Kabanata XXII

1.5K 102 11
                                    

INIGO

THERE'S almost nothing to be seen in front of me. My windshield's covered with thick droplets of rain that even my wipers are not capable of wiping them all out.

Halos mag zero-visibility na ang daan. Mabuti na lang at wala na akong masyadong kasalubong. Mag-aalas tres na ng madaling araw kaya bihira na lang ang mga bumabyahe ngayon.

I stepped harder on the accelerator to increase my speed. Kasing bilis ng tibok ng puso ko ang bilis ng takbo ng sasakyan ko. I wanted to clarify everything. Hangga't hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari, patuloy lang akong kakabahan ng ganito.

Maya maya pa'y narating ko rin ang ospital. I immediately went inside the elevator and pressed the 8th floor kung saan naroroon ang room ni Eric, room 807.

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung saan pa pupunta. My instincts are just telling me to proceed to his room. Few seconds had passed at bumukas na nga elevator. Ngunit nangunot ang noo ko nang makitang nasa 8th floor pa pala ako.

A man in a nurse's uniform went inside and pressed a button. Saglit akong napalingon sa kaniya at napagtanto kong pamilyar sa'kin ang kaniyang mukha.

If I'm not mistaken, his name is Matthew. Siya yung nakabangga ko dati dahil sa pagmamadali niya. He and his friend said they would surprise his girfriend.

Kung hindi lang sana balisa ang isipan ko ngayon, I could have asked this guy beside me about the surprise. Medyo nacurious din kasi ako sa kung ano kaya ang isinagot ng girlfriend niya sa proposal.

But no. I have no time for gossips. Kailangan kong magmadali papunta sa room ni Eric. Gusto ko siyang suntukin at pagsabihan na hindi maganda ang biro nila ni Karyll sa'kin kanina.

I wanted to believe that all of those were nothing but pranks.

Nang makarating ako sa 8th floor ay agad na akong napatakbo palabas. I directly went to Eric's room but much to my dissapoinment, hindi si Eric, si Karyll o si Tita Ericha ang nakita ko kundi dalawang nurse na parang may inaayos sa kwarto.

"Excuse me, where's the patient here?" tanong ko dahilan para mapalingon silang dalawa sa'kin,

"Sir, wala na—" hindi natapos sa pagsasalita 'yong isang nurse dahil sumapaw ako.

"Nevermind, salamat na lang," I said as I went out and slammed the door closed.

I don't know, I just realized something. I don't want to hear anything from their mouths. Gusto kong panindigan ang iniisip ko na prank lang 'to lahat.

I'm about to go to the nurses' station but I froze after seeing Karyll, standing a few meters away in front of me.

Namumula ang mukha niya habang unti unting napupuno ng tubig ang gilid ng kaniyang mga mata.

"Inigo..." she uttered my name, and with that, mabilis siyang tumakbo sa akin at sinampal ako. Ramdam ko ang namamasa niyang kamay na humampas sa kaliwang mukha ko.

"What was what that for?" walang emosyon kong tugon. I'm unfazed. Hindi ko 'yon inasahan ngunit hindi rin ako nabigla.

"Bakit ngayon ka lang? I was calling you for hours, texting you nonstop, putangina, bakit ngayon ka lang!" she yelled in front of my face. Doon na nanlaki ang mga mata ko. Ni minsan ay hindi ko pa narinig na magmura si Karyll.

"Does your phone even exist? Ilang beses na nangyayari 'to Inigo. 'Yang hindi macontact 'yang phone mo. And this time is the worst," napapikit at napayuko siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Because you let a friend of yours die."

I'll Save You ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon