5.2

22 4 0
                                    

I read some of those, naghahanap ng maaring dahilan ni Jerson kung bakit niya nagawa iyon sa akin. Ngunit wala ang paliwanag na gusto kong mabasa sa mga iyon.

Jerson: Pasensiya ka na kung nadamay ka pa sa gulong pinasok ko.

Jerson: Ginamit lang kita, gusto kong pagselosin si Ria. Gusto kong mapasa'kin si Ria at ito lang ang paraan na alam ko para mapaamin siya.

Jerson: Pasensiya talaga, sana mapatawad mo ako.

Jerson: Hindi ko gustong madamay ka rito, naipit lang ako sa sitwasyon. Salamat.

Unknown number: Ginamit ka lang. Pinagpraktisan ka lang. May boyfriend ako at hindi ko alam na sobrang desperado ni Jerson na maagaw ako kay Kirby. Haha, alam niyang gusto ko siya kaya pinagselos niya ako.

Unknown number: Anyway, ang sarap ng ginawa namin kagabi inabot kami hanggang umaga. Sorry na lang, kinukuha ko na ang akin. Take care beh!

Kirby: Ginawa ka lang hintayan. Wala kasi siyang mapuntahan habang hindi niya pa naaagaw sa akin.

Kirby: Sinapak ko kanina kasi parang walang pagsisisi. Hinayupak na 'yon, hindi ko nga alam kung anong mayro'n kay Ria. Magsama silang dalawa.

Hindi ko alam kung paano ko nabasa ang ilan sa mga messages na iyon na hindi ako luluha ng dugo. Halos naririnig ko ang pagkabasag ng puso ko. Hindi ko magawang huminga, parang naninikip ang dibdib ko.

Gusto kong pumatay, pero ayokong tumulad sa kanila.

Sa dinami-rami ng babae, bakit ako ang ginawang waiting shed ng gagong iyon?

Kung gusto niya pala ang babaeng iyon bakit sa akin siya pumunta? Bakit ako pa ang ginamit niya?

Bakit niya pa binulabog ang tahimik kong buhay? Sana hindi na lang niya ako nilapitan, sana hindi na lang ako ang ginamit niya.

Nanghihina akong napahawak sa dibdib kong hindi ko maikalma. Para akong mapuputulan ng hininga sa oras na umayos na ang tibok ng puso ko.

Bakit may gano'ng klase ng tao, bakit nila nagagawang manakit ng inosenteng tao?

Paano nila nagagawang sumaya lalo na ngayong alam nilang may lumuluha dahil sa kanila?

Muling tumunog ang cellphone ko.

Tiningnan ko ito habang patuloy pa rin sa pagtunog.

May tumatawag, pangalan ni Jerson ang nakalagay. Sa mga oras na iyon ay hindi ko maalala kung paano damputin at pindutin ang bagay na nakalapag sa sahig.

Malamig ko itong tiningnan, hindi ko kaya.

Hindi ko kailanman kakayanin.

Paano niya ako nagawang lokohin, paano?

All I really did was to love you with all my heart. Ibinigay ko sa'yo nang buo ang puso ko, kaya bakit mo ako niloko?

Sa muling pagtunog ng cellphone ko, ibang pangalan na ang nakalagay. Hindi ko alam kung bakit may parte sa aking gustong marinig ang kung anumang sasabihin niya.

"Kirby," mahinang sabi ko.

"Luanne, alam kong hindi ka pa maayos. Gusto ko lang malaman mo na hindi worthy kung iiyakan mo siya. 'Wag mong ipakita sa kanila na talo ka. Ilang beses din akong minessage ni Ria, iniinsulto niya ako pero wala akong pakialam. Ikaw ang iniisip ko rito." Napa-iyak ako kahit hindi ko alam ang dahilan.

"H-Hindi ko kayang hindi umiyak," nanginginig kong saad habang nagpupunas ng makukulit na luhang naglalandas sa aking mga pisngi.

"Hindi ko naman sinabing pigilan mo. Ang akin lang, 'wag kang magmukmok diyan sa k'warto mo at silang dalawa lang ang tumatakbo sa isipan mo. Stop thinking about them, they aren't worthy. Umiyak ka hanggang sa gusto mo pero ngumiti ka naman sana pagkatapos." Patuloy akong umiiyak habang pinapakinggan si Kirby sa mga sinasabi niya. Halos sumakit na ang mata ko dahil kanina pa ako walang tigil sa pag-iyak.

"This is not the end, hindi pa siya ang huli. Isipin mong leksyon sa'yo 'to, isipin mong kaya ka ginago ng gagong 'yon kasi hindi naman talaga siya ang para sa'yo. May iba pang naghihintay sa'yo, at ang mga taong 'yon ay handang gawin kang permanenteng tao sa buhay nila," mahabang eksplanasyon sa akin ni Kirby. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa pagpunas ko ng mga luha kong patuloy na tumutulo.

"S-Salamat Kirby. Nasaktan lang talaga kasi ako. Hindi ko naisip n-na may gano'ng tao pala sa buhay ko. H-Hindi ko naisip na lolokohin niya ako kasi maayos naman kaming dalawa. Hindi k-ko naisip na m-may hinihintay lang pala siya," umiiyak kong saad.

"Hindi ko pa matanggap. Ang bilis ng mga pangyayari. Masaya pa kami no'ng nakaraan, tapos biglang ganito. Nakakagago kasi, hindi naman ako hintayan ng mga may hinihintay. Hindi naman ako taga-entertain ng mga taong nalulungkot kasi hindi pa nila makuha 'yong taong magpapasaya sa kanila!" Natahimik kaming dalawa ni Kirby ng ilang segundo bago ako nagpaalam na ibaba ko na ang tawag.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para hanapin ang pangalan niya sa cellphone ko.

"Hello?" Pumikit ako nang mariin nang marinig ko ang boses na dating nagpapatibok ng puso ko.

"Jerson," tipid kong saad. Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi ko. Pinipigilan ang panibagong pagtulo ng mga luha.

"Luanne, uhm. M-Musta?" nauutal niyang tanong.

Gusto kong ibato ang cellphone ko nang marinig ko ang tanong niya.

"Bakit mo ako tinatanong? Sinisigurado mo kung nasaktan mo talaga ako nang sobra? Well, congrats. Hindi ka nabigo," saad ko habang nakakuyom ang mga kamao.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya bago muling nagsalita.

"Hindi ko sinasadyang idamay ka. Pasensiya na Luanne, hindi na ako magpapakita sa'yo para na rin sa ikapapanatag ng loob mo," wika niya gamit ang mahinang boses.

"Salamat? Pasasalamatan ba kita? Tinawagan lang kita kasi gusto kitang murahin at saktan! Gusto ko lang malaman mo kung anong nararamdaman ko. Ginago mo ako, tangina. Lalaki ka ba talaga? Bakit mo ako nagawang saktan. Wala akong ginawang masama sa'yo!" Ilang minuto siyang natahimik habang patuloy pa rin ako sa pagmumura sa kaniya.

"M-Minahal mo man lang ba ako? Kahit minsan sa mga oras at araw na nagkasama tayo? Peke ba ang lahat ng ginawa mo para sa akin?" nanginginig kong sabi habang mariin pa ring nakapikit.

"Sorry, pasensiya ka na Luanne—" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita, pinutol ko na ang tawag.

Buong gabi akong umiyak. Hindi ko alam kung kailan ko matatanggap pero isa lang ang sigurado ako: hindi ko sila kailanman mapapatawad.

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon