Chapter 23

5K 169 42
                                        

Chapter 23

Heather | Conan Gray

"Masakit ang tuhod ko."ngumiwi si Morphine kaya naman napangiti ako.

Tumawa si Andy saka nakipag apir kay Reego.

Morphine Echavez is from a well-known family and is a very good baseball player.Kaibigan daw ni Reego kaya naman inimbitahan n'ya ngayong araw para makalaro ni Ree.Ako ang pitcher at tinuturuan ni Morphine si Ree.Si Reego at Andy naman ay s'yang taga panood namin.

"Isa pa!"sigaw ni Ree saka inihagis ang baseball papunta sa akin at kaagad ko namang nasalo iyon.

"Game?"tanong ni Reego na s'yang may hawak ng pito.

Nagtinginan ako,si Morphine,at Ree,then we nodded at each other.Binalingan ko si Reego saka tumango.

Pumito s'ya at kaagad ko namang inihagis ang bola.Nahampas iyon ni Morphine at lumipad ang bola papunta sa ere.Saktong pumito naman si Reego.

"You have a call,Mor."sabi n'ya at itinaas ang cellphone ni Morphine.

Kaagad namang ngumiwi si Morphine at sumenyas na sasagutin n'ya muna iyon kaya tumango ako saka naglakad na palapit kay Ree at nakipag apir sakan'ya.

"How was the game?"tanong ko sakan'ya.She smiled sweetly.

"Super fine,Mama!I've watched his games before and he's so lit!"bulong n'ya at natawa naman ako saka s'ya binuhat.

I kissed her cheek.

"May pa lit ka na ngayon,ha."natatawa kong sabi saka s'ya pinaulanan ng halik sa pisnge kaya tumawa na s'ya nang tumawa.

"Let's have our lunch first?"tanong ni Reego matapos nilang lumapit sa akin.

Tumango ako saka ibinaba si Ree.

"Isama mo ang mga bata."I smiled.Nangunot ang noo ni Reego dahil sa isinagot ko."Why?"tanong ko.

Mukhang hindi n'ya gusto ang aking ideya.I'm actually giving him the opportunity and the chance to be close with them twins.Hindi na dapat ako kasali doon.Ang mga bata lang ang gusto kong maging kaayos n'ya.We're fine and that's all fine for me.Ayaw ko na nang kung ano pang koneksyon.That's what I've realized when I saw him crying.

And when I saw him with Michelle.

"You're not coming?"tanong n'ya at mas nangunot ang noo nang makita n'ya si Jabez na papasok na ng sports club.

I shook my head.

"We got something to do—"

"You're coming with us."mariin n'yang sagot at halatang galit.

Nakita ko naman ang pagpasok ni Michelle sa loob kaya doon ako natuon ang pansin.

"Your girl is here.Have some bonds with her.Not with me."I shrugged and kissed my children's cheeks."I'll see you later in the house—"

"Come with us,Mama."ngumuso si Andy kaya naman natatawa ko s'yang pinisil sa ilong.Si Jabez naman ay nakalapit na sa amin.

"I'll see you later."pag ulit ko saka sinenyasan na si Jabez.Lumapit na ako sa kan'ya nang magsalita si Reego.

"I'll pick you up."seryoso n'yang sabi na para bang hindi s'ya tatanggap ng pagtanggi kaya naman wala akong nagawa kundi ang tumango.

Whatever he wants.

Nagkatinginan kami ni Jabez saka kami naglakad na palabas ng arena.Nadaanan pa namin si Michelle na nakangisi na kaagad sa akin.Tinignan ko lang s'ya saka nilagpasan.

The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETEDWhere stories live. Discover now