Kabanata XIV

1.8K 121 0
                                    

INIGO

LAHAT ay nakaputi habang ako at ang mga kasamahan kong mga pulis ay naka-uniporme. Sadness were painted in everyone's faces. Some of them were plastered with tears.

Hawak hawak ko ngayon ang isang piraso ng puting bulaklak. Everyone was silent while waiting for everything to be arranged. Kasalukuyang inaayos ng iilang mga tao ang kabaong sa gilid ng hukay.

Ilang saglit pa ay binuksan na ito, at sa kahuli hulihang pagkakataon ay nakita ko ang mukha ni Edison.

Unti unting may namumuong luha sa mata ko but I tried my best to compose myself. Hindi naman nakapagpigil ang ina ni Edison. Tita Ericha was yelling non-stop habang nasa likod niya naman si Eric na inaalalayan siya.

Nang mapakalma na ng pamilya si tita ay nagsimula nang tumugtog ang banda sa gilid. The priest gave his last words and anointed the coffin. Lumipas ang ilang minuto at sinimulan na ngang ibaba ang kabaong sa hukay. Hindi na naman mapigilan ni Tita Ericha ang pag-iyak pero kung ikukumpara kanina ay mas kalmado na siya.

Ilang saglit pa ay oras na para ihagis ko ang hawak kong bulaklak.

Nang inumpisahan ng tabunan ang hukay ay minabuti ko munang tumambay sa medyo malayo. Nasa likuran na ako ng lahat ng mga nakiramay. I just wanted to distance myself from what is happening.

Habang naghihintay na matapos ang libing ay napatingin ako sa paligid. Ang berdeng bermuda ang siyang naghari sa malawak na lupain. Nilibot pa ng mga mata ko ang paligid nang may mapansin akong babaeng naka-itim na nakatayo sa di kalayuan.

Si Callista ba 'yon? Pero imposible yun dahil nakashades yung babae.

Siningkit ko ang mga mata ko dahilan para mas makita ko siya. May Dalawang lalaki rin pala siyang kasama.

Hindi ko alam kung bakit pero napagtanto ko na lang na dinadala na pala ako ng sarili kong mga paa sa kanila.

Nung nasa harapan ko na yung babae ay tinanggal niya na ang suot niyang shades dahilan para bumungad sa akin ang babaeng balak kong hanapin pagkatapos nitong libing.

Si Crystal.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Napatingin naman ako sa dalawang lalaking kasama niya. Sa unang tingin pa lang, mararamdaman mo ng mga kriminal sila.

"Bibigyan kita ng babala Inigo," tugon niya. "Gusto kong magalit sayo sa pagpatay mo sa kaibigan ko kahit alam mo na palang siya 'yon pero mas pipiliin kong isantabi muna 'yon lahat."

Hanggang ngayon, inaakala niya pa rin na nung gabing 'yon, alam ko nang leader ng Crimson ang binaril ko.

Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"This is the least I can do," wika niya.

"Ano 'yon?" nakakunot-noo kong tanong. Anong babala ang ibig niyang sabihin? At bakit sa lahat ng oras ay ngayon pa niya gustong sabihin sa libing ni Edison?

"Balak kang dukutin ng grupo namin mamaya," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ako? Bakit ako?"

Ilang saglit pa ay bigla kong naalala ang sinabi sakin ni Eric noon.

"Bakit ba kasi binalak kaming iligpit ng Crimson?" naguguluhan kong tanong. Wala si Callista ngayon sa tabi ko kaya mapaguuspan na rin namin ni Eric ang lahat ng mga nangyari noon.

"It all started five years ago," tugon ni Eric dahilan para mapakunot ang noo ko.

Anong ibig niyang sabihin?

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon