Chapter 13

6 0 0
                                    

Pag dating







     Naka labas na ako ng hospital ng maka salubong ko si kuya sa labas. Sinabi nya sa akin na may bisita daw ako sa bahay. Kahit naguguluhan ako sa sinabi ni kuya na bisita ay tumango na lamang ako sa kanya. Dahil susunod muna daw sya sa loob para makapag pa alam kay mama.






    Nasa biyahe na ako pa uwi sa bahay, iniisip ko pa din kung sinong bisita ba ang tinitukoy ni kuya. Nang naka rating ako sa bahay pag pasok ko bumungad sa akin ang dalawa kong kaibigan. Kung ganun pinayagan silang bumiyahe pa punta dito. Hindi pa ako nakaka hakbang ay dali dali ng lumapit sa akin ang dalawa at niyakap ako ng napaka higpit.






      Hindi ko namalayan na umi iyak na naman ako. Hindi ko na alam kung kailan sila ma nanawa sa pag patak, hindi ko na alam kung hanggang saan pa ba ang kaya nilang e agos. Pilit nila akong pinapatahan at hanggang ngayun andito pa din kami sa may pinto.





       Pina upo nila ako sa sofa at doon nila ako pa ulit ulit na pina pagaan ang kalooban. Sa mahigit isang taon ko dito, ngayun ko lang ulit naranasan ang mag ka roon ng kaibigan na malapit sa'yo na nandyan sila malapit sa tabi mo.






      Hindi na ako hihiling pa ng iba, dahil sa tagal ko ng lumuluha ngayun ko lang naranasang lumuha dahil nandito sila. Pinakalma ko ang aking sarili, huminga ng malalim, pumikit at pinakiramdaman ang sarili ng sa palagay ko ay ayus na ako doon ko sila kina usap ng matino.



    

    "Hindi kami beshang mag tatagal dito,  siguro mga isang linggo lang kami. Nag pa alam lang kasi kami na kakamustahin ka lang namin, at sasamahan ng ilang araw." Sabi sa akin ni jai," Ayus lang jai ang mahalaga hindi ako nag iisa ngayun sa malungkot na bahay na ito." Sagot ko sa kanya na may pilit na ngiti sa labi." Wag ka ng ngumiti Cloe kung pilit lang din naman. Ghorl kahit minsan pwede namang maging totoo ka sa sarili mo. Maging totoo ka sa nararamdaman mo, kung nasasaktan ka umiyak ka, kung hindi mo kayang ngumiti wag mong pilitin wag mong piliting maging masaya ka kahit hindi naman. Wag mo ng lokohin ang sarili mo dahil ikaw lang naman ang masasaktan Cloe!." Mahabang pag sabat ni kath sa amin ni jai. Hindi ako naka sagot sa sinabi ni kath at sa halip ay napa tungo na lang ako. Lumuluha na naman ako lumuluha na naman ang lintik na mga matang ito. Pa ulit ulit kong itinataboy ang aking mga luha pero hindi sila tumitigil sa pag patak, hindi sila tumitigil sa pag agos. Ramdam kong niyak ako ng dalawa kaya sa halip na tumahan ako lalo akong napa hagulhol.





      Mga bandang 8:00 na ako napatahan ng dalawa kaya late dinner na ang nangyari sa pag kain namin. Ayaw nilang matulog sa guest room kaya ito kami at mag kakatabi sa kama. Mabuti na lang at malaki ito kung hindi dinaig pa namin ang ligo dito panigurado.







      Pag ka higa ng dalawa knockout na agad. Pagod na pagod siguro sa biyahe. Pinaka titigan ko lang silang dalawa, hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa wakas may kaibigan akong nasa tabi ko kahit pansamantala.






      Patuloy ko silang pinaka titigan, at wala sa sarili akong napa imik." Salamat dahil andyan kayo at hindi nyo ako iniwanan. Salamat dahil kahit noong wala ako sa tamang katinuan hindi nyo ako sinukuan. Salamat dahil hindi nyo ako hinusgahan, salamat dahil andyan kayo para soportahan ako, salamat dahil hindi nyo pinadama sa akin na nag iisa ako sa labang ito. Salamat sa pag suporta aking mga kaibigan. Tatanawin ko itong napaka laking utang na loob sa inyo." Bumangon ako ng bahagya at hinalikan ko ang dalawa kong mahal na kaibigan sa noo bago ako nag pasyang mag pahila na din sa antok.






      Pag mulat ko ng aking mga mata bumungad sa akin ang dalawa kong kaibigan na naka ngiti. Pilit nila akong ibinabangon at ng nagawa nila akong ibangan ay ipinasok na agad ako ng dalawa sa banyo. Hindi ko mapigilang matawa at mailing sa kanilang ginawa.






    Ngayung araw pupunta ako ulit kay papa, at balak kong isama ang dalawa ng kahit na ganoon si papa ay makita man lang nila si papa. Pag labas ko ng banyo wala na doon ang dalawa siguro ay asa baba na ang mga ito at nag aalmusal.






        Naka baba na ako ng makita ko ang dalawa na nag hahanda ng makakain namin. Gatas na lang ang tinitimpla nila at tapos na ang pag kain para sa agahan. Hindi ako manghuhula kung sino ang nag luto dahil sa aming tatlo si kath ang expert pag dating sa pag luluto at si jai magaling naman syang mag timpla ng kung ano ano.




 

   Umupo na ako sa hapag kainan dahil inanyayahan na ako ng dalawa. Habang kumakain kami walang tigil sa pag papatawa si jai. Kaya kami naman ni kath umutas na kami ng umutas sa pag tawa. Hanggang sa maka tapos kami sa pag kain ay tawa na lang ang nagawa namin. Sa mahigit isang taon ko ng pag e stay dito. Masasabi kong ito palang araw na ito ang masayang nangyari sa akin dito.







      Tama nga ang kasabihan nila, na ang tunay na kaibigan kahit sa kalungkotan, kahit sa kaligayahan, at kahit sa kapasakitan lagi silang andyan para ikaw ay damayan. Na kahit mailya milya ang layo nyo pupuntahan ka nila masamahan ka lang sa pag hihirap na iyong na raranasan. At lagi silang andyan para gabayan, payuhan, at pasayahin ka. Even in the deepest sad part of your heart they will make it happy.





       Kaya kung sakaling may mga kaibigan kayo na nag e stay dyan sa tabi mo. Ngayun palang pahalagahan, at iparamdam mo sa kanila na mahalaga sila. Because even if you are not blood related to them, always remember that they are heart related to you. That they want to stay beside you no Matter what happen. Because that is the true value of friendship they didn't looking for blood but they are looking into your heart.

My hidden loveWhere stories live. Discover now