Manda

25 5 3
                                    

Nagpakasal kahit hindi mahal.

Hindi ko naman siguro siya masisisi kung araw-araw niya akong inaayawan, malinaw sa akin 'yon. Tanggap ko pero hindi ko alam na ganito pala kasakit.

Hindi ko siya mahal nang magpakasal, gano'n din siya pero sa tuwing may kinakama siyang iba naaawa ako sa aking pamilya. Bakit humantong sa ganito?

Kung usapang sarap, kaya ko namang ibigay para manatili lang siya at alang-alang na rin sa mga anak namin!

Kaya kong gawin lahat, maipakita lang sa mga anak kong masaya ang pamilyang mayro'n kami, pero lagi kaming binibigo ni Fire.

Ilang beses ko ng kinumpronta ang mga kerida niya. Binayaran ko na lahat manatili lang siya sa tabi namin pero patuloy siyang nagpapakasaya sa piling ng iba.

Sa loob ng ilang taon naming pagsasama, ni hindi man lang ba siya nakaramdaman ng pagmamahal para sa akin? Kahit konti? Kahit katiting lang, wala ba talaga?

Natutunan ko siyang mahalin, no'ng mga oras na hindi niya 'yon magawa sa sarili niya. Ibinigay ko ang sarili ko kahit hindi pa ako gano'n kasigurado pero kumapit ako sa konting pagmamahal na naramdaman ko.

Ilang beses akong umiyak, ilang beses akong naghanap. Pero hindi niya kayang magbigay, hindi niya ako nagawang mahalin at saluhin no'ng mga oras na hulog na hulog na ako.

Gabi-gabi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit ako nasasaktan nang ganito, eh wala naman akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya nang sobra-sobra at totoo.

Nagsimula kaming wala akonh nararamdaman para sa kaniya kaya bakit hindi niya rin magawa? Gano'n ba talaga ako kahirap mahalin?

Sa mga oras na nagpapakasaya siya sa piling ng iba, hindi man lang ba sumagi sa isipan niya ang imahe ko? Hindi niya man lang ba inisip ang mararamdaman ko?

Ilang beses akong humiga sa malaking kama na nakalaan para sa aming dalawa pero mag-isa lang akong nakahiga.

Ilang beses akong naghintay sa kaniya, sa init ng yakap niya sa tuwing malamig ang gabi.

Ilang beses rin akong nagtiis sa sakit tuwing nakikita ko siyang tulog sa sofa sa gilid ng kama at amoy na amoy ko ang pabango ng panibago niyang parausan.

Ilang beses akong umiyak nang tahimik habang pinupunasan ang marka ng lipstick sa kaniyang pisngi, leeg at minsan pati sa labi.

Ilang beses akong nagtiis na 'wag makialam pero hindi ko kayang manahimik na lang. Lagi kong ipinapahanap ang mga babae ng asawa ko, binabayaran at pinapalayo.

Ilang beses kong ikinumpara ang sarili ko sa mga babae niya. Ilang beses kong tinanong ang sarili kung anong kulang sa akin para naman mapunan ko.

Ilang beses akong umasang lilingunin niya ako at mamahalin nang totoo—

Pero sa ilang beses na iyon, paulit-ulit na beses lang akong nasaktan.

Permanenteng tao ako sa buhay niya, pero bakit parang mas masaya pa ang maging pansamantala?

Sentimyento ni Manda
Ang asawa ni Fire.

PansamantalaWhere stories live. Discover now