Madilim. Malamig. Malakas ang ulan, habang payapa kang nagliliwaliw sa iyong tahanan may taong biglang kakatok sa pinto ng bahay mo. Pagbubuksan mo, patutuluyin mo at aabutan mo ng mainit na tsokolate. Magkik'wentuhan kayo, magtatawanan, bubuo ng alaala. Ngunit kinabukasan, paggising mo wala na siya. Ginawa ka lang pansamantalang tuluyan nang lumakas ang ulan at wala siyang masilungan. Kung naranasan mo na ito, para sa'yo 'to.