3.2

27 3 0
                                    

Inalala ko ang lahat ng nangyari habang nakatitig ako sa kawalan. Nakatulog ako dahil sa kapaguran, nasa k'warto ako ng lalaking kasama ko simula kagabi.

Nasa iisang kama kami ngayon, parehong nasa baba ng makapal na kumot.

Wala akong saplot at pati na rin ang lalaking nakilala ko bilang si Fire, apatnapu't-walong taong gulang pero batang-bata pa ang itsura.

Napangiti ako, habang dinarama ang pagkirot ng pagkababae ko. Hindi ko mahanap ang pagsisisi sa sarili ko.

Masaya ako sa nangyari sa aming dalawa, hindi ko rin alam kung bakit pandidiri'y hindi ko rin maramdaman.

Tulog pa si Fire, nakayakap ang braso niya sa baywang ko. Marahang pinaglandas ko ang aking daliri sa mukha niya.

Hindi halatang forty-eight, parang kaedaran ko lang. Maganda pa rin ang katawan at wala pa akong makitang kulubot sa balat.

Nag-init ang pisngi ko nang pinakiramdaman ng mga kamay ko ang tiyan 'yang may abs pa rin. Napakagat ako sa aking mga labing parang namamaga dahil hindi ito pinagsawaan ng lalaki kagabi.

Dahan-dahan itong gumalaw at bumukas ang maganda niyang mga mata.

Bahagya itong ngumiti at inabot ang labi ko para mahalikan.

"Morning," pagbati ni Fire sa akin. Binati ko rin ito at nginitian.

Walang pagsisisi. 'Yan ang naramdaman ko nang unang beses kaming nagkasama sa iisang k'warto.

Hindi ako nag-atubiling ibigay ang sarili. Hindi ako nagsisi—noong una.

"Kneel," mariing saad niya sa akin.

Hindi ako sumunod at nanatili lang na nakatayo sa harap niya habang pinipigilang tumulo ang mga luha kong kanina pa nagbabadya.

"Sierra," muling saad niya pero hindi ako nagpaapekto sa boses niyang ma-autoridad.

"Pinapaaral ko ang mga kapatid mo, ako rin ang tumutulong sa pagpapagamot ng nanay mo. Bakit hindi mo ako mapagbigyan?" pagod na sabi ni Fire.

Isinara niya ang zipper ng suot na pantalon.

"Kung hindi mo kayang gawin ngayon, sa iba na muna ako magpaparaos." Tinalikuran niya ako pero bago pa siya makaalis ay nahawakan ko na siya sa braso.

"H-Hindi mo sinabi," nanginginig kong sabi.

"What for?" nangmamaliit niyang wika.

"Tangina, siyempre kailangan! M-Mahal na kita Fire," sigaw ko habang sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko.

"Alam mo ang rason kung bakit may relasyong namamagitan sa ating dalawa. Nagtagal tayo sa relasyong ito dahil kailangan mo ng pera at ako, kailangan ko ng parausan. Wala akong oras para sa pag-ibig na sinasabi mo. Wala sa usapan natin 'yan." Malamig niya akong tiningnan bago niya ako tuluyang iniwan habang luhaan.

Hindi ko alam na darating sa puntong ito.

Hindi ko alam na luluhod ako, hindi para paligayahin siya kundi para magmakaawa.

"Magkano ka ba? Hindi ka ba nahihiya?"

Hindi ko magawang sumagot. Napahawak ako sa pisngi ko nang bigla ako nitong sinampal.

"Why are you flirting with my husband? Magkano ka ba? I'll pay, tapos 'wag ka ng magpapakita ulit sa asawa ko. Naiintindihan mo ba? Hindi mo man lang nagawang respetuhin 'yang pagkatao mo. Shameless slut, go away." Hindi ko napigilang umiyak.

"W-Wala po akong alam. Hindi ko po alam na m-may asawa si Fire." Napasalampak ako sa sahig nang itinulak ako ng babae.

"Para lang malaman mo, matandang lalaki 'yang linalandi mo. Halos kaedad mo lang ang panganay naming anak, lumayo ka na. Babayaran kita, 'wag ka ng lalapit ulit sa asawa ko."

Malamig ako nitong tiningnan habang nakatayo pa rin sa harap ko. Mukhang hinihintay ang isasagot ko.

Hindi ko magawang tumango, pero natatakot akong umiling.

"Answer me, stupid whore." Ilang masasakit na salita pa ang binitawan nito bago ko napilit ang sarili  kong tumango sa kaniya.

"Where the hell are you?" mapait akong ngumiti nang marinig ko ang boses ni Fire sa kabilang linya.

"I need you here, now." Umiling ako kahit hindi niya nakikita. Pinipigilan kong kumawala ang mahihina kong paghikbi.

"Sierra, where the fvck are you? Binabayaran kita para painitin ang katawan ko hindi para painitin ang ulo ko." Pumikit ako nang mariin at kinalma ang sarili bago ako sumagot.

"Hindi na, ayoko na. Sisiguraduhin ko ring huling beses na natin itong pag-uusap. Hindi na ako tatanggap nang kahit ano mula sa'yo, tinatapos ko na ang kung anong relasyong namamagitan sa ating dalawa. Sa'yo na ang pera mo," mariing wika ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Hindi ko na kayang magpanggap na ayos lang ang lahat kapag kaharap ka. Hindi ko na kayang maghintay sa mga tawag mo. Hindi ko na kayang marinig ang mga tanong mo kung kailan ako p'wede. Akala ko wala na akong hiya, mayro'n pa pala. Sobrang nahihiya ako sa sarili ko at sa asawa mo." Tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng masasaganang luha sa mga mata ko.

"Ilang beses na akong sinugod ng misis mo, ilang beses niya akong sinaktan at pinahiya. Ang sabi mo wala! Ang sabi mo wala kang asawa, at matandang binata ka lang na nalulungkot kaya ka napadpad sa putanginang pinagtatrabahuhan ko." Narinig ko ang mabigat nitong pagbuntong-hininga. Magsasalita sana pero ibinaba ko na ang cellphone ko.

"Gago," gigil na sambit ko nang makita ko ang wallpaper kong mukha niya.

Nakangiti ito habang nakahiga pa sa tabi ko, kakagising lang at walang suot na pang-itaas.

Ang tanga ko para maniwala, masiyado siyang g'wapo para maging matandang binata!

Umiyak ako buong gabi. Sobrang sakit nang nararamdaman ko.

Babalik ulit ako sa linisan kong trabaho.

Akala ko dinala niya na ako sa langit, hindi ko alam na isa pala siyang demonyo.

Natuto na ako. Hindi na akong muling magtitiwala.

Siguro tama ang sinabi ng asawa ni Fire.

"You're nothing, parausan ka lang. Pasukan ka lang para labasan. Walang siseryoso sa babaeng katulad mo. Bayarang babae, mukhang malinis pero sobrang dumi. Wala ng tatanggap sa kagaya mong nagamit na, patapon."

"Ohh fvck, you're so tight," sambit ng lalaking nasa ibabaw ko. Patuloy ito sa paglabas-masok ng pagkalalaki niya sa pagkababae ko.

Tanging ungol lamang naming dalawa ang maririnig sa madilim na k'wartong ito.

Naramdaman ko ang pamilyar na sensasyon na lumukob sa akin.

Sabay kaming nilabasan.

"Shut up, Fiore. Ayoko na, tapos na tayo," rinig kong wika nito sa kausap nito sa cellphone habang nakaupo sa kamang kinahihigaan ko.

Ibinaba nito ang hawak na cellphone 'tsaka bumaling sa akin.

Nginitian ako nito, "Hi, I'm Liam."

PansamantalaWhere stories live. Discover now