Pinang

22 5 0
                                    

Patawarin mo ako.

Elle, anak. Oh anak ko, nagkasala ako. Hindi ko naman ito ginusto.

Hindi ko kailanman ginustong mawala ka nang ganito kaaga. Alam kong marami ka pang pangarap sa buhay.

Ilang beses ko ng nabasa ang talaarawan mo kung kaya't alam ko. Hindi ko ito ginusto, maniwala ka.

Hindi ko lang talaga alam kung paano muling sumaya kung wala akong hahawakang pera. Nalulong ako sa sugal, hindi ko alam na dahil dito hindi ka na tatagal.

Pagpasensiyahan mo na si mama, hindi ko ito ginusto!

Patawarin mo ako at pasasalamatan kita. Anak, maniwala ka. Paniwalaan mo ako at sana kapag nagawa mo, hindi mo na ako muling dadalawin sa aking pagtulog.

Gusto ko ng maging payapa ang buhay ko. 'Wag mo na akong guluhin, at kapag ginawa mo 'yon ay pinapangako kong pagbubutihin ko ang pag-aalaga ko sa mga kapatid mo.

Hindi ko ginusto, pero alam kong kasalanan ko.

Nagsisisi na ako, patawarin mo na ako.

Kumpisal ni Pinang
Ina ni Elle.

PansamantalaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora