1

34 4 1
                                    


                  ±
                    "Pansamantalang ako
                      Sa tuwing gusto mo."

Remy: hi.

Paulit-ulit kong binabasa ang mensaheng natanggap ko mula sa'yo. Hindi ako makapaniwalang magpapadala ka pa rin ng mensahe simula nang magkasagutan tayo no'ng nakaraang buwan.

"Ano ba tayo?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Halatang nagulat siya.

"Nakakapagod na kasing magkibit-balikat lang kapag tinatanong ako ng mga kaibigan at kakilala ko kung ano ba ang mayro'n sa atin." Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko, nagbabadya ang pagtulo ng masasaganang luha mula rito.

"Hindi ko na kasi maintindihan! No'ng isang araw sinugod ako ng babae sa palengke. Ni hindi ko nga kilala 'yon pero bigla na lang akong sinampal. Ilang beses niya akong tinawag na 'malandi', 'makati', 'higad' at marami pang masasakit na salita." Hindi ito nagsalita, nanatili lamang na walang imik pero parang hindi naman interesado sa mga sinasabi ko.

"Ano ba talaga tayo, Remy?" ulit kong tanong sa kaniya kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.

Tamad niyang pinasadahan ng tingin ang mukha kong basang-basa na ng luha.

"Wala," tipid niyang sagot na mas ikinabigat ng nararamdaman ko.

"Masaya akong kausap ka lagi at siguro gano'n ka rin naman. Bakit pa natin kailangan lagyan ng pangalan ang kung ano mang namamagitan sa ating dal'wa? Ang importante, masaya tayo sa isa't-isa. Makuntento na sana tayo ro'n."

Napasinghap ako sa walang-k'wenta niyang mga sinabi. Napapikit ako nang mariin bago ko siya sinampal at tinalikuran.

Remy: kamusta?

Sasagutin ko ba? Pero ayokong makaramdam na naman ng sakit. Hindi ko kayang sagutin dahil alam kong aasa na naman ako.

Hindi ko kayang magreply dahil alam kong magiging makulit na naman ang isip ko at uulit-ulitin ko na namang tatanungin ang sarili ko kung "ano ba talaga kami?"

Daisy: Maayos, simula no'ng hindi na tayo nag-uusap|

Ilang beses kong pinag-isipan kung tatanggalin ko ang mensahe ko o tuluyan ko ng isi-send sa'yo.

Pero dahil hindi naman ako katulad mo na masakit magbitiw ng salita ay binago ko ang mensahe.

Daisy: okay lang naman.

Hindi ko alam kung anong iisipin mo dahil umabot nang halos kalahating oras bago kita ni-replyan.

Kung noon ay walang pang isang minuto ay nakapag-reply na ako, iba na ngayon. Ayoko ng tumulad no'ng dati.

Wala pang limang minuto ay may reply ka na.

Remy: mabuti naman kung gano'n.

Binasa ko nang paulit-ulit pero hindi na ako naglakas loob pang sagutin ang mensahe mo.

Ayoko ng maging tanga ulit. Ayoko ng maloko pa ulit.

"Malandi kang babae ka! Pokpok kang walang hiya ka. Nilalandi mo yung boyfriend ko! Mamatay ka na sanang hayop ka!" Napatigil ako sa paglalakad nang harangan ako ng babaeng ito.

Hindi ko alam kung bakit niya ako hinarang pero nangunot na lamang ang noo ko sa mga sinasabi niya.

Halos pinagtitinginan na kami ng mga tao rito sa palengke pero patuloy pa rin itong nag-iiskandalo.

"Anong mayro'n sainyo ng boyfriend ko? Walang hiya ka, may girlfriend na 'yong nilalandi mong higad ka, mahiya ka naman!" Dinuro-duro niya pa ako habang pinagsasalitaan ng masasamang salita.

"Sa susunod na makita kita, hindi lang 'yan ang aabutin mo! Mamatay ka na sana, kasi kung hindi ako mismo ang gagawa. Tangina mo," wika ng babae bago ako tinalikuran.

Hiyang-hiya akong nagpatuloy sa paglalakad, hindi ko na lamang pinansin pa ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao sa akin.

Remy: saan ka na? Sunduin na kaya kita? Ingat ka, love.

Binasa ko ang bagong dating na mensahe mula kay Remy. Kung dati ay hindi ko naman masiyadong iniisip kung anong mayro'n sa aming dalawa pero ngayon oo. Ilang beses niya na rin sinabi sa aking gusto niya ako, pero dapat ba akong maniwala?

Siya ba ang tinutukoy ng babae? Bakit niya ako magugustuhan kung may girlfriend pala siya?

At bakit siya papasok sa isang relasyon kung hindi niya pala mahal ang girlfriend niya dahil ako ang gusto niya?

Paano nangyari 'to? Gusto niya ba ako? O baka pinaglalaruan niya lang ako.

Hindi ko maintindihan, bakit ganito?

Daisy: Hindi na, pauwi na rin ako.

Remy: Okay then, take care love :*

Pero kung niloloko niya ako bakit parang sobrang totoo? Ano ba talaga tayo Remy?

Muling tumunog ang cellphone ko, nangangahulugang may bagong mensaheng dumating.

Wala sa sarili ko itong binuksan upang mabasa.

Remy: Hindi mo na ba talaga ako kakausapin? Miss na kita...

Imbes na makaramdam ng kilig at tuwa ay tanging pagkamuhi lamang ang nararamdaman ko.

Remy: Gusto kitang kausapin ulit.

Napa-ismid lamang ako nang mabasa ko ang mensahe niya.

Mas pinili kong 'wag sagutin ang mga mensahe niya. Hindi lang dahil namumuhi ako kundi dahil na rin sa takot.

Natatakot ako na baka mahulog na naman ako sa patibong niya, lalo na't alam ko sa sarili ko na kahit papano'y may puwang pa rin siya sa puso ko.

May parte pa rin sa akin na gusto siyang kausaping muli pero nilalabanan kong 'wag. Matagal ko ng pinapatay ang nararamdaman kong iyon at natatakot ako na baka sa simpleng mga mensahe niya'y mabuhay muli.

Masama pa rin ang loob ko sa lahat ng nangyari. Lalo na't malinaw na sa akin na hindi naman niya talaga ako gusto, ang gusto niya lang ay ang kaisipang may mapupuntahan siya tuwing gusto niya.

Natatakot ako, nagagalit ako. Sinanay niya akong kausap siya, sinanay niya ako.

Natatakot ako, nagagalit ako. Sanay na ako, kaya iniiwasan ko talagang makitang muli ang pangalan niya o ang numero niya sa cellphone ko dahil baka hindi ako makatiis at mag-send ako ng message.

Remy: Kung ayaw mo na akong kausapin, hindi na kita guguluhin. Salamat sa lahat, pasensiya sa lahat ng abala.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Hindi ko alam na mas may isasakit pa pala ang mga pananakit niya sa akin.

Pero ito naman talaga ang gusto ko 'di ba? Ang iwasan at tigilan niya na ako 'di ba?

Hindi ko matanggap na ginawa niya lang akong pansamantala. Masiyado siyang madaya.

Naging pansamantalang ako sa tuwing gusto mo.

You're so unfair, paano mo nagawang saktan ako? Hindi mo ba talaga ako minahal?

Ginawa mo akong pansamantala not knowing na ikaw ang gusto kong makasama hanggang dulo.

Ginawa mo akong saglit na kasiyahan kapag nayayamot ka.

Tangina mo.

Sana pala hindi ko na lang ni-replyan ang unang "hi" mo sa akin dati. Sana hindi ko na lang pinansin, eh 'di sana buo pa ang puso kong dinurog mo.

PansamantalaWhere stories live. Discover now