5 Seconds of Summer

"And the defending champs got their sixth straight win for this first round of our league!"malakas na sigaw ng barker matapos namin maka score ng winning point kaya naman kaagad kaming nagtakbuhan para sa aming mini celebration sa gitna ng field.

Nang matapos ang aming mini celebration ay nagtatawanan kaming bumalik sa bench.Kaagad ko namang inalis ang aking baseball cup at nagbuhos ng malamig na tubig sa aking mukha.Si Ate Dem ang s'yang iniinterview ngayon ng reporter dahil s'ya ang best player of the game.

"Who's ass was good there?!"salubong sa akin ni Reego nang magtatakbo ako papunta sakan'ya.

Tatawa tawa akong nagpabuhat sakan'ya at hinalikan s'ya saglit sa labi.Binigyan naman n'ya ako ng towel matapos iyon at ibinaba ako.

"Thank you for coming kahit napaka puyat mo at super busy mo!"masaya kong sabi.

"All for my baby."he kissed my cheek.

Lumapit sa amin si Feliciano na kasama si  Payton.Sila Lariza naman daw ay may gimik kasama sila Rando.

One of the boys.

"Ang galing!"bati sa akin ni Payton kaya naman tumango at ngumiti ako.

"Mabilis ka pala,ano?"sabi ni Chano na may halong pang aasar.

"Gago."sabay na sabi ni Payton at Reego.Ako naman ay walang naunawaan doon.

"Where's Rom?"tanong ni Reego.

"Saan pa ba?"ngumiwi sa Payton at natatawang tumango naman si Reego.

"Napilayan yata iyong bebe n'ya,eh.S'yempre at to the rescue naman si gago."sabi naman ni Feliciano at napangiti ako dahil doon.

Ang sweet.

"Eh,si Jacos?Hindi na talaga mahanap si Elle?"

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Reego.Nakakalungkot naman kasi.Iniwan na ni Elle si Jacos.Ang malala dito,hindi alam kung nasaan si Elle at kung buhay pa ba o patay na.

May naghahabol daw kasi na galit sa ama n'ya.Siya ang paghihigantihan.Lumayas kasi nang nalaman na niloloko pala s'ya ni Jacos.

Hays,itong si Jacos kasi,eh.

Ang cute pa naman nila.Bumili pa nga sila ng couple earring eh.Number one shipper nila ako!Pati sila Rom at Shanne!

"Wala,dude.Baka papuntang Washington iyon at malaki ang connection noon sa ibang bansa kumpara dito."Feliciano shrugged at napalingon uli sa akin at ngumisi."Naks, audition mo na nga pala sa isang araw,ano? Goodluck,best friend!"nakangiti n'yang sabi sa akin.

Tumango lang ako.

"Hala,ang sungit talaga sa akin n'yang girlfriend mo, pre!"sumbong n'ya kay Reego na natatawa na.

"Palagi mo kasing inaasar.Bahala ka."sagot ni Reego at hinigit na ako kaya naman sumunod sa amin sila Chano at Payton.

Hinintay nila akong tatlo na makapaglinis at magbihis saka kami lumabas.Si River at Natasha naman ay sinabihan ko na sumama sa amin kaya naghihintay na sila sa amin sa labas.

Manglilibre daw kasi si Reego dahil wala pa raw akong talo sa mga laro at puro successful daw ang mga ine-endorse ko na products ngayon.Idagdag pa na mag o-audition na ako para sa Upra.

Sila Papa at Mama naman ay mga full support sa akin.Hindi lang makakasama dahil maraming gawain sa company ngayon.Si Ate Sally naman ay hindi p'wede dahil may seminar sila at abala ang kanilang team sa paghahanap kay Elle.

The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now