Wakas

29 5 4
                                    


Tumila na ang ulan at maganda na rin ang panahon sa wakas. Napangiti ako nang mapait nang nagsi-alisan na ang walong taong sumilong sa waiting shed na kinauupuan ko ngayon.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot lalo pa't nalaman ko ang istorya nilang walo.

Basang-basa silang nagpatuloy sa paglalakad. Habang patuloy silang humahakbang ay nag-iiwan sila ng bakas: pagkasawi sa pag-ibig, pagkasira ng pamilya, pagkadurog ng puso at mga problema.

Hindi ko halos maisip kung ano ang dapat kong maramdaman. Wala na dapat akong pinoproblema kasi nakaalis na sila ngunit patuloy pa ring napupunit ang puso ko dahil sa sakit na naiwan habang inaalala ko ang kanilang mga k'wento.

Gusto kong magalit sa kanila, lalo pa't walang sapat na rason para gawin nila iyon! Nananakit sila, gumagamit sila ng tao para mapunan ang pansamantala nilang mga problema at pangangailangan.

Bakit may mga gano'ng klase ng tao? Bakit hindi man lang nila maisip ang maaaring maramdaman ng taong ginagamit nila. Wala ba silang puso?

Hindi tayo hintayan ng mga taong may hinihintay.

Hindi tayo silungan ng mga taong inabot ng malakas na ulan sa madilim na daan.

Sa buhay, may mga tao talagang kakatok sa pinto ng bahay mo. Lalo na kapag malakas ang ulan sa madilim na gabi at wala silang masilungan.

Aanyayahan mo silang pumasok at aabutan mo ng mainit na kape o kaya ay mainit na tasa ng tsokolate. Hahayaan mo silang gawing pansamantalang tuluyan ang bahay mo dahil hindi nila mahanap ang kanila.

Habang patuloy na bumubuhos ang ulan ay patuloy rin kayong nagkakatuwaan. Masaya, kahit malungkot ang langit.

Gagawa kayo ng masasayang ala-ala. Bubuo kayong dalawa ng k'wento, hanggang sa maabot niyo ang dulo—saka mo lang mapagtatantong:

Hindi ikaw ang bida.

Hindi mo 'yon istorya.

Magkasama niyong binuo pero hindi ikaw ang maglalagay ng tuldok sa pagtatapos.

Dahil bago niyo pa matapos, tumila na ang ulan. Bago mo pa siya mapigilang umalis, nauna na siya.

Ginawa kang pansamantalang pahinga sa maghapong pagkapagod pero hindi ikaw ang pagtulog. Ginawa kang silungan pero hindi ikaw ang tahanan.

Layuan mo ang mga taong ganito. Mga taong gagawin ka lamang daanan pero hindi ikaw ang destinasyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PansamantalaWhere stories live. Discover now