Chapter 2

13 1 0
                                    

Pala-Isipan


                 Tapos na ang aming ikatlong klase para sa araw na ito. At kasalukuyan kaming nag lalakad sa isang pasilyo pa punta sa canteen ng school. Kasabay kong nag lalakad sina Jaime,Katherine at xav. Hanggang ngayun pala isipan pa din sa akin ang sinabi ni Kath kanina. Hindi ko alam kung tamang sumang ayon ako sa kanya o hindi. Pero ganun naman na talaga si Jacob hindi ba.. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko sa sinabi ni Katherine kanina. Maybe may iba nga sa mga kinikilos ni xav pero ganun pa din naman sya eii. Masyado nga lang syang naging cringe sa akin sa lahat ng pag kakataon lalo naka pag nalabas kami para mamasyal.


         

     " Eiii... Ayus ka lang ba kanina ka pang naka tulala ah?" Napa balik ako galing sa pag iisip ng yugyogin ni xav ang balikat ko. " A-hh sorry.. Sorry may iniisip lang ako para mamaya sa activity namin." Pag papalusot ko kay xav na ngayun ay nag lalakad ng muli. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya pero sa huli napag pasyahan ko na lang na wag sabihin sa kanya at sarilihin na lang.


          Nandito kami ngayun sa canteen naka upo sa isang lamesa di kalayuan sa counter ng canteen. Sinabi ni xav na sya na lamang daw ang o order ng pag kain naming lahat. Kaya heto kami at nag iintay sa kanya. Pero ang mga mata ni Kath sa akin ay hindi man lang na aalis sa pag kakatitig sa akin. Hindi ko alam kung may gusto na syang sabihin sa akin o ano eii na wiwirduhan na talaga ako sa kanya.

             Naka tungo ako sa aking kamay na mag kadaop sa lamesa. " Beshywup ayus ka lang ba huh? Bakit ang tahimik mo naman ata ngayun. Wala ka ba sa mood besh? " eskandaherang at may halong nag aalalang tanong sa akin ni Jai habang sinisipat ang aking noo.
" Ayus lang ako besh don't worry may iniisip lang ako" naka ngiti at paninigurado kong sagot kay jai. Na halata ang pag hinga ng malalim

         Nag lalakad na patungo sa amin si xav. Na may dalang dalawang tray sa mag kabilang kamay. Tumayo na ako para salubungin at tulungan sya sa kanyang mga dala dala. Alam kong naka tingin sa bawat kong galaw si kath. Di ko naman sya masisi kung ganun sya sa amin kasi nga nakakahalata na daw sya sa amin although wala pa namang na uunang umamin.  At dahil mayroong matalas na mata si kath alam niya lahat ng galawan kuno namin ni xav. Minsan nga kapag mag sasalita si kath kinakabahan na ako kasi pakiramdam ko anytime mag sasalita sya ng tungkol sa kanyang nakikita kuno sa amin dalawa.

    

           Na ipatong na namin ni xav ang pag kain na inorder nya sa lamesa. Kita ko sa gilid ng aking mata na naka tingin pa din sa amin si kath sa halip na pansin pa sya ay umupo na lang ako sa upuan at nag simulang kumain para makapasok na ako ulit sa next subject namin. Habang kumakain kami nag uusap ng kung ano ano sina kath at jai at pagkatapos mag usap ay bigla na lang ang mga itong hahagalpak sa tawa na akala mo'y wala ng bukas. Kaya naman ang ibang mga estudyante ay napapatingin na lamang sa aming gawi. Kaya naman habang kumakain ako ay napapailing na din ako dahil sa ka baliwang pinag uusapan ng dalawa. Natapos at natapos kaming kumain na hindi ko gaanong pinapansin at kinikibo si xav sa halip ay kay Jaime ako lagi naka dikit. Kaya naman ang magaling kong kaibigan nasi kath ay tumabi at ipinag siklop ang aming mga braso na kahit konting hangin ay mahihiyang makiraan. Tumgin at napa iling na lang ako sa ginawang ito ni kath. Alam ko naman kasi na kaya sya lumapit sa akin ay para hindi maka lapit o maka singit sa tabi ko si xav.




              Nasa tapat na kami ng classroom namin at papasok na sa next subject namin. Pero itong si xav ay hindi pa din umaalis sa tapat ng classroom namin. Hindi kami mag kaklase ni xav dahil punuan na ng makapag enrolled kami kaya mag kahiwalay kami. Siniko ako ng katabi ko sa upan na si Katherine may itinuturo siya sa akin gamit ang kanyang nguso kaya ang ginawa ko sinundan ko kung ano yung tinutukoy nya at nakita kong hindi pa din umaalis sa pintuan si xav.





My hidden loveWhere stories live. Discover now