Chapter 27

4.1K 148 32
                                        

Chapter 27

Time | NF

Saglit akong nagbihis at saka umalis na rin para sunduin ang mga bata dahil gabi na rin mas'yado.

Tama naman si Mama.Pero hindi naman porque tama ay iyon na nga ang totoo.The words may be right but situation may not be suitable for those words.

I trust Reego.

Habang nasa byahe ay sunod sunod na nagpasukan ang messages sa akin na galing kay Ismeralda.May mga pictures iyon at hindi ko maiwasang mangunot ang aking noo at unti-unti,gumuhit ang sakit sa aking puso.

Nakarating ako sa bahay ni Reego at nadatnan ko na marami ang tao doon.Mukhang may kasiyahan.

Pumasok ako sa loob habang ang ilang tao na nasa yard ay napalingon sa akin at pinanood akong mag martsa papasok ng bahay.Ang ilan pa ay nataranta.

Mga tauhan n'ya ito sa company n'ya.May ilang mga kilala ko na mga kaibigan n'ya.

Nang tuluyan akong nakapasok sa bahay ay kabaliktaran ang naabutan ko.

"Will you marry me, Amnesia Astrid?"it was Reego holding a bouquet of flowers and a box of diamond ring while kneeling in front of me.

Gulat na gulat ako doon saka ko inilibot ang aking paningin.Nakita ko na pasimpleng umalis si Michelle.Bumaling ako sa kambal na s'yang may hawak na mga banners ng katagang Will you marry me.

Naiyak na ako ng tuluyan.Hindi ko na malaman ang iisipin ko.Sobrang sakit ng pangyayareng ito.

Ang sakit na nasa harapan ko ang pinakasinungaling na tao sa mundo.Nakaluhod pa.

Pero naguguluhan ako.Bakit?Bakit ganito?!

Ano bang plano n'ya?!Bakit kasi nagkaganito lahat bigla?

"How..."usal ko na hindi ko maituloy.

Ngiting ngiti si Reego na nakaluhod sa aking harapan.Nasa paligid lang din si Jacos at Chano na katabi ang girlfriend n'ya.

"Tanungin mo daw ulit, Pare!Nashock mas'yado,eh!"sigaw ni Chano.

Tumawa si Reego at nang akma s'yang magsasalita ay hindi ko na nakayanan.

Kinuha ko ang bouquet of flowers na nasa kamay n'ya at lakas loob iyong inihagis sa mukha n'yang gulat na gulat.

Rinig na rinig ang pagsinghap ng mga tao sa sobrang gulat.

"Marry me?!Ako?!"sigaw ko saka kinuha ang singsing mula sa kan'ya at ibinato iyon.Nakita kong tumama iyon sa noo ni Chano."Bakit hindi si Michelle ang tanungin mo ng gan'yan tutal ka'yo naman itong may relasyon?!"

"Astrid,ano bang nangyayare?"biglang litaw ni Ate Sally galing kung saan.

Napahagulgol na ako.

Bakit lahat ay parang masama pa ang tingin sa akin?!

Bakit ganito kagulo?! Bakit?! Naguguluhan ako!

Totoo pa ba ito o isang panaginip?Sana nga panaginip na lang.Ang gulo kasi.Masyadong mahirap paniwalaan.

"Kumalma ka nga,As!"galit na sigaw ni River at akmang lalapit pero inilingan ko kaagad s'ya.

Si Reego naman ay nanatiling nakaluhod sa sahig at gulat pa rin.

"Kakalma?!How the fuck?!"sigaw ko.

"Astrid,ang mga bata nand'yan."seryoso at pormal na sabi na ni Reego saka tumayo mula sa pagkakaluhod.

Mas nagalit lang ako dahil napaka kalmado n'ya pa rin habang ako ay ito at parang sasabog na.

Kinuha ko ang aking cellphone saka dinala sa messages kung saan sinend ni Ismeralda ang mga pictures nila Reego at Michelle na naghahalikan sa isang sulok at mayroon pa sa sa iba't ibang lugar.

The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя