Kabanata XI

2.1K 128 2
                                    

INIGO

MABILIS kong binalot ang buong katawan ko nitong twalyang iniabot sakin ni Eric. Naupo naman ako sa sofa at dahan dahang hinigop ang kapeng ibinigay niya sakin.

"Bakit ba kasi kayo lumabas ni Crystal? Tsaka asan na siya?" sunod sunod na tanong ni Eric pero tulala lang ako habang nakatutok sa kape.

"Huy!" tawag niya dahilan para matauhan ako at mapatingin sa kaniya.

"Umalis na siya. Hinatid ko lang," palusot ko. Hindi naman maiintindihan ni Eric kung ipapaliwanag ko sa kaniya lahat.

"Inigo? Bakit, anong bang nagawa mo?"

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang nagsalita si Callista habang patuloy na pumapatak ang ulan sa mukha ko. Tila ba naging blanko na lang ang utak ko. Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin na hakbang.

Narinig kaya lahat ni Callista ang pinag-usapan naming ni Crystal?

"SPO1 Herrera, magkikita pa tayo ulit," biglaang nagsalita si Crystal dahilan para mapalingon ako sa kaniya pero nakita ko na lang na naglalakad na pala siya palayo.

"Huy, tinatanong kita," nagsalita pa si Callista pero nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang sumulpot sa harap ko.

Anong pakiramdam 'to? Bakit patuloy akong kinakabahan?

Tinitigan ko si Callista at mabilis na hinablot ang magkabilang balikat niya. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko pero wala na akong pakialam dun. Ang gusto kong malaman ngayon ay kung narinig niya ba ang usapan namin ni Crystal.

"You heard everything, right?" walang kurap kong tanong sa kaniya.

"Duh, kaya nga ako nagtanong kung anong nagawa mo di'ba? Obviously, hindi ko narinig," pagsusungit niya at inirapan pa ako. Siniko niya naman ang mga kamay ko dahilan para mabitawan ko ang mga balikat niya.

Hindi ko na namalayan na napangiti na pala ako sa sinabi niya. Para bang may tinik na bigla na lang na tanggal mula sa pagkakatusok sa akin.

It seems so selfish of me but as of now, masaya akong hindi pa nalaman ni Callista ang totoo.

"Sino ba kasi yung girl na yun? Tsaka ano ba yung pinag-usapan niyo?" sunod sunod na tanong ni Callista.

If only I can tell her that Crystal was once her friend.

"None of your business," sagot ko na lang at tumalikod na. "Tara, pasok na tayo," dagdag ko at nauna nang naglakad pabalik sa loob ng bahay.

"Weh? Hinatid? Baka naman pinosasan mo na tapos hinatid mo sa prisinto," biro ni Eric at napailing iling habang nagsasalita.

"No, nabigla lang talaga ako kanina kung bakit mo dinala yung isang kagaya niya rito," tugon ko. "But I understand everything now," dagdag ko.

Totoo naman. I think Crystal is trying to change now too. Nakikipagtulungan na siya sa aming mga pulis. Posible rin palang magbago ang mga criminal.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, napatingin na pala ako kay Callista na nakaupo rin sa isang sofa habang iniisip ang mga bagay na iyon.

Probably because of the fact that I know her story now. She tried to change too.

Nakayuko lang siya habang tuwid na nakaupo. Hindi ko rin alam pero parang nalulunod na ang mga mata ko sa mala-anghel niyang mukha.

She's definitely the don't-mess-with-me woman in her appearance but when you draw your attention to her face, her features will just pull your eyeballs off your eyes.

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon