Chapter 23

6 0 0
                                    

Pag suyo


        After that day, lagi na syang nasa kompanya pag hindi sa kompanya sa bahay na talaga namin. Pero kahit ni isang pag a attempt nya hindi ko sya pinag bigyan. Dahil tapos na ang laban ko tapos na ang pag papanggap ko. Tapos na pag hihiganti ko dahil ako lang din naman pala ang pa ulit ulit na masasaktan. Ako pa rin sa huli ang luluha sa isang tabi.


       Masakit yung ginawa nya sa akin pero kahit nasaktan na ako. At gustohin ko man syang saktan ng katulad ng sakit na naramdaman ko hindi ko magawa. Dahil ang sakit sa dibdib na makita syang nasasaktan. Ayus na nga siguro na ako yung masaktan ng pa ulit ulit kesa sya.


       Hindi talaga natin alam kung kailan tayo masasaktan at magiging masaya. Dahil pilitin man nating itago ang ating nararamdaman. Hindi mag tatagal ay lalabas at lalabas din ang ating tinatagong lihim. Maybe it's about time for me to stop my revenge. Dahil alam naman na nya ei, nasabi ko na ang lahat lahat at kung maari ayoko ng makasakit pa ng iba.


      I'm not a perfect person, because to tell you honestly walang taong ipinanganak na perpekto lahat tayo nag kakamali. Lahat tayo nakaka sakit ng tao hindi lang natin namamalayan dahil bulag tayong makita ang katotohan. Na tatakot tayong makita natin ang mga ginawa nating pag kakamali sa ating kapwa.


       Kaya suko na ako dahil pagod na pagod na akong maka panakit ng ibang tao. Pagod na akong mag panggap na matapang ako kahit na yung kalooban ko na mismo ang sumusuko sa sarili ko.


     Sarili ko naman ngayun ang uunahin ko. Sarili ko naman ang pasasayahin ko.  Dahil sawang sawa na akong lumuha ng dahil sa sakit. It's about time for me too cry not because of pain but because of happiness.


            Napa tigil ako sa pag aayus ng aking sarili ng mag bukas ang pinto ng kwarto ko." Oh mama bakit po?" Tanong ko kay mama ng maka pasok sa kwarto ko." Anak may nag papa bigay sayo oh.." Sagot sa akin ni mama.. Napa kunot ako ng noo dahil sa sinabi ni mama dahil sa pag kakatanda ko walang ng liligaw sa akin." Kanino daw ma galing?" Tanong ko na may kasamang pag tataka." Walang naka lagay ei. Iiwan ko na lang dito sa kama mo huh!" Sagot sa akin ni mama na Tina nguan ko na lang.


        Kinuha ko ang isang bungkos na bulaklak na iniwan ni mama sa kama ko. Naguguluhan man ako kinuha ko pa din ito at hinanap kung meron bang message na kasama. Tiningnan ko lahat ng parte ng bulaklak ng may makita akong maliit na card na naka suksok sa mga bulaklak.

" I will do everything just to win you back my love...

                            From: Your hidden love "

      

      Naguguluhan pa din ako kung sino yung hidden love kuno na yun. Dahil sa pag kaka alam ko kay Jacob lang naman ako may tinatagong pag mamahal. Oh my God hindi nya naman alam na may hidden love ako sa kanya hindi ba? Hindi ba?.. Mabilis kong ipinilig ang aking ulo dahil sa aking iniisip.


                       
           Papasok na ako sa aking opisina ng harangin ako ng aking sikretarya.
" Ma'am ano po kasi yung office nyo po.. Ano ei puno po ng mga bulaklak.." Nag aalinlangang tugon nya sa akin." Huh! Bulaklak madami...?" Naguguluhan kong tanong sa kanya na tina nguan lang ako. Bumuntong hininga ako bago ako ulit ako nag umpisang mag lakad pa tungo sa aking opisina.



           Nagulat ako sa dami ng bulaklak na nasa office ko hindi ko alam kung mag tatayo ba ako ng flower Shop sa dami ng bulaklak na nandito. Umiiling iling ako ng maka lapit na ako sa aking table. Huminga muna ako ng malalim bago ko inisa isa ang mga bulaklak na nandito. Nag umpisa ako sa pinaka dulong parte ng aking opisina.
"Have a great day Miss. Ashteer..." Napapantastikuhan ako sa nag padala nito. Dahil talagang may pa Miss. Ashteer pa syang nalalaman ah. Wala na akong nakuhang mga card sa iba pang mga bulaklak.  Pero may nakita akong isang tangkay ng tulips sa ibabaw ng mesa ko. Ang paborito kong bulaklak na iilang tao lang ang nakaka alam. "Alam kong ako ang madaming pag kakamali sa ating dalawa. Kaya handa akong pagbayadan ang lahat ng iyon. Handa akong lumuhod sayong harapan para mapatawad mo lang ako. Gagawin ko ang lahat maibalik ko lang ang dating Eli ko. Gagawin ko ang lahat para makita ko ulit ang matatamis mong mga ngiti mahal ko." Hindi ako maka paniwala sa nabasa ko mula sa tangkay ng tulips na ito. Hindi ko alam pero na iiyak ako, hindi dahil sa sakit kundi sa saya. Hindi ko alam na unti unti na palang nang lalambot ang mga tuhod ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na padaskol na napa upo sa aking upuan.



             "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo sa akin xav huh!" Bulong kong sabi sa kawalan. Inayos ko ang sarili ko ng may kumatok sa pinto ng office ko." Pasokkkk!!" Sigaw ko mula sa loob.." Ma'am may nag hahanap po sa inyo.. Nasa baba na po sya ngayun ma'am.. " pag papa alam sa akin ng aking sikretarya na tinanguan ko lang.
"Sige paki sabi na baba na ako after 3 minutes.." Sagot ko sa kanya habang inilalagay ng maayos ang bag ko sa ibabaw ng lamesa.











       Bumababa na ako ng mapa tigil ako sa pag baba hindi ko ina asahan na sya pala ang kaka usapin ko. Nang makita nya ako na pababa sa hagdan unti unti syang lumuluhod sa sahig. Hindi ko alam pero unti unting nag luluha ang gilid ng mga mata ko. Lumapit na ako sa Jacob na naka luhod na ngayun sa sahig alam kong madami ng nakaka kita sa amin." Anong ginagawa mo rito huh?" Tanong ko sa kanya ng maka lapit ako.
"Hindi ako aalis sa pag kaka luhod ko hanggat hindi mo ako napapatawad sa lahat ng nagawa ko. Oo ako ang may gawa ng lahat. Ako yung humiling na sana hindi na lang tayo nag ka kilala. Alam kong ako din ang humiling na sana wag na tayong mag kita pang muli. Pero lahat ng iyon pinag sisi sihan ko, dahil wala ako dyan sa tabi mo ng mga panahon na kailangan mo ako. Hindi ko alam ang mga sakit na pinag daanan mo noon. Kaya andito ako para e tama ang mga pag kakamali ko dahil sa totoo lang Elijah iba ang buhay ko ng nandito ka. Iba ako ng mga panahon na nasa piling kita. Maniwala ka man sa hindi mahal ko.. Wala ako kung wala ka sa tabi ko.. Ikaw ang mundo ko Eli.. Kaya nag kamali ako na binitawan kita.. Mali ako ng saktan kita... Mali ako noong sinabi ko ang mga bagay na naka sakit sayo... Kaya mahal ko patawad sa mga pag kakamali ko.. Patawad sa mga nagawa ko.. Mahal ko nag mamaka awa ako sa'yo... Please bumalik ka na sa akin.. Bumalik ka na sa buhay ko please.. Pangako hindi na kita sasaktan.. Pangako ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay.. Pleaseee mahal ko... Ngayun ko ipapakita sayo ang HIDDEN LOVE ko na matagal ko ng tinatago sa'yo.. Kung dati takot pa ako at torpe.. Ngayun hinding hindi ko na itatago sa'yo at sa lahat dahil wala akong paki alam sa sasabihin nila.. Dahil hindi sila ikaw.. Hindi sila ang mahal ko... Kaya please mahal ko bumalik ka na sa piling ko.." Mahaba nyang turan sa akin hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Dahil kusa na silang lumabas at nag landas sa aking mga pisngi." Ja-c-o-b..." Umiiyak kong tawag sa pangalan nya." Mahal ko.." Tugon nya sa akin na lalong nag pa iyak sa akin.




        

        Natag puan ko na lang ang mga sarili naming mahigpit na naka yakap sa isa't isa. Siguro ito na nga ang sayang gusto ko yung malapit lang sa kanya. Yung malapit lang ako sa taong matagal ko ng gusto.







         
     Ito na siguro ang tamang panahon para maging at peace ako. Hindi yung magulo, hindi yung maingay. Yung at peace na calm ang puso't isip ko.

My hidden loveWhere stories live. Discover now