Chapter 12

4 0 0
                                    

Video





     Pag ka gising ko ng umaga tinawagan  ulit ako ng dalawa. Since naka graduate na kami bakasyon na ngayun namin. Pero ako mas pinili ko na lang mag enroll at pumasok ng mas maaga sa college. Para hindi ko maisip ang mga problema na meron kami ngayun.





     Na sabi ko na kay kuya ang balak ko pumayag naman sya dahil ako naman daw ang mag aaral. Yung college school na pinapasukan ko ngayung bakasyon nag offer sila kong house schooling ba o papasok ng face to face. Pinili ko na lang pumasok ng home schooling para mabantayan ko si papa ng maayos. Dahil kung maaari ayoko ng umalis sa tabi nya.





      Nag aayus ako ng bag na dadalhin ko sa pag dalaw ko kay papa. Ng kumatok sa aking pintuan si kuya," Pasokkk!!" Sigaw ko mula sa loob ng kwarto." Loe nakita mo na ba ang video na to?" Tanong sa akin ni kuya, kumonot ang noo ko sa sinasabing video nito." Anong video kuya ang sinasabi mo!?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Inabot nya sa akin ang kanyang cellphone at doon ko nakita ang video ko noong graduation ko na iyak ako ng iyak sa kwarto ni papa habang pilit ko syang ginigising. Walang buhay ko ibinalik kay kuya ang cellphone nya at dinampot ko na ang bag ko para sa pag alis ng bahay. Hindi pa ako nakaka labas ng pinto ng mag salita si kuya." Tinatawagan ka daw ni Jacob pero hindi mo sinasagot, nakaka ilang tawag na sya sa akin pero sa tuwing darating ako dito sa kwarto mo lagi ka na lang umiiyak at lagi mo ding ni la lock ang pinto loe may problema ba kayo ni Jacob?" Tanong sa akin ni kuya, hindi ko sinagot ang tanong nya at sa halip umalis na lang ako ng tuloyan sa kwarto ko at dire diretso akong lumabas ng bahay at pumara ng taxi pa punta sa hospital.






    Naka rating ako sa hospital ng matiwasay, buti at hindi ako pinigilan ni kuya sa pag-alis ko kanina. Nag lalakad ako papasok sa hospital ng mapansin kong panay ang tingin nila sa akin.  Tiningnan ko ang suot kong damit maayos naman ang suot ko, pero tingin pa din sila ng tingin sa akin. Naiiling na lang akong nag pa tuloy sa pag lalakad at hindi na lang pinansin ang pag tingin nila sa akin.





   Nang maka rating ako sa kwarto ni papa ay humugot muna ako ng malalim na pag hinga. Nang maka pasok ako nakita ko si mama na hawak ang cellphone nya, alam ko na sa pag yugyog pa lang ng balikat ni mama alam ko na na yung nakuhanang video ko ang pina pa nuod niya dahil rinig ko ang sarili kong boses na tinatawag ang buong pangalan ni papa. So kalat pala talaga yung video na yun, no wonder kung bakit naka abot sa kanya. Pero wala akong paki alam sa kanya mas mahalaga ang buhay ng papa ko rito.






     Lumapit ako kay mama at sinabi kong ako muna ang mag babantay kay papa hanggang mamayang gabi. Hindi na man na tumutol si mama at sa halip ay hinalikan nya muna ako sa aking noo bago umalis at lumabas sa kwarto ni papa. Na upo ako sa upoan na malapit kay papa, at wala sa sarili kong pinaka titigan si papa. Alam kong nahihirapan na sya, alam kong gusto nya pang lumaban sa sakit nya, pero kahit ako na nag sabi na wag susuko. Nasasaktan na ako at na wawalan na ako ng pag asa kapag nakikita ko syang nahihirapan ng ganito.






         Pinupunasan ko si papa ng basang bimpo, pinuputolan ko din sya ng kuko sa kamay at paa, sinusuklayan ko din sya, at pinupolbohan. Ng matapos kong gawin ito napa ngiti na lang ako sa sarili kong ginawa. Wala sa sarili kong kinuha ang kamay ni papa at inilagay ko sa aking mga labi habang ako ay naluha.
Lumuluha na naman ako hindi ko na alam kung kailan pa ito ma tatapos.





      Pa ulit ulit akong nag dadasal at humihingi ng tulong sa kanya na pagalingin na nya ang papa ko. Pero sa bawat pag dadasal ko ni isa wala syang pinakinggan. Napapagod na ako sa kakatawag sa kanyang pangalan pero sya na lang ang malalapitan ko sya na lang ang maaasahan ko. Sisihin ko man sya ng pa ulit ulit sya lang talaga ang may kakayahang pagalingin ang ama ko.






      Nag punta ako sa chapel ng hospital na  ito. Nag dasal at nag sumamo na sana, sana bawiin na niya ang karamdamang meron ang aking ama. Nag dadasal ako ng pa ulit ulit na sana wag nya kaming pahirapan ng ganito, na sana wag nyang saktan ng ganito ang papa ko. Nag dadasal ako na sana pag balik ko gising na ang papa ko mula sa pag ka ka comma.






   Lumabas ako ng chapel na na iyak na naman. Nakaka ilang hakbang palang ako pag ka labas ko ng chapel ng tumonog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ito tumatawag sa akin si kath," Hello, bakit ka napatawag?" Sagot  at tanong ko sa kanya pag ka sagot ko sa tawag nya." Beshhyywupp galit na galit si Jacob dito. Ang dami na nyang naka awayyy!! Ang sama samaa na talagaa nyaa pati mga walang laban sa kanyaa pinapatulan na nya kahit walang ginagawa sa kanya!! Ilang beses na din syang na detention office pero hindi pa din nadadala!!." Sagot nya sa aking, huminga ako ng malalim bago sumagot sa kanyang." I have nothing to do with him kath. Alam mo yun at kung gusto nyang sirain ang buhay nya wala akong paki alam doon. And please kath wag mo na akong tawagan kung sya lang din naman ang usapan, wala na akong paki alam sa kanya. May sarili na kaming buhay at wala na akong paki alam pa sa kanya." Mahaba kong sagot sa kanya, hindi ko na inintay na sumagot sya dahil pinatay ko ang tawag at deri diretso akong nag lakad pa pasok sa kwarto ni papa.






   Kung sisirain nya ang buhay nya, I have nothing to do with that. Buhay nya naman yun at wala na akong paki alam pa sa kanya. Kaya siguro pa ulit ulit syang tumatawag sa akin ay dahil nakita nya yung video ko pero sorry sya dahil naka block sya lahat sa akin at kung sino man ang nag pa kita sa kanya ng video na paka galing nya!.

My hidden loveWhere stories live. Discover now