Chapter 21

5 0 0
                                    

Office




      Nasa office ako ngayun since Monday araw ng pag ta trabaho. Masaya sa pakiramdam na nag ta trabaho ka na at hindi nag aaral. Dahil ngayun na nag ta trabaho na ako magagawa ko na ang mga bagay na gusto kong gawin. Makakapag ipon na ako ng pera na masasabi kong katas ng aking pag hihirap.




      Si kuya ngayun ang alis nya sa bansa para ma e managed nya ang mga branches na meron kami doon. Hindi na sya nag pa hatid sa amin ni mama dahil kaya naman na daw nya ang sarili nya at tsaka andun naman na daw ang secretary nya na susundo sa kanya sa airport.



       Nag babasa ako ng mga files na nasa ibabaw ng lamesa ko ng may kumatok sa pinto." Pasokkk!!" Sigaw ko mula sa loob at ng tumingin ako dito nakita kong pumasok ang secretary ko.
" Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya ng maka lapit sya sa harap ng lamesa ko." Ma'am may lalaki po kasi sa labas gusto daw po kayo maka usap papa pasukin ko po ba?" Sagot sa akin ng aking secretarya ibina baba ko ang aking files na binabasa at humarap ako sa kanya." Sabihin mo sa lalaking gustong makipag usap sa akin. Ay mag file sya ng appointment dahil mahal ang oras ko. At hindi ko sasayangin ang oras ko kung hindi yan tungkol sa trabaho.." Mahaba kong sagot sa aking secretary na tina nguan lang ako at tumungo bago lumabas sa aking office. Ipinag patuloy ko ang aking ginagawa ngunit hindi pa ako nakaka tagal sa pag babasa ng mga files ay tumunog ang telepono ko na naka patong sa lamesa." Miss. Ashteer speaking...  Whose this?" Sagot ko sa kabilang linya habang pa tuloy na nag babasa ng files sa lamesa.  Naka kailang minuto na akong nag iintay ng sagot sa kabilang linya ngunit wala man lang sumasagot." Kung sino ka mang caller ka. Please lang kung wala kang sasabihin wag ka ng tumawag sina sayang mo lang ang oras ko!" Mataray kong sagot sa kabilang linya bago ko ito pinatayan.




     
     Sumasakit ang ulo ko dahil sa mga nababasa kong laman ng report paper na nasa lamesa ko. Tumayo ako sa pag ka kaupo sa aking civil chair. At dinampot ko ang lahat ng report na binasa ko kanina bago matuwid na nag lakad palabas ng aking opisina. Pag baba ko dumiretso Ako sa department kung saan naka base ang report. "Sinong gumawa ng report nyo?" Tanong ko kaagad ng maka lapit ako sa cubicle nila." A-k-o po miss. Ashteer.. " na uutal na sagot sa akin ng isang impleyado ko." Na basa ko na ang laman ng report nyo. Pero maari bang e  re type mo nilagyan ko na ng marka ang parte na hindi mo na isasali sa pag re re type." Request na sagot ko sa kanya na mabilis naman nyang  tinanguan at kinuha mula sa kamay ko ang report na e re re type nya. Kita kong tumungo pa silang lahat ng maka talikod na ako sa kanila.





     Hapon na ako natapos sa mga ginagawa ko ng tingnan ko ang oras mag a ala sais na pala ng gabi. Niligpit ko na ang mga files na nasa lamesa ko at kinuha ko na ang aking handy bag bago ako lumabas ng office. Pansin ko na ako at ang secretary ko na lang ang natira kaya sinabi ko na sa kanya na mag ayus na din sya ng mga gamit at umuwi na na tinanguan lang ako at nginitian kaya gumanti ako ng ngiti sa kanya. Hina hanap ko ang susi sa bag ko  ng may humawak sa braso ko." TAO kAAAAA!! Ano ba naman aatakihin ako sayo sa puso ei." Pagalit kong sigaw sa humawak sa siko ko." Can we talk kahit ngayun lang.." Pag mamaka awa nya sa akin." Pagod na ako Mister unknown kaya please lang tantanan mo na ako. Ilang beses mo na yang sinabi sa akin na mag usap tayo pero wala naman tayong pag uusapan dahil hindi naman kita kilala. So please stop bothering me hindi na nakaka tuwa ang ginagawa mo Mister unknown please lang." Sagot ko sa kanya habang mahigpit na naka hawak ang kamay ko sa handling ng bag. Tumalikod na ako sa kanya at nag lakad na ako papalapit sa aking sasakyan.







      Huminga ako ng malalim ng maka pasok na ako sa aking sasakyan. Nang hihina kong binitawan ang bukasan ng pinto. Laking pasasalamat ko na lang na tainted ang salamin ng aking sasakyan. Ang hirap mag panggap na hindi mo sya kilala pero wala akong choice. Nasaktan nya ako tinalikuran nya ako sya yung humiling na sana hindi na lang kami nag ka kilala kaya yun ang ginagawa ko. Dahil sa simula pa lang sya na ang nag sabi na sana hindi na lang kami nag ka kilala...





     

    Hindi na ako tumigil pa ng matagal dahil binuhay ko na din ang makina ng aking sasakyan at umalis na company. Lutang ako habang nag da drive hindi ko na alam kung ano pang gagawin kong pag papanggap sa kanya. Hindi ko na alam dahil ang sakit sakit na dito sa dibdib. Ang sakit sakit na pero wala akong magawa kundi ang talikuran sya.





    Nang maka rating ako sa loob ng bahay na abutan ko si mama na nag hahayin ng kakainin namin ngayung hapunan." Good evening mama." Bati ko kay mama ng maka lapit ako sa kanya." How's your day?" Tanong nya sa akin napa irap ako sa hangin dahil sa naging tanong sa akin ni mama.
" Stressing mama sobra dumagdag pa yang lecheng kapit bahay na yan.." Sagot ko kay mama habang sumasalampak ako sa pag upo sa isang upuan sa hapagkainan." Kapit bahay?? Sino sina Jacob ba??" Tanong sa akin ni mama na sinagutan ko lang ng madaming pag iling.





       Kumakain na kami ng haponan ng mag salita si mama." Anak may problema ba kayo ni Jacob?" Nasamid ako sa tanong ni mama sa akin." Si mama nag papatawa talaga.. Wala po kaming problema no!" Mabilis kong iling sa kanya." Kung ganun naman pala bakit hindi mo sya kina kausap bakit nag pi pretend ka pa na hindi mo sya kilala. Narinig ko ang usapan nyo noong isang araw anak.. Kaya wag ka ng mag tago kay mama what is it?..." Mahabang litanya sa akin ni mama habang sumisimsim sa juice na kanyang inumin. Huminga ako ng malalim bago ako nag salita sa kanya.
"Noong araw bago tayo umalis ng bansa, pumunta ako kina Jacob para mag pa alam ng maayos. Pero hindi sya nakinig sa akin at sinabi pa nyang sana hindi na lang kami nag ka kilala. Sinabi nya din na ayaw na nya akong makita. So I will return the favor ako naman ang gagawa ng mga bagay na hiniling nya. Ako naman ang mag pi pretend na hindi sya kilala kahit masakit dito mama.." Mapait kung pag ku kwento kay mama habang itinuturo ko ang aking dibdib kung na saan ang aking puso.





      Masakit balikan ang mga bagay na ginawa nya sa akin. Pero pa ulit ulit lang itong mang yayari kong hindi ko ipapa alam kay mama ang totoo naming  sitwasyon.

My hidden loveWhere stories live. Discover now