Luanne

25 5 0
                                    

Tipid akong ngumiti habang nakatingin kay kuya Liam at sa asawa niyang si ate Sierra.

Hindi ako sang-ayon nito no'ng una, lalo pa't kasagsagan iyon ng pagkadurog ko.

Malapit na ang kasal ng kapatid ko pero bakit parang hindi ko magawang maging masaya para sa kaniya?

Alam kong walang kasalanan sa akin si ate Sierra pero sa tuwing napapatingin ako sa kaniya ay tanging si Ria lang ang naaalala ko.

Nagmumukha na nga akong kontrabida sa lovestory ni kuya eh.

Ilang beses na akong kinausap ni kuya tungkol dito, pero masisisi niya ba ako? Nasasaktan lang ako.

Hindi pa kasi ako buo. Alam kong may kulang pa rin sa akin na hindi pa naibabalik sa akin ni Ria at Jerson.

May kulang pa sa akin na hindi ko kayang hanapin, may kulang pa sa akin kaya hindi ko pa matanggap nang buo ang kuya ko at si ate Sierra.

Wala pa rin akong tiwala.

Sa tingin ko lahat kayang magloko. Ayokong masaktan ulit si kuya, hindi ko kayang makita siyang nahihirapan na naman.

Wala at ayaw kong hanapin dahil alam kong magiging masakit ang daan para makamtan ko ang bagay na iyon.

Hindi ko magawang pagkatiwalaan si ate Sierra, dahil lamang sa kapatid niya si Ria.

Kaya lang naisip ko, bakit ko sila hahadlangan?

Hindi si Ria si ate Sierra, magka-iba sila. Hindi rin niya magugustuhan si ate Sierra kung wala siyang magandang katangiang nakita rito.

Bakit ko sila hahadlangan kung p'wede ko namang suportahan?

At kung sakali mang masaktan si kuya, do'n lang ako lalapit. Sa ngayon, hahayaan ko muna siyang sumaya.

Hindi ito tungkol sa amin ni Ria, tungkol ito sa kasiyahan ni kuya.

All i need to do is to support my brother.

Deserve niyang sumaya, kaya bakit ko pa hahadalangan ngayong nahanap niya na ang permanenteng babae sa buhay niya?

Damdamin ni Luanne
Kapatid ni Liam.

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon