Chapter 10
Checkmate | Conan Gray
Wala kaming pasok kinabukasan kaya heto ako ngayon at nakahiga sa kama habang si Ate Sally ay nakapamewang sa harapan ko.
"So,ano nang balita sa in'yo ni Reegs?Kalat ang pictures n'yo,Sis!"excited n'yang sabi.
Tamad naman akong bumangon saka pinagmasdan ang suot niyang itim na leather jacket,ripped jeans,at combat boots.Lahat itim.
Saan kaya ang shooting ng kapatid ko?
"Ang late mo naman sa chismis,Girl."ngumiwi ako saka dumeretso sa banyo para maghilamos."Wala...Sinabi ko kagabi na hindi ko na s'ya guguluhin."I added bitterly.
Bigla namang nangunot ang noo ni Ate Sally saka ako sinundan ng tingin habang nagpupunas ako ng mukha sa tuwalya.
"Huh?Anong nangyare?"naupo s'ya sa kama ko habang ako naman ay dumeretso sa study table ko dahil naroon ang cellphone ko.
May e-mail doon si Ate Happy at ngayon na raw ang release ng last shoot ko.
"Wala.May girlfriend na.Senior high school."I shrugged at mabilis na nagreply kay Ate Happy saka ako nagbukas ng ig account ko.
Puro naman ang laman ay ang event kagabi.Partly Cloudy's pictures all over again.May mga pictures pa na magkasama si Reego at Raciela sa isang sulok at nag uusap.Mayroon din kaming picture,iyong pinuntahan n'ya ako bago umuwi.Wala namang kasuspe-suspetsa doon dahil halos isang dipa ang layo namin.Mas natuon kay Raciela ang atensyon na sila ang may something.Kaasar.
Isang bida-bidang senior high lang naman ang tumabla sa akin.
"Gaga, true?!"gulat n'yang sabi kaya naman tumango at nagkibit balikat ako.
"Kapatid ni Romulo."ngumiwi ako."Itumba mo na nga iyon."biro ko kaya nakakuha ako ng isang pingot.
Joke lang naman,eh!
"Pero,hoy,ikaw ay umayos ka.Iyong taga St.Valdemor naman ang natripan ng mga BlackLeaf."bigla s'yang bumuntong hininga.Bigla tuloy akong kinabahan.
Umupo ako ng maayos.
"Noong gabi na nangyare iyon ay nakita ko ang ilang miyembro nila."I fired.Biglang nanlaki ang mata ni Ate Sally saka hinigit ako palapit sakan'ya.
"May namukhaan ka?"
"Ang nakita ko ay sasakyan ni Zacho noong gabing iyon.Akala ko ay kung ano lang.Hindi ko alam na may gagawin sila.Nakasakay ako sa bus noon,eh."paliwanag ko at tumango tango naman si Ate Sally.
"Isa nga iyon sa pinapa imbestigahan ni Jacos nitong pasukan.Kay Brigs pinapatrabaho."she said.
Brigs is her best friend.Kalapit bahay namin.
"Ano raw?Member ng BlackLeaf,ano?"curious kong tanong.Biglang tumaas ang isang kilay sa akin ni Ate.
"Ikaw, umayos ka,ha.Huwag kang babalik sa lalakeng iyon.Ito naman si Olivia ay sinusuportahan pa."ngumiwi s'ya.
Olivia is Zachos' 'original' girlfriend.Yuck.
"Saka kapag may nangyayareng gulo,tandaan mong marunong ka makipag basag ulo.Tinuruan na kita."she smirked saka tumayo na.
"Malamang,'Te!Lahat naman ng kalokohan mo ay tinuturo mo sa akin!"I rolled my eyes while she giggles.
"Ang mahalaga ay maiipagtanggol mo ang sarili mo kapag mag isa ka lang."payo n'ya.Dumeretso na sa may pintuan."Basta, Astrid.Lalaban ka."she said genuinely and smiled.I smiled back and nodded.
"Noted."
"Una na ako.Bye!"bigla n'yang sabi kaya hindi na ako nakapagpaalam dahil bigla s'yang umalis.

YOU ARE READING
The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETED
Teen Fiction3/6 Saints Series. A PLAYLIST FOR THE GIRL NAMED AMNESIA Isang gabi, may nakitang binata si Astrid sa crossing ng St.Javier at St.Regidor.Una palang ay natipuhan na n'ya ito kaya ginawa n'ya ang lahat upang magustuhan s'ya ng binata.Dahil wala s'yan...