Chapter 14

7 0 0
                                    

Alone





     Tapos na ang mga araw na ipina alam ng mga kaibigan ko. Kaya heto ako nag iisa ng muli sa buhay ko, not literally but I feel like I'm alone again and again. Hindi ko sila masisi kung umalis agad sila but I am very thankful because of them.





         Tulad nga ng sinabi ko maaga akong pumasok ng college pero home schooling ako. At ngayun andito ako sa hospital habang nag-aaral. Kung maari I don't want to leave papa, I always want to stay beside him even if it takes a lot of time.





      Si mama unti unti na syang bumabalik sa dati. Unti unti na nyang ibinabalik kung ano sya noong nakilala nya si papa. Pero sa akin walang bumabalik ni isa, sa akin lahat lumalala. Lahat ng nasaakin walang tunay, yung mga ngiti ko na pinapakita kay mama at kuya pati yun hindi tunay. Dahil lahat ng sa akin ay peke. LAHAT PEKE!




        Dahil bakit pa ako mag papaka totoo kung sarili ko lang din naman ang niloloko ko. Bakit pa ako babalik sa dating ako, kung wala na akong dahilan  para bumalik sa totoong ako. Bakit pa ako babalik sa dating ako kung pati sya ay ayaw ng bumalik sa amin. Wala naman na akong dahilan para maging totoo hindi ba?.






        Pa ulit ulit....
Pa ulit ulit akong nag dadasal sa'yo,
Pa ulit ulit akong tumatawag sa pangalan mo,
Pa ulit ulit akong nag susumamo sa'yo,
Pero ni isa sa pag tawag ko, hindi mo man lang dinolog. Ang bawat pag susumamo ko ni isa wala kang sinagot.





        Hindi ko alam kung mapag kakatiwalaan ko pa basyang nasa taas. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong lumapit sa kanya. Dahil sa bawat pag tawag ko sa pangalan nya ni isa wala syang sinagot. Hirap na hirap na akong mag intay ng himala kay papa, pero ni isa sa mga araw na pag hihintay ko wala man lang dumating galing sa kanya.





          Araw araw pakiramdam ko lagi akong nag iisa. Araw araw pag mulat ko ng mata pag baba ko sala isang malungkot na itsura ang aking makikita. Araw araw katahimikan ng bahay ang unang bumabalot sa aking tenga. Araw araw tanging sakit na lang ang aking nararamdaman sa tuwing nakikita ko ang sala ng aming bahay. Hindi ko na alam kung hanggang saan pa ba ang hangganan nitong aking sakit na nararamdaman.





     Pilitin ko mang maging masaya, pilitin ko mang tumawa. Pero tanging pekeng tawa at saya lang ang aking inilalabas. August na ngayun pero nasa kalahating taon na ang aking na igugol sa pag-aaral. Mas mabuti na siguro ito para hindi ko ma isip na lagi akong nag iisa at nasasaktan.





      Last month na excell ako kaya naman malapit na akong matapos sa pagiging first year ko. Hindi ko sinabi kay mama at kuya na na e excell ako, dahil kung sakaling sabihin ko sa kanila alam kong tututol sila. Kesho wala daw akong naiintindihan pero ang katwiran ko sa sarili ko ma e excell ba ako kung wala akong na tututonan.





            Ngayung first year college ako, dapat ang kukuhaning kong course ay photography. Pero nag switch ako sa business course kasi na isip ko na kung sakaling mag business ako, matutulongan ko si kuya sa pag ma managed nito. Kaya ngayun pinag bubutihan ko ang aking pag aaral at kung patuloy akong ma e excell mas mapapadali ang pag graduate ko ng college.





   Pinag patuloy ko ang lahat ng aking nasimulan at ngayung taon nasa kalaghatian na ako ng pagiging second year college. Nag papasalamat ako dahil kung hindi ako na e excell malamang sa malamang first year pa lang ako.




   Tumawag sa akin ang dean ng college at sinabi na kung may oras daw ako ay kung maaari ay pumunta ako sa school dahil may mahalaga daw silang sasabihin. Dahil madami naman akong oras pumayag na ako bago ako pupunta  kay papa.




     Nandito ako sa harap ng pinto ng Dean. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok. Pag ka pasok ko binati ko ang Dean ng isang magandang umaga. Pina upo ako ng Dean sa visitors chair, kaya umupo na din ako. Hindi pa ako nag tatagal sa pag upo ko sa upuan ay nag salita na ang Dean. Tango lang ako ng tango sa mga sinasabi nya dahil ang mga sinasabi naman nya is about lang sa pagiging DL ko. Wala namang problema dun ei kaya umo oo na lang ako.




  Nasa kwarto na ako ni papa, tulad ng lagi kong ginagawa lagi ko syang pinopunasan ng basang bimpo lagi ko syang inaayusan. Ang mga bagay na hindi ko sinasabi kay mama at kuya lahat yun kay papa ko sina sabi." Papa alam mo po ba na galing ako sa school ngayun bago ako dumiretso dito. Ang sabi sa akin ng dean running as Dean Lister daw po ako papa. Wala naman pong problema dun ei. At tsaka po pala pa Second year college na po ako ngayun, kung nabibilisan po kayo sa pag pasok ko papa dahil po yun sa pag e excell ko. Hindi ko po ito sinsabi kina kuya papa, dahil gusto ko kayo lang ang maka alam. Dahil tyak na pag nalaman nila mama ito, kesho wala lang daw ako matututonan ei excell nga po ako ei tsk tsk. Tsaka pa nag switch na po ako ng course photography to business po. Na isip ko po kasi na ma tutulongan ko si kuya pag nag business ako ei." Mahaba kong kwento kay papa habang ina ayusan ko sya ng buhok.




    Hindi na ako nag tagal pa sa hospital dahil si mama naman daw ang mag babantay. Ayaw ko mang iwan si papa pero si mama na ang nag pumilit sa akin na umuwi muna at mag pahinga. Wala na akong nagawa dahil pinag tabuyan na nya ako ei. Habang nag lalakad ako palabas na papa iling na naman ako. Dahil ito na naman ako uuwi na naman sa malungkot na bahay na yun. Ito na naman ako at nag iisa.






    I used to think the worst thing in life was to end up all alone. It's not. The worst thing in life is to end up with people that make you feel all alone.
   

My hidden loveWhere stories live. Discover now