Kabanata VIII

2.4K 152 7
                                    

INIGO

ARAW na ng Huwebes. Dalawang araw na ang nakalipas matapos nangyari ang lahat lahat.

Ang pagsugod nung tatlong lalaki dito sa condo at ang pagpanaw ni Edison.

Everything seemed like a race. Everything went fast but we are still on the same track. Kahit gaano pa kabilis ang oras, hindi pa rin kami makakawala sa katotohanang wala na nga si Edison.

Napaisip rin ako sa mga bagay bagay. Time doesn't really heal all wounds, unless that wound is already bandaged.

In other words, hangga't hindi pa namin nareresolba ang dahilan kung bakit pinatay si Edison, at hangga't hindi pa namin nabibigyang hustisya ang nangyari sa kaniya, all of us will just be circling around the pain.

Pabalik balik ang mga mata ko sa oras. Nakatunganga lang ako sa orasan habang hinihintay na mag-alas alas tres.

Pasado alas onse pa lang ng tanghali pero hindi na ako makapaghintay. Ngayon ang usapan namin ni Eric na magkita.

Wala akong alam sa mga plano ni Eric pero ang sabi niya, magkikita kami mamaya kasi nakahanap na siya ng taong makakatulong sa amin sa kaso ni Edison.

Ilang saglit pa, para bang may humigop sa isipan ko dahilan para maalala ko ang mga nangyari noong nakaraang araw.

"Sa tingin ko, hindi lang yung mga taong yun ang may kinalaman dito. At yun ang gusto kong alamin," napakunot yung noo ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Inilapit naman niya ang bibig niya sa tainga ko para bumulong.

"Mukhang may taong gustong magpapatay sa inyo," diretso niyang tugon dahilan para mapalunok ako ng laway. "There might be someone who ordered such crime."

"Ano? B-bakit?" pautal utal kong tanong.

"Aalamin din natin 'yan," saad niya.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makumperma namin na totoo nga ang haka-haka ni Eric.

Nung medyo lumalim na ang gabi at kumonti na lang ang mga bisita sa burol ni Edison, pumunta kami sa police station para mangalap ng updates dun sa taltong lalaking sumugod sa condo kanina.

At tama nga ulit ang kutob ni Eric. Those three men were actually low class hitmans. May nag-utos sa kanila para ipapatay kami ni Edison.

Ginawa na namin ang lahat para mapaamin sila kung sino ang nag-utos at nagbayad sa kanila pero ni isang salita ay wala na silang sinabi pa.

Lumabas din sa naggawang inbestigasyon na walang kinalaman ang mga logo na nasa suot nilang mga damit. It was a logo from a local restaurant at ginamit lang nila 'yon para lituhin ang mga nag-iimbestiga.

Hindi ko namalayang may namumuo na naman palang mga luha sa mata ko. These past few days, bigla na lang akong naiiyak.

Is it okay for a man to cry? I guess so.

It's my first time to lose a loved one. Buhay pa ang parents ko at ang lahat ng mga mahal ko sa buhay. Tanging ang matalik kong kaibigan ang pinakaunang taong iniwan ako.

"Are you okay?" biglang may nagsalita sa likuran ko pero hindi ko na siya nilingon pa.

"Bakla ka yata, iyak ka ng iyak eh. May pulis palang bakla?" dagdag pa niya at ngayon ay nakatayo na siya sa harapan ko.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon