4.1

26 4 0
                                    


             ±           
               "Pansamantalang kaibigan
                 Kapag may kailangan."

"Ate Daisy, mauna na ako," paalam ko sa ate kong nakakulong sa k'warto.

Hindi ko alam kung anong mayro'n sa ate ko, noong nakaraang linggo pa siya ganiyan. Hindi na masiyadong lumalabas kahit pilitin pa ni nanay na sumama sa palengke para magtinda ng isda.

Siguro durog ang puso, hindi ko na rin nakikita si kuya Remy, yung palaging kasama ni ate.

Napakibit-balikat na lamang ako.

Agad kong naalala yung assignment ko, muntik ko pang makalimutan, buti na lang.

Napasimangot na lamang ako nang maalalang wala naman akong masiyadong makausap sa school.

Minsan may lumalapit sa akin pero hindi naman kaibigan ang turing sa akin. Mahiyain kasi ako at tahimik, si Ria lang ang naglalakas loob na lapitan ako, kapatid ng bestfriend ng ate ko.

Madalas ko kasing makita si Ria kapag sinasama ako ni ate tuwing bumibisita siya dati sa bahay nila ate Sierra. Kaya lang hindi naman ako no'n pinapansin kapag dumadalaw kami.

Malungkot akong napabuntong-hininga habang papasok sa loob ng classroom namin. Maaga pa naman kaya siguro wala pa si ma'am.

Dahan-dahan akong umupo sa upuan kong malapit sa bintana. Habang ibinababa ko ang hawak kong mga libro at ang bag ko ay napalingon ako sa likod ko dahil naramdaman kong may kumalabit sa akin.

Malapad akong napangiti nang makita ko si Ria, kasama niya ang kaklase kong lalaki na kilala ko bilang nobyo niya.

Sinuklian naman niya ako ng ngiting pilit, nakita ko rin ang pagngisi ng nobyo niya habang Pinapasadahan ng tingin ang aking katawan.

Nailang ako kaya naman pinirmi ko na lamang ang mata ko kay Ria.

"Sierra, p'wede bang gawan mo muna kami ng assignment ni Kirby. Nakalimutan kasi naming gawin, may pupuntahan kasi kami kaya hindi rin namin magagawa ngayon." Napatingin ako sa dalawang notebook na inilagay niya sa desk ko.

Hindi pa man ako sumasang-ayon ay nagpasalamat na siya at tumalikod. Nagtagal pa ang tingin sa akin ni Kirby bago siya sumunod kay Ria sa labas.

Hindi ko na lamang inisip pa ang mga tinging iyon at ginawa ko na lamang ang pakiusap sa akin ni Ria.

"Bakit hindi ka tumanggi?" Napatingin naman ako sa gilid ko nang may biglang nagsalita.

Nagulat naman ako nang makilala kung sino iyon, halos lumabas ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

"Tsk," sambit niya bago ibinaba ang bag sa katabi kong upuan.

"Akala ko isang linggo kang hindi papasok?" tanong ko para mas humaba ang usapan namin.

"Naputol ang vacation namin, nag-away parents ko," tamad na sagot niya sa akin.

"Hindi ko na tatanungin kung bakit, mukhang ayaw mong pag-usapan." Pinagpatuloy ko na lang ang pagsagot sa assignments nina Ria.

"My dad. He cheated again," pagod na wika nito.

Napatingin ako sa kaniya, hindi ko alam kung hahayaan ko siyang magk'wento o hindi.

"Nambabae, pinatira niya pa sa bagong bili niyang condo. Galit na galit si mom, gusto niyang makipaghiwalay. Ayaw ni dad pero sa tingin ko desidido ang mom ko." Bakas sa mukha ni Flame ang kalungkutan at pagkamuhi, nanatili akong walang imik at tahimik.

"Hindi na talaga siya titino, ilang beses na namin siyang pinagbigyan pero hindi siya nagbago. He's disgusting. Ayoko na siyang makita pa."

"Hey, napasa mo ba?" tanong sa akin ni Ria nang makasalubong ko silang dalawa ni Kirby.

Napatingin ako sa suot nitong uniform, nakabukas ang ilang butones at sobrang gusot na ng tela.

Pulang-pula rin ang mukha pati na rin ang labing namamaga. Nag-init ang mga pisngi ko, hindi naman siguro tama ang iniisip ko.

Tumango ako habang ang tingin ko ngayon ay nasa lalaking kasama nito. Abala ito sa pag-aayos ng zipper na kanina pa bukas pero ngayon lang napansin. Sobrang gulo ng buhok na para bang sinabunutan.

Nag-iwas ako ng tingin at lalagpasan na sana sila kaya lang ay hinawakan ni Ria ang palapulsuhan ko. Nagtataka ko siyang nilingon.

"May pera ka ba riyan? Nakalimutan ko kasing magbayad sa mga kagrupo ko sa isang project." Nahuli ng mga mata ko ang pagkurot ni Kirby sa mga hita ni Ria, bahagya namang napahagikgik ang mga ito.

Hindi ko alam kung mandidiri ba ako, lalo na't amoy na amoy ko sa kanila ang alak at sigarilyo pero dahil sa kahihiyan ay nanatili akong normal na nakipag-usap sa kanila.

"Mayro'n pa naman pero hindi ko alam kung sapat ba para mabayaran mo 'yong ambagan niyo sa groupings," sabi ko.

"Okay lang Shaira, tatanggapin ko kahit magkano lang 'yan." Tumango ako at napilitang iabot ang limang daan galing sa pitaka ko.

Ngumisi ang lalaki at si Ria naman ay matamis na ngumiti.

"Thank you sis," wika nito bago ako tinalikuran. Napansin ko pa ang mga pulang marka sa hita nito na nagpangiwi sa akin.

Mayamaya pa'y natagpuan ko na lang ang sarili kong marahang ngumingiti, magaan ang pakikitungo sa akin ngayon ni Ria. Siguro kaibigan na rin ang turing niya sa akin.

Maaga akong nakatulog nang sumapit ang gabi sapagkat wala naman kaming assignments. Maaga rin akong nagising kaya maaga rin akong pumasok.

Sarado pa ang ilang bintana ng classroom namin pero bahagya ng nakabukas ang pinto pagdating ko.

Tahimik rin ang daan dahil wala pang pakalat-kalat na mga istudyante, buti na lang dahil walang magtatangkang harangan ako.

Sandali akong napatigil sa paglalakad dahil may kung anong ingay akong naririnig sa loob ng silid.

Naririnig ko ang mga pigil na sigaw at mabibigat na paghinga ng kung sino sa loob.

Bahagya akong natakot dahil baka may multo, ngunit naglakas-loob akong alamin kung anong mayro'n.

Gano'n na lamang ang pagkagulat ko nang makita ko si Ria at isang lalaki pagsilip ko sa isang nakaawang na bintana.

Nakaupo si Ria sa lamesa habang ang lalaking hindi  ko makilala ay nasa pagitan ng hita ng kaibigan ko.

Minabuti kong maghintay na lamang sa labas ng silid upang hindi sila maistorbo.

Mayamaya pa'y lumabas na ang lalaking magulo ang buhok at may mapupulang marka sa leeg.

Agad ko siyang nakilala, kaibigan siya ni Kirby!

Anong mayro'n sa kanilang dalawa ni Ria?

Agad na napaayos ako sa pagkakatayo nang sumunod si Ria sa paglabas ng lalaki. Hindi nila ako napansin dahil nasa kaliwang bahagi ako ng hallway at nakatago sa malaking halaman.

Napatakip ako sa bibig ng makitang naghalikan sila, hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagpisil ng lalaki sa pang-upo ni Ria.

Umalis na ang lalaki at naiwang nakangiti ang kaibigan ko.

Nang papasok na si Ria sa silid ay nalingunan niya ako.

Galit na mga mata ang ipinukol nito sa akin.

PansamantalaWhere stories live. Discover now