Chapter 17

4.2K 147 132
                                        

Chapter 17

Spolarium | Eraserheads

Tahimik akong pumasok sa aming management building dahil nagpatawag ng meeting ang chairman ng board sa lahat ng model na pumasa sa Upra.

Lahat sila ay masasaya sa naging resulta habang ako naman ay pinapanood lang sila.Kanina ko pa nasabi kay Ate Happy na hindi ko tatanggapin ang offer.Kahit naman may gulo sa amin ni Reego ay hindi pa rin magbabago ang isip ko.

"Here are the contracts.All you have to do is to pass the requirements by this week."sabi ng chairman at kaagad kaming inabutan ng folder isa isa kung saan nakalagay ang kontrata ng bawat isa."You still have a week to accomplish all the requirements."

Sa buong oras na nagsasalita ang chairman ay tulala lang ako hanggang sa matapos iyon.

"Alam na kung paano pumasa 'yung isa d'yan."biglang sabi ni Glenda nang kaming lima na lang ang naiwan sa loob ng conference room.

"Glend,can we all just be happy?"sabi ni Bina.She looked at me for awhile."I think we should celebrate!"she announced.

"That'll be fun!"masayang sabi naman ni Ara at pumalakpak pa.

"G ako d'yan!Tara!"pag sang ayon ni Crosette.

Tinignan ako ni Glenda na walang anggulo ng kapangitan pero puro anggulo ng kasamaan ng ugali.

"Sure.Basta ay huwag isama ang isang iyan—"

"Glenda,ano ba?!"sabay na sigaw ng tatlo dahil talagang mainit ang ulo ni Glenda sa akin sa hindi ko malaman na kadahilanan.

"Bakit ba?!Hindi ba't totoo naman?!We all know kung bakit pumasa 'yan!"dinuro pa ako ni Glenda at ako naman ay walang magawa kundi ang hayaan s'ya.

"She's good and we all witnessed that!She got to the top five and we're all just behind her!Kita kung paano s'ya nag work hard—"

"Work hard.Yes.Work hard to seduce the CEO of the Upra just to be on top?"putol ni Glenda.Doon nangunot ang aking noo.

Glenda then looked at me with a smirk.

"Am I,right, Astrid?You don't really like Reego.We all know how crazy you are over Zacho—"

"Excuse me?"naguguluhan ko nang sabi at doon sila natigilan.

Nagkatinginan ang apat at sa huli ay si Glenda ang nag react.

"Oh come on,Astrid!We all know!Lahat naman siguro ta'yo ay gagawin iyon.Nauna ka lang sa akin na landiin si Reego!"she exclaimed.

Nanginginig na naiiyak ko namang binuksan ang folder saka tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair

Binasa ko lahat ng pangalan na nakasulat doon habang patuloy naman sa pagsasalita si Glenda.Tuluyan akong naiyak nang makita kong pangalan ni Reego.Nasa pinakadulo,pinakagitna.

Mr.Reego Miguel Tolentino
       CEO of Upra Int.

Dali-dali akong lumabas dala ang folder at hindi na pinansin ang pagtawag sa akin ng mga kasamahan ko sa loob.Mabilis akong lumabas at sumakay sa elevator pababa ng ground floor.

Hahanapin ko s'ya.

Inilibot ko ang aking paningin sa ground floor dahil sa pagbabaka sakaling makita s'ya doon at hindi nga ako nagkakamali,nakita ko s'yang pumasok na sa loob ng building at seryosong seryoso habang kausap s'ya ng lalake n'yang sekretarya.Todo tango lang s'ya rito.

Tumayo lang ako sa pwesto ko at nang mapatingin s'ya sa akin ay doon ako naghihinagpis na sumalubong sakan'ya.Kunot ang kan'yang noo habang pinapanood akong maglakad palapit sakan'ya.

The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ