Elliot

20 5 0
                                    

Ilang beses akong tinanong ni Aella ate.

"Babalik pa ba siya kuya?"

Hindi ko magawang sumagot ate Elle. Hindi dahil hindi ko alam ang sagot dahil sabi nga ni mama ay bobo ako pero dahil hindi ko matanggap ang totoo.

Bakit mo kami iniwan? Hindi mo man lang nagawang magpaalam.

Alam mo bang nakikita ko si kuya Rylie na nasa labas ng bahay natin tuwing umaga? Siguro kung nandito ka pa mapapasabi ka ng himala.

Ilang beses kong tinanong si kuya Rylie kung anong sadya, pero ang lagi niya lang sagot ay hinihintay ka.

Ate, alam mong hindi ako nagmumura pero tangina. Ang bata pa naming dalawa ni Aella, kaya bakit ang aga mong nawala?

Hindi mo na ba kami mahal?

Simula nang mawala ka, hindi ko na alam kung paano pa ako mabubuhay eh. Parang gusto kong sumunod pero ayokong iwang mag-isa si Aella rito sa bahay, hindi ko naman kasi siya p'wedeng ibigay kay mama.

Hindi naman p'wede si Aella sa mental, si mama lang naman ang may sakit.

Bakla na rin ako ate, kasi gabi-gabi akong umiiyak! Ang sabi mo hindi umiiyak ang lalaki, pero sobrang sakit kasi eh. 'Di bale ng bakla ang pagtingin ng iba sa akin dahil sa pag-iyak basta mapagaan ko lang ng kahit konti ang loob ko.

Ilang buwan na ang nakalipas pero ang hirap pa ring umusad. Ang hirap mong pakawalan ate, ang hirap mong palayain.

Saloobin ni Elliot
Kapatid ni Elle.

PansamantalaWhere stories live. Discover now