5.1

18 4 0
                                    


          ±
            "Pansamantalang ako
             Hanggang sa p'wede na kayo."

"Luanne," malapad akong napangiti nang makita ko ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

"Jerson!" maligayang sigaw ko bago tinakbo ang distansya namin. Napayakap ako sa kaniya nang mahigpit pero agad din akong napabitiw nang maalala kong punong-puno pa ako ng pintura.

"Hala sorry, nakalimutan kong madungis pa ako." Nginitian naman niya ako bago umiling-iling.

"Ano naman ang pinipinta mo ngayon?" tanong niya sa akin habang hila-hila ang kamay ko patungo sa painting ko.

"Uhm..." itinukod ko sa baba ko ang dulo ng paintbrush. Kunwaring nag-iisip.

Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. Umiling lang siya nang maisip na tama ang hinala niya.

"Nagsasayang ka lang ng pintura babe, wala ng space ang k'warto mo. Punong-puno na ng mukha ko 'yon panigurado." Humalakhak naman ako nang malakas.

"Ikaw talaga, maraming k'warto sa bahay na walang gumagamit, kami lang ni kuya Liam ang palaging nando'n eh. Kahit saan do'n ay p'wede kong ilagay ang paintings at drawing ng mukha mo kung gugustuhin ko." Inirapan niya lamang ako bago niya pinasadahan ng tingin ang canvas na pinintahan ko ng mukha niyang nakapikit at nakangiti.

Naisip ko kasing ipinta iyon nang maalala ko ang mukha niya no'ng bumisita siya sa akin sa bahay. Nakatulog siya habang nanonood kami ng romcom movie.

"Ang g'wapo ko naman dito babe," wika niya habang hinihila ako paupo sa mga hita niya.

Mariin niya akong hinalikan sa pisngi at ikinulong ako nang mahigpit sa mga bisig niya. Nagpumiglas naman ako dahil alam kong may pintura rin sa pisngi ko.

"Eh? Naging g'wapo ka lang diyan kasi maganda ang pagkapinta ko at siyempre ang nagpinta!" Umirap ako at sinungitan siya nang makita ko ang pagngiwi niya pagkatapos kong sabihin iyon.

Tumawa siya pagkatapos bago tumango-tango sa akin.

"Opo, ang galing ng baby ko. Pa-kiss nga ako," sabi ni Jerson. Bago pa ako makahindi at magpumiglas ay ninakawan niya na ako ng halik sa labi.

"Luanne," Napatingin ako sa field nang marinig ko ang boses ni Kirby, bestfriend ni Jerson.

Bahagyang kumunot ang noo ko dahil hindi si Kirby ang inaasahan ko rito ngayon.

"Nasaan si Jerson?" pasigaw kong tanong kay Kirby nang makalapit ito sa akin.

Bahagya akong nailang nang pasadahan ako ng malagkit na tingin. Malapad siyang ngumiti.

"Hindi mo magugustuhan kapag sinagot ko 'yang tanong mo," saad niya pero may mapaglarong ngiti pa rin sa mga labi. Kahit na gano'n ang itsura niya ay kinabahan ako, paano kung may nangyaring masama na kay Jerson!

"Huwag kang mag-alala, wala namang masamang nangyari. Pero kung gusto mong puntahan siguro nasa apartment lang siya. Nasa k'warto namin, siguro pawisan at pagod..." bahagya siyang tumigil nang ilang segundo bago ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Kasi pagod sa practice, alam mo na, basketball." Napahinga naman ako nang maluwag.

Lumapit siya sa likod ko at tipid na pinasadahan ng tingin ang dinadrawing ko sa sketchpad ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa likod ng tenga ko. Bahagya niya ring inamoy ang buhok ko.

"Ang galing mo. I wonder kung ano pa ang p'wedeng gawin ng maganda mong mga kamay," sensual niyang bulong sa tenga ko.

Napatayo ako at tiningnan siya nang masama.

"Luanne, you're so beautiful. I wonder why he still wants to steal my girl. Hmm?" Hindi ko na lamang siya pinansin at linisan na ang lugar na 'yon.

Napakabastos na lalaki!

"Hi babe," rinig ko ang antok niyang boses sa kabilang linya.

"Mukhang antok at pagod ka, ibaba ko na lang." Hindi siya sumagot pero may narinig akong tunog.

Para bang nahulog ang cellphone niya.

"Babe?" Walang sumagot pero may narinig ulit akong tunog. Para bang dinadampot pa lang ang cellphone na nahulog.

"Fvck you," mahinang saad ng boses ng isang babae ang narinig ko.

Napatakip ako sa bibig ko.

"We made love, 'di ko sure kung pati baby. Balitaan na lang kita," narinig ko pa ang paghagikhik nito bago pinatay ang tawag.

What the fvck is that?

Pinipigilan ko na lamang ang sarili kong umiyak pero alam kong hindi ko kaya. Napapikit ako nang mariin at nagsimula na ngang maglabasan ang masasagana kong luha.

Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Kirby. Hindi ko sana bubuksan pero may kung anong nagtulak sa akin para gawin iyon.

May picture siyang sinend. Halos magwala ako habang pinagmamasdan ito. Binasa ko pa ang bagong mensaheng galing kay Kirby.

'My little whore and your boyfriend are here. Akala siguro hindi ako pupunta sa apartment ngayong araw. I caught them pero hindi ako nagpakita. And btw, ilang beses na nila itong ginagawa kahit sa school. They love making love, lol.'

Isang beses kong muling pinagmasdan ang litrato na sinend sa akin ni Kirby.

They are both naked. Ni hindi na nag-effort si Kirby na i-blur ang private parts ng dalawa.

Magkadugtong pa ang katawan habang nakapikit pa ang babaeng pamilyar sa akin. Nakaibabaw ang babae habang ang kaliwang kamay naman ni Jerson ay nakaalalay sa baywang nito at ang kanan naman ay nakahawak sa dibdib ng babae.

Napatingin ako sa mga paintings at drawings ko na puro pagmumukha ni Jerson. Nagdilim ang paningin ko, hindi ko napagilan ang sarili kong sirain ang mga iyon. Sa bawat pagsira at pagwasak ko ng mga ito ay ang pagkawasak at pagkadurog din ng puso ko.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog, nagising na lang ako sa sunod na sunod na tunog mula sa alarm clock ko.

Halos hindi ko mabukas ang mga mata kong nakapikit.

Ilang beses ko na ring narinig na tumunog ang cellphone ko, may mga messages na dumarating pero wala akong lakas ng loob na basahin ang mga iyon.

Hindi ko pa kayang harapin ang kung anumang darating.

Kahit labag sa loob ko ay pumasok pa rin ako sa klase. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil wala akong nakita kahit na anino kay Jerson.

Pagod akong umuwi.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para buksan ang cellphone ko.

Sunod-sunod ang pagtunog, sunod-sunod ang pagdating ng mga bagong mensahe. Para bang inaanyaya akong basahin ang mga ito.

PansamantalaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ