Chapter 25

11 0 0
                                    

Years have past










      Lumipas ang mga taon hindi nya ako iniwan. Lumipas ang mga taon hindi nya pinaramdam na may kulang. Lumipas ang mga taon na lagi syang one call away sa akin. Mahirap masanay na ganun sya pero wala akong magawa dahil bawat araw na hindi ko sya kasama pakiramdam ko kulang ang mundo ko. Kulang ako kung wala sya sa piling ko.





       Kung sana kami na talaga hanggang dulo ang saya. Ang saya saya ng buhay ko kasama sya. Pero mahirap umasa na kami na talaga dahil hindi ko alam kung ako lang nga ba ang mahal nya.





       Madali lang kasing mag sabi ng mahal kita. Kaso hindi ko alam kung tunay ba ang lahat ng pina pa kita nya.





         Bumibyahe ako ngayun pa punta sa resort sa Batangas. Dahil ang magaling kong mga kaibigan biglaan na lamang kung mag abiso na kailangang kailangan ko kuno na nandun. Ni hindi ko nga alam kong saang resort doon.





     Si mama hindi ko alam kung nasaan sya dahil ang sabi sa akin ni manang umalis daw kaso hindi sinabi kung saan pupunta. Na pa pahinga na lang ako ng malalim dahil sa pag alis ni mama.




         Hindi talaga ako kombinsido sa pag aaya ng mga kaibigan ko. Dahil sino ba namang matinong kaibigan ang pa ba byahihen ako mula Manila hanggang Batangas.




        Malapit na ako sa Batangas anong oras na ngayun mag a alas tres na ng madaling araw tapos heto ako at bumibyahe ng walang awa haysssssttt..
Tinext ko na ang mga baliw kong kaibigan at ang sagot lang naman nila sa akin ay ang resort na paborito ng aking ama. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang trip nila. Mamaya talaga pag dating ko doon tutulog ako ng bonggang bongga bahala sila.




       Ipinasok ko na ang sasakyan ko sa parking area na meron sila. At hindi ko talaga mapigilan ang mapainat at antokin dahil sa sobrang pagod sa pag byahe. Dahil biruin mo walong oras at kalahati akong nag da drive.





      Ito ang gusto ko dito sa Batangas yung malamig at payapang pakiramdam no wonder kung bakit nagustohan ito ni papa. Nakikita ko na ang dagat mula dito sa kina tatayuan ko. At masasabi kong napaka payapa ng pag hampas ng alon sa sea shoreline ng dagat. It's very relaxing na makita mo lang yung dagat na ganito ka ganda habang tuma tama ang liwanag ng buwan sa tubig dagat.





      Nagulat ako ng may lumapit sa akin na mga staff ng resort." Ma'am we will assist you.."
"Ako po?" Tanong ko sakanila na tinanguan lang ako at nginitian. Sinusundan ko lang sila sa pag lalakad at hindi ko itatago na nilalamig na talaga ako sa bawat pag hampas ng hangin sa aking katawan." Ma'am nandito na po tayo.." Turan sa akin ng isang staff. "Hala bakit po dito?.. Mga ate nag kakamali po ata kayo ng pinag dalhan sa akin.." Na iiling kong sagot sa kanila na ginantihan lang nila ng ngiti. Ano kaya yun.. Nag kakamali lang siguro sina ate ng pinag dalhan sa akin.





      Kinuha ko ang aking cellphone at mag te text na sana ako sa aking mga kaibigan ng may umilaw sa aking paligid. Hindi ako maka paniwala dahil sa sobrang ganda ng naka palibot sa akin. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at napako ang aking mga mata sa mga kaibigan kong naka hilera at ang mama ko kasama si kuya.. Hindi ko alam kung ano ang nang yayari sa paligid ko.. Tumingin ako sa mga kaibigan ko na may nag tatanong na mata.



    Naramdaman kong may presensya sa aking likodan at ng tumingin ako. Isang naka ngiting Jacob xav Aguilar ang bumungad sa akin. Hindi ako makapag salita dahil unti unti syang lumuluhod sa harapan ko. Patatayuin ko sana sya ng may inilabas syang box.




        "X-a-v..." Na uutal kong tawag sa pangalan nya. Tumingin pa ako kina mama at sa mga kaibigan ko na ka lapit nasa aming dalawa ni Jacob. "Alam kong natagalan ako sa gagawin kong ito. Alam kong mahirap paniwalaan na mahal kita pero yun ang totoo mahal ko mahal na mahal kita kahit anong mangyari. So ito ako ngayun nasa harapan mo at lumuluhod para ipakita sayo na tunay ang pag mamahal ko sa'yo aking mahal......... So now.... Will you marry me?...." Mahaba nyang turan sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko dahil sa totoo lang halo halo na... Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak sa tuwa.." Will you marry me mahal ko?..." Muli nyang tanong sa akin.. Lumuhod na din ako sa buhanginan at yumakap sa kanya ng napaka higpit bago sumagot sa kanya.
"Yesss I will marry you... Mahal ko....." Narinig kong malakas na nag yes si Jacob bago nya ako niyakap ng mahigpit at hinagkan ng pa ulit ulit sa buhok.




     Binuhat nya ako ng may mga ngiti sa mukha bago humarap kina mama.
"Salamat po tita dahil pumayag kayong hingin ko ang kamay ng inyong anak. Bro.. Salamat sa pag dating... Sa inyo din jai, kath.." Hingi nya ng pasasalamat sa lahat ng naduon." Walang problema pre basta pag umiyak ang baby ko ng dahil sa sakit.. Wag mong asahan na hindi ko sya kukunin sa'yo tandaan mo yan.." Matapang na sagot ni kuya na tinanguan lang naman ni xav ng pa ulit ulit.





      Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Hindi ko akalain na sa akin nya gustong matali habang buhay. Akala ko hindi totoo pag mamahal nya pero nagkamali ako dahil sa lahat ng mga pang aasar at pang loloko nya sa akin itong pag mamahal nya talaga ang totoo sa lahat lahat. Worth it ang pag titiis ko, worth it ang pag hihirap ko, worth it lahat ng sakit na naramdaman ko, lahat lahat worth it ng dahil sa mahal ko.




        Kina usap ko na sina mama at kuya kanina at sabi nya sabay daw sila ni mama nag punta dito. Dahil pag dating daw ni kuya sa airport sinundo daw nya si mama sa bahay na hindi na nag pa alam kay manang. At ang mga baliw kong kaibigan ayun kilig na kilig ng makita ang diamond ring na binigay sa akin ni Jacob. Hindi man lang humingi ng sorry sa akin dahil pina byahe nya ako ng napaka layo jusko.




            At ito kami ngayun naka upo sa dalampasigan. Naka patong ang aking ulo sa kanyang balikat habang hawak nya ang aking kamay na pinag lalaruan ang sing sing na nasa pala singsingan.
"Pangarap ko lang ito dati ng mga bata pa tayo.... Pero ngayun hindi ako maka paniwala na lahat pala talaga possible sa mundong ito... Hindi ko akalain na yung hidden love ko sayo ay ma ilalabas ko ng ganito... Hindi mo lang alam mahal ko kung gaano mo ako napasaya ngayun... Pangako walang sinuman ang makaka hadlang sa atin... Pangako ikaw lamang ang aking mamahalin hanggang dulo lagi mo yang tatandaan mahal ko.." Mahaba nyang turan sa akin na ngayun ako ay kanyang niyayakap habang nakagilid sa kanya." Alam kong matagal munang gustong marinig ang tawagin kitang mahal ko.... Kaya Pasensya ka na kung natagalan ang pag tawag ko sa'yo noon... Pero lagi mong tatandaan mahal ko na kahit anong mangyari worth it lahat ng hirap na pinag daanan ko noon. Worth it yung ginawa mo sa akin noon. Because look at us, matatag at natuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa. Natuto tayong e express ang mga nararamdaman natin sa isa't isa.. At ngayun ko masasabi mahal ko na sa tagal tagal kong tinatago sa'yo ang pag mamahal ko. Ngayun nya ako binigyan ng pagkakataon na ipakita at ilabas itong nararamdaman ko....... At ikaw mahal ko ang matagal ko ng HIDDEN LOVE..." Naka ngiti kong sagot sa kanya bago ako mahigpit na yumakap sa kanya...





          

       Hindi ako nag kamali na tinago ko ang aking pag mamahal sa kanya. Dahil sa lahat ng tinago namin sa isa't isa noon ito talaga ang pinaka matatag ang puso naming iisa ang isinisigaw... Sinubok at pinag hiwalay man kami ng tadhana pero ito pa rin kaming dalawa mag kasama at masaya sa piling ng isa't isa dahil sa aming....... HIDDEN LOVE...











       We try to hide our feelings, but we forget that our eyes can speak...

My hidden loveWhere stories live. Discover now