8.1

22 4 0
                                    


            ±
               "Pansamantalang kabayaran
                Tuwing wala pang pambayad
                 sa inutang."

"Elle," tawag sa akin ng kaibigan kong si Rylie. Saglit akong napahinto sa paglalakad para hintayin siya.

"Himala, maaga ka." Tumawa ako nang makita ko ang pag-irap niya.

"Nasa bahay si Remuel," wika niya na nagpasinghap sa akin. Kaagad ko siyang hinampas sa braso. Inirapan niya ako pero hindi ko iyon pinansin.

"Papa mo pa rin 'yon, bigyan mo ng respeto kahit konti," bulyaw ko sa kaniya habang mariing nakakunot ang aking noo.

"Whatever," wika niya na mas lalong nagpakunot sa noo ko pero hindi ko na lamang pinatulan pa.

Sabay kaming naglakad papasok sa room, grade ten na kami at magkaklase pa rin. Simula grade five kasi ay magkaklase na kaming dalawa ni Rylie.

Naging magkaibigan kami simula nang lumipat kami ng bahay malapit sa bahay nila. Lagi kaming magkasabay umuwi at minsan pati pagpasok kapag napapaaga siya sa pag-alis sa bahay nila na bihira lang mangyari, tuwing nando'n lang naman kasi ang papa niya siya napapaaga sa pag-alis.

Kung tutuusin ay mas'werte pa rin siyang maituturing. Nakakakain ng tama araw-araw, may maayos at payapang tulugan at may tatay na minsanang umuuwi.

Unlike me, sira-sira ang bahay. Napipilitang 'wag kumain dahil hindi sapat ang pagkain na inuuwi ni mama para matugunan kaming lahat ng mga kapatid ko. Kung hindi lang sana namatay si papa ay hindi mangyayari 'to.

May naiwang pera naman si papa para sa amin pero ginamit ni mama lahat para magsugal. Naubos lahat at ang malala pa riyan ay umutang pa siya sa mga "kaibigan" niya.

Nabaon ang pamilya namin sa utang, kung wala akong scholarship siguradong hindi ako makakapag-aral.

Gutom at pagod ako lagi pag-uwi pero mas lalo akong napapagod sa aking inuuwian. Laging umaalis si mama, pinababayaan niya lang ang mga kapatid ko. Umuuwi lang siya sa bahay tuwing Biyernes para sunduin ako.

Minsan nga ayaw ko ng umuwi pero naiisip ko ang maiiwan kong mga kapatid. Paano si Elliot at Aella, ayokong maiwan sila kay mama.

Hindi ko alam kung bakit naging gano'n bigla si mama, masaya naman kami dati no'ng kasama pa namin si papa. Lagi niya kaming inaalagaan, ni ayaw niya kaming madapuan ng lamok pero ba't ganito na siya ngayon?

Siya mismo ang lumalapastangan sa akin. Alam kong may problema kami, pero bakit ito ang naisip niyang solusyon? Hindi niya na ba kami mahal? Paano niya nagawa sa akin ang bagay na 'to?

"Elle, mag-ayos ka na. Pupunta tayo mamaya sa pautangan." Hindi ko nagawang sumagot. Tinalikuran ko na lamang si mama at pumasok na sa nag-iisang k'warto sa bahay.

Pagkapasok ko sa k'warto ay napaupo na lamang ako sa sahig. Napapikit ako nang mariin at napaluha, ayokong gawin ang pinapagawa sa akin ni mama lalo na kung lalaki ang pinagkakautangan niya.

Kapag dinadala kasi ako ni mama kadalasan akong inuuwi ng mga taong pinagkakautangan niya. Minsan taga-linis ng buong bahay simula Biyernes hanggang Linggo pero kadalasan ay lalaki ang pinagkakautangan ni mama at hindi lang paglilinis ang ipinapagawa sa akin.

Gusto kong masuka dahil sa pandidiri tuwing naaalala ko ang lahat ng ginagawa sa akin ng mga lalaking pinagkakautangan ni mama, pero lamang sa akin ang awa para sa sarili.

"Elle! Bilisan mo na riyan at nagte-text na yung mga tauhan sa pautangan. Naku, malilintikan ka sa akin kapag ipinahiya ako ni boss do'n." Madali kong pinunasan ang mga luhang patuloy na umaagos sa mga mata ko.

Nang maayos ko na ang aking sarili ay lumabas na ako.

"Ma," marahang tawag ko kay mama habang naglalakad kami sa madilim na eskinita.

"Ano?" masungit na sagot nito habang abala sa pagpindot sa cellphone niya.

"S-Sino ang kukuha sa akin n-ngayon?" nauutal kong tanong kay mama. Saglit siyang natigilan bago ako sinagot.

"Yung matabang bakla, iyong dati mo ng pinaglinisan ng bahay," sagot ni mama habang abala pa rin sa pagpindot.

Napabuntong-hininga ako, mas okay na ito kaysa sa mapansamantalang mga lalaking lagi kong pinagsisilbihan.

Nang nakarating kami sa maingay na pautangan na pasugalan na rin ay kaagad akong hinigit ni mama paharap sa matabang bakla na sinasabi ni mama.

Mataray ako nitong tiningnan bago tinanguan si mama. "Ito na muna ulit Paige, alam mo na gipit talaga kasi ako. Wala pa akong perang ipambabayad," saad ni mama habang nakahawak pa rin sa balikat ko.

"Aba okay lang Pinang, pero sinasabi ko sa'yo. Kapag lumaki na itong si Elle welcome 'to sa club ko. Siguradong kikita 'to ng malaki," sabi ni mami Paige, iyon ang sinabi nito sa akin na itawag sa kaniya. Napantig ang tenga ko nang marinig iyon.

"Aba'y ipapasok ko talaga iyan Paige, nangangati na nga ang kamay ko sa pera," wika ni mama at nagtawanan sila.

Hinatid ako ni mama sa van na sinasakyan ni mami Paige pagkatapos nilang mag-usap.

Ako lang ang nasa loob ng van dahil sabi ni mama ay lumabas daw pati ang boyfriend ni mami Paige. Kung tutuusin ay mas okay iyon dahil ilang beses na rin akong pinagtangkaan nito.

Nanginginig ako dahil sa kaba at takot nang biglang bumukas ang pintuan ng van. Biglang pumasok ang busangot na mukha ni mami Paige habang inaalalayan siya ng hilaw niyang boyfriend.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkindat sa akin ng lalaki bago ito pumasok sa driver's seat.

"Kung minamalas nga naman, ubos ang dala kong pera. Punyeta kasi ng gurang na 'yon, kilala mo ba 'yon Gardo?" Hindi ko na lamang pinansin ang pinag-uusapan nila.

Tahimik akong nagmamasid sa labas ng bintana nang pukawin ni mami Paige ang atensyon ko.

"Elle, linisan mo nang maayos ang bahay. Marami akong bisita sa sunod na araw." Tipid lamang akong tumango.

"Maghahanda ako sa Linggo, ipagbabalot kita ng pagkain. Ibigay mo sa kapatid mo, 'wag mo na lang ipaalam sa mama mo," sabi nito sa akin.

Tipid akong ngumiti bago tumango.

"Iyang si Pinang napakawalang-k'wentang ina, may pera naman dahil kadalasang nananalo sa sugal pero ginagamit lang sa bisyo at lalaki. No'ng isang araw nadaanan ko iyong g'wapo mong kapatid na bata pa. Sira-sira na yung short pinagtatawanan tuloy ng mga kaklase, binigyan ko tuloy ng limang-daan ang sabi ko bumili kako siya ng shorts hindi ko lang alam kung bumili ba talaga," mahabang pagkik'wento ni mami Paige.

Hindi ko alam na napapaluha na pala ako, ilang beses akong nagpasalamat habang nasa biyahe kami.

PansamantalaOnde histórias criam vida. Descubra agora