Chapter 1

25 1 0
                                    

Gazebo

     

      Kasalukuyan akong nag lalakad pa punta sa aming tambayang gazebo sabi kasi sa akin ni xav pumunta daw ako doon dahil may supresa sya akin. Hindi ko alam kung anong supresa ang sinasabi nya kasi wala akong matandaan na kaganapan ngayung araw. Malapit na ako sa may gazebo ng salubungin ako ni xav." Xav anong meron ngayun?" Nag tataka kong tanong sa kanya habang mag kaharap kaming dalawa." Eliiiiiii... Napakaka limutin mo talaga naging busy lang tayo sa exam naka limutan mo na agad " tumatawang tugon nya sa aking tanong. Naguguluhan na ako dito Kay xav. Oo nga't naging abala lang kami sa exam week namin pero alam ko naman na wala akong nakakalimutan. Napatigil ako sa aking pag iisip ng may biglang tumakip sa aking mga mata." Xav ano ba kasing meron bakit mo ba tinatakpan ang mata ko huh! Pag talaga ako nadapa babatukan kita. Hindi ako nag bibiro Jacob huh!." Naasar kong sabi sa aking kababata na hanggang ngayun ay tumatawa pa din habang inaalalayan akong mag lakad patungo sa gazebo." Chill Eli masyado mo naman akong mahal nyan para batukan.. Tska Helloooo ikaw idadapa ko.. Siguro sa tamang panahon pero ngayun.. Hindi muna syempre. At kung tinatanong mo Eli kung anong meron ngayun malalaman mo pag pasok natin sa gazebo. " mahabang litanya sa akin ni xav. Ramdam kong tumigil na kami siguro'y naka rating na kami sa gazebo rinig kong nag salita si xav sa may tenga ko" Ready Eliiii... 1....2...3" naka rinig ako ng pag sabog ng confetti at pag sigaw hila ng HAPPY 16th BIRTHDAY CLOEEEE.  Doon ko lang napag tantong kaarawan ko nga pala. Pero bakit hindi ko naalala na ngayun nga pala ang kaarawan ko. Ngayun Feb. 24


         Namamangha kong inilibot ang aking mga mata. Hindi ko alam na may ganitong pag hahanda silang ginawa kasi sa totoo lang hindi ko sila nakikitang nagiging abala. Pero bakit.. Bakit may napaka gandang ganito ngayun. " Mama, Papa hindi nyo po naka limutan?" Namamangha kong tanong sa kanila" Bakit naman namin makakalimutan anak eiii lagi na nga lang kaming ina update nito si Jacob" natatawang turan ni mama habang tinuturo si xav. " Ikawwww.. Kahit minsan talaga hindi ka nakakalimot ano !!" Naniningkit kong sabi sa natatawang si xav sa gilid ko." Masyado ka lang talagang occupied ng mga naka raang araw kaya hindi mo na namalayan na kaarawan mo na ngayun. So happy birthday Elii" tumatawang sabi ni xav habang niyayakap ako. Naka rinig kami ng pag tikhimm Kay papa kaya binitawan na din ako ni xav. "Tayo ng kumain baka kung saan pa umabot iyan... " maka hulugang turan ni papa kung kanino sa mga kasama namin sa gazebo. Sa halip na sumagot ayy nag si tawanan na lang kaming lahattt maliban kay papa na ngayun ay naiiling na sa amin.




          Naka upo na kami ngayun ni xav sa sofa. Habang ang matatanda ay nag pasyang mangisda muna sa malapit na ilog dito sa gazebo. " Xav maraming salamat." Masaya kong pasasalamat kay xav na ngayun ay naka hilig na ang likod sa sofa. " Walang anuman aking Eli, basta para sayo at sa makaka pag  pasayo lagi kang welcome " naka ngiti niyang sagot sa akin habang mag ka titigan kami. Halip na sumagot ay ngumiti na lang din ako sa kanya at sumandal sa sofa.





             Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayun. Kasi napaka saya sa pakiramdam na kasama ko lahat ngayun lalo na ang kababata ko. Sa totoo  lang napaka swerte ko sa kanya kasi lahat ng bagay namakakapag pasaya sa akin alam niya. Alam niya kung ano yung maliliit na bagay na makaka pag pasaya sa akin. Siguro kung hindi ko nakilala si xav siguro iba yung pakiramdam ko siguro hindi ganitong kasiyahan ang nararamdaman ko ngayun sa buhay ko.






          Napa balik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang pag mamaktol ni xav. " Ano ba naman yan Eliii.. Nasa outer space ka na naman.. Ano ba kasi yang iniisip mo huh! Kanina pa akong imik ng imik dito hindi ka naman pala nakikinig hayssss" naasar nyang sabi sa akin na naka kunot ang nuo. " Sorry naman.. Ikaw naman grabe ka naman sa maka outer space..  Ano ba kasing sina sabi mo ?" Tanong ko sa kanya na medyo na aasar dahil sa pag sasabi niyang na sa outer space daw ako.
" Ang sabi ko kasi bakit hindi mo na lang buksan yung regalo na binigay ko sayo.. Kanina pa kitang kinakausap na buksan mo kaso na sa outer space ka kanina" sagot nya sa akin na may kasama na namang outer space. Napa buntong hininga na lamang ako habang inaabot ang box na regalo nya sa akin. Habang binubuksan ko ito hindi ko maiwasang mamangha sa necklace na hawak ko ngayun. It's a necklace with moon shaped pendant, alam talaga ni xav na mahilig ako sa mga bagay na may kinalaman sa moon. Hindi ko napigilan ang sarili kong mag titili at yumakap kay xav ng makita akong necklace. " xavvvvv... Thank you, thank you talagaaa. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya sa araw na ito. Salamatttt talagaaaaa." Nag titili kong sabi habang tinitingnan ko pa din ang necklace na binigay nya sa akin. " Amina Eli..  Ako na ang mag kakabit sa leeg mo" naka ngiti niyang sabi sa akin. Dahan dahan akong tumango sa kanya habang binibigay sa kanya ang necklace. Hindi ko mapigilan ang sarili kong kamay na damhin ang malamig na bagay na nasa aking leeg tanging ang  ganda na lamang ang aking nasabi sa aking isipan. Unti unti akong iniharap ni xav sa kanya" Your so beautiful Eli." Naka ngiti niyang turan sa akin habang hawak pa din ang aking mag kabilang balikat. " Salamatttt xav." Naka ngiti at masaya kong sagot sa kanya.





My hidden loveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang